Chapter 5- The long wait is over

132 8 0
                                    

Keirah's POV

"May 10 minutes pa pala ako. Madaanan nga muna si Mang Ador." tukoy niya sa sekyu sa kabilang gate nitong school.

Naging ka-close ko na ang matandang sekyu sa kabilang gate ng minsang naligaw ako ng daan. Kala pa nga sa kanya noong una, elementary student. Maliit kasi akong babae. Wala na akong magagawa doon dahil namana ko sa aking magandang lola ang aking height. Di bale, maganda naman ko, basta walang kokontra.

"Mang Ador, mustasa?" bati ko sa matanda.

"Ikaw pala iha, mukhang lumalaki tayo ah?"biro naman ng matandang sekyu saken.

"Mang Ador talaga oh, magdilang anghel po sana kayo ahehe" pasakay ko sa sabi nito.

Nagpaalam na ako sa matanda at naisipan kong dumaan nalang doon tutal narito na ako at tamad na akong maglakad papunta sa kabila dahil sa sobrang init. Baka malate pa siya kapag ginawa pa niya iyon, sa laki ba naman ng school.

"Naks! Kung sinuswerte ka nga naman oh, buti pala dito ako dinala ng aking magagandang paa".

May nakita siyang biente pesos sa kanyang dinadaanan. Ngunit mukhang pinahihirapan siya. Akma na niyang pupulutin ng biglang nilapad ito ng hangin papuntang gitna ng daan.

"Pakipot ka pa mah money! Diyan ka lang andiyan na ako ahaha" para tangang sabi niya.

Tumakbo siya sa gitna ng daanan at inapakan niya ang biente pesos para hindi na lumipad ulit.

"huli ka! Ahehehe" yumuko siya para pulutin ang pera.

May narinig siyang malakas na busina pero di niya pinansin iyon dahil mas importante sa kanya ang beinte pesos dagdag baon din kasi iyon.

Nang mapulot niya, tinignan niya ang paligid,wala naman siyang nakitang sasakyan, maliban lamang sa isang sasakya sa may malapit sa puno. Maybe doon na nagpark ang isa sa mga estudyante.

Nagkibit balikat siya, pinatuloy ang paglalakad. May nadaanan siyang comfort room kaya nagtungo muna siya roon.

"Guni-guni ko lang siguro iyon" tanong niya sa harap ng salamin.

"Wahh malalate na ako" bigla siyang lumabas at mabilis na hakbang ang ginwa niya patungong building kung saan ang kwarto nila.

Tammy POV

"Where have you been bakla? Buti wala pa si Ma'am." tanong niya sa kaibigan.

Dora the Explorer ata kaibigan niya, laging late dumating.

Mukhang nanggaling sa giyera ang kaibigan dahil pawis na pawis ang mukha at mukhang hinabol ng siyam na bakla pang-sampu siya ahehe pilyang dugtong niya.

Keirah is very beautiful, iyong tipong hindi ka magsasawang titigan siya. Naks hindi ako iyong tomboy ah ahehe pilyang sabi ulit ng utak niya. Ngunit parang hindi ata alam ng kaibigan niya ang salitang mag-ayos.

Keirah POV

"Where have you been bakla? Buti wala pa si Ma'am." narinig niyang tanong ni Tammy sa kanya pagkaupo niya. Hindi niya napansin ang paglapit nito. Sa sobrang pagod ata niya sa pagtakbo, mapabilis lamang pagtungo niya sa kanilang kwarto nakalimutan na niya ang paligid.

Grabe pawis niya. Gosh baho ko na ata! Inilabas niya ang kanyang towel ang pinahid ang mga tumutulong pawis sa katawan.

Biglang tumahimik ang paligid, dahilan para mapaangat siya ng tingin. Kala niya ang guro na nila, ngunit grupo ng mga lalaki ang pumasok at napatulala siya ng biglang pumasok ang lalaking hindi niya akalaing masisilayan pa niya after two weeks mula ng mabangga niya ito.

Mukhang nabaliw na ang mga babae sa paligid. Nakangiti lang ang mga kasama nito habang ang kanyang angel-slash-devil ay seryoso na para bang may hinahanap.

Oh my gulay the long wait is over, im gonna start to court my future husband excited na sabi niya sa kanyang isipan.

Biglang napatingin sa gawi niya ang lalaking mahal. Hindi na niya napansin ang mga kasamahan nito kung nasaan na dahil hindi naman importante.

"Oh my he's staring at me" bulong niya, napakapit sa siya sa kanyang upuan.

Tumigil sa kanyang harapan ang kanyang angel-slash-devil at madilim ang matang nakatitig sa kanya.

Ngunit parang may nakita siya sa mata nito na pagkalito pero saglit lamang iyon at bumalik sa maitim na pagtitig nito sa kanya.

"You!" turo sa kanya ni Shin.

"Me?" turo niya rin sa sarili.

Kahit hindi niya iikot ang paningin alam niyang sa kanya o sa kanila ni Shin nakatingin ang mga kaklase.

"Who gave you permission to roam around at this school? A grade school student like you is not allowed at this building!." galit na sabi nito.

Hala sino kaaway nito? Tumingin siya sa kanyang likuran.

"Ikaw kausap ko bata!" singhal nito sa kanya.

Aray!

Ako, isang grade school student? Teka, nakapasa na ako sa elementarya ah , tagal na. My loves naman oh. reklamo niya sa kanyang isip.

"Ahm dito ako nag-aaral at klasmeyt tayo?" alanganing sagot niya.

"What?! A little boy," tinignan siya nito mula ulo hanggang paa parang hindi makapaniwala.

"Oi Shin, give some break to the little boy" tawag sino ng lalaking kulay blue ang buhok, nanlaki ang kanyang mata, mukhang nanggaling sa kung saan ang isang ito ah.

"Tsk! Im not done you yet" umalis na ito sa kanyang harapan nagtungo sa upuan nito marahil kasama ang mga kaibigan nito.

"Kawaii" sabi ng lalaki sa kanyang likuran sabay pisil sa kanyang pisngi. Naglakad na ito papuntang kaibigan nito.

Wahh hindi niya napansin..

"Dylan, kelan ka pa nariyan?" tanong ng isa sa mga kambal.

Hindi na niya narinig ang ibang sinasabi ng mga ito. Mas naririnig niya ang malakas na tibok sa kanyang dibdib sa pagkakita niyang muli kay Shin.

"I told you, She is not he" sabi ng isa sa kambal, hirap tukuyin kung sino sa kanila.

"Cute, I like her" narinig niyang sabi ni Dylan, mukhang siyang anghel.

Wala siyang pakialam sa tinutukoy ng mga iyon.

Tinignan niya si Shin. Nakatingin ito sa kanya, hindi man lang ito umiwas ng tingin kaya nginitian nalang niya ito ngunit blangkong ekspresyon lang nakuha sabay tingin nito sa mga kaibigan.

Wahh i love you na talaga my labs angel-slash-devil nababaliw niyang sabi sa kanyang isipan.

Napangiti siya sa kanyang naisip..

LIGAWAN SI FUTURE HUSBAND (Editing) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon