Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Snyle sa unibersidad. Lumalayo nga ako sa kanya dahil ayokong may makita sa amin na magkasama, pero ang makulit na lalaki ay panay ang sunod sa akin. Hindi ko na lang siya pinapansin at nauunang maglakad para kunwari ay hindi kami magkasabay.
Kaso nang patungo na ako sa aking classroom, nakasunod pa rin siya. Kaya naman hindi ko na naiwasan na magsalita. Pinagtitinginan na rin kasi kami. Some of the students are even asking where Snyle is going. And this jerk will answer by pointing his finger at me.
"Dito ba classroom mo at nakasunod ka pa rin sa akin? Pumunta ka na sa klase mo o kung saan ka man tumatambay!" taboy ko sa kanya.
"I'll take you to your class," he said.
"Hindi ako kinder para ihatid mo pa! Umalis ka na!" sabi ko at nagmadali na sa paglalakad.
But I halted in my steps when I saw Griffin walking in front of me. Bagong ligo, at mabangong-mabango!
"Good morning," he greeted with a small smile.
Medyo napalingon pa nga ako sa aking likuran para malaman kung ako ba ang binabati niya. But only Snyle is behind me. And I'm sure he won't greet him a good morning. So, it's for me! Yes! It's for me!
"Good morning!" masaya kong bati pabalik.
He nodded then his eyes drifted behind me and his small smile faded. Napatingin din tuloy ako sa likuran ko at nakita si Snyle na may nakakalokong ngisi. Ano na naman kaya ang nginingisi-ngisi nitong lokong 'to?!
"Why did you stopped walking, Mnemosyne? Keep walking. You're going to be late," sabi ni Snyle.
Gusto kong sabihin na wala siyang pakialam kung ma-late ako. Nasa harapan ko iyong isa sa inspirasyon ko! Pero hindi nga naman tama na ma-late ako. Atsaka hindi naman din ako nali-late.
Griffin looked at me. "Go to your class," then he looked at Snyle again. "You too. Why are you even here? As far as I know, this is not your department."
"Oh? Is there a rule that prohibits a non-hospitaly students from coming here? I didn't know. I'm not inform," Snyle shrugged nonchalantly.
"Uh, papasok na ako," singit ko na para hindi na lumala pa ang away nang dalawa.
Nilagpasan na kami ni Griffin. Nilingon ko siya at saglit na pinanood habang naglalakad palayo bago nagpasyang magtungo na sa aking classroom.
"Napakaganda ng umaga ko!" kinikilig kong sinabi.
"Is it because of me?"
"Hindi, 'no! Sira nga dahil sa iyo eh! Pero dahil nakita ko si Griffin at binati ako, nabuo at gumanda!" malaki akong ngumiti.
"Tss."
Sinipat ko si Snyle. "Bakit ba nandito ka pa? Pumunta ka na nga sa klase mo!"
Suplado lang siyang nag-iwas sa akin ng tingin at hindi kumibo. Aba!
Hinayaan ko na lang siya at nagmadali sa paglalakad. I'm excited to tell the twins about our interaction. May progress na sa aming relationship! Napapansin na niya ako ngayon! Hindi kagaya noon na invisible ako!
Pumasok na ako sa aming classroom. Nagdiretso naman si Snyle paalis. Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin bago nilibot ang mga mata sa loob ng classroom para hanapin iyong kambal. But they beat me to it.
"Ano itong kumakalat na sabay raw kayong pumasok ni Snyle?!" salubong ni Milly sa akin.
"How's your sleep knowing there was a handsome guy in your house?" Mally said while smirking. I arched a brow. "Memo texted me. Bumibilis ang ship ko ah!"
BINABASA MO ANG
Heart Won't Forget (Landegre Series #1)
RomanceMnemosyne Escobar never wanted complications. She just wants a simple and peaceful life. Having a loving family, a true friends, good grades and a handsome crush are enough for her. Wala na siyang ibang hiling pa. But an accident happened causing he...