Kabanata 6

1.9K 64 2
                                    

"Don't you find Snyle mysterious?" sabi ni Mally sa mababang boses.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan na parang nababaliw na siya. Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito?

Sa daming admirer ni Snyle na dinaig pa ang isang artista, hindi na misteryoso ang pagkatao nito rito dahil marami ng umalam sa pagkatao niya. Atsaka kahit hindi ako interesado sa buhay niya, nalaman ko na rin naman dahil sa pagsagot niya sa mga katanungan ni Memo.

"No. What's so mysterious about him?" I asked uninterestedly.

"Nakarinig ako ng chismis na sobrang yaman daw ng mga magulang niyan. So when they died, they left Snyle a huge amount of money that can last until three generations. Pero bakit kaya rito lang siya nag-aaral? I mean yes, there are so many rich people here too. Pero ibang level daw iyong yaman nila noon!" sabat ni Milly.

"Yeah. No need to work in fast food. O kaya hindi na niya need magtrabaho pa kung saan!" Mally seconded.

"Baka naubos na," sabi ko. Mauubos talaga iyon lalo na't wala na siyang magulang para magdagdag pa roon. At isa pa, baka ginamit na rin ito nang bata pa lang siya pangtustos sa kanya.

"Let's stalk him!" Mally said enthusiastically.

"Where? On his Instagram? Facebook? Twitter? Messenger? Snapchat? YouTube? TikTok? Pinterest? Periscope? Tumblr? LinkedIn? WhatsApp? WeChat? Qzone? Tinder? Bumble? But I heard he doesn't have any social media accounts?"

Namangha ako sa dami ng binanggit na social media ni Milly. Ang meron lang akong account ay Facebook, Messenger, Email at YouTube! Ayan lang ang gamit na gamit ko sa araw-araw.

"Of course you knew he doesn't have one! You just want to flex your dating apps because no one likes you in person," Mally mocked causing Milly to raised her dirty finger on her twin. I shook my head. "Any way, we will stalk him in person."

"I'll pass," sabi ko.

"Aren't you curious about him?" tanong ni Mally.

I shook my head. "Hmm. Not really."

Niligpit ko na ang mga notebook ko at pinasok sa bag ko. Gusto ko na lang umuwi at matulog dahil inaantok ako. Ang bwiset kasi na si Snyle ay tumawag kagabi sa akin. Ayaw ko ngang sagutin dahil hindi ako sumasagot ng tawag, lalo na kapag hindi naka-save sa cellphone ko ang number.

He called me because he can't sleep. And he wants me to sing a lullaby! Of course I didn't obeyed his request. Baka kasi magising ko pa ang kapitbahay namin at pukulin pa ang bahay namin kapag narinig nila ang boses kong kumakanta.

Ilang beses ko siya pinatayan pero tawag pa rin nang tawag! Hindi ko naman ma-i-silent dahil ayaw ko rin. Kaya sa inis ko, sinagot ko na lang atsaka ko siya tinulugan.

"Well, I am!" Mally said.

"Susundan ba natin siya?" excited na sinabi ni Milly.

"Sasama ka?" tanong ni Mally sa kapatid.

"Of course! It's Snyle! And stalking him is fun!"

Tinignan ko si Milly na parang nababaliw. Well, she's crazy, alright. Anong fun sa pag-stalk sa isang tao? Ang creepy kaya no'n!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Won't Forget (Landegre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon