Chapter 14- Thinking of Him

112 7 0
                                    


Keirahs POV

Three days ago, as in tatlong araw na akong usap-usapan ng mga tao sa paligid. Halikan ba naman ako ni Shin mylabs ko sa harap ng madlang people. Kung anong kinatulala ng mga taong nakakita ng live show namin ni Shin, mas lalo naman ako. Halos manlaki mata ko sa nangyari. May pagkatimang din ibang nakakita at nakaalam ng balita, sabi nila, ako raw ang unang humalik kay Shin. Mga buang talaga,kapag chismis nakarating sa iba tiyak iyong mga nahuling nakikibalita mali-mali na.

Walanghiyang Shin, pagkatapos nitong kunin ang first kiss ko, itulak ba naman ako. Sakit sa pwet, dahil napaupo ako sa pagkakatulak nito.

Hindi iyon ang pinangarap kong unang kissing scene namin ni my labs.

'Kissing scene talaga ha' kontra ng aking isipan.

Gusto ko sympre romantic, iyong under the stars o kaya sa beach habang palubog ang araw ahaha..

"Oi napano ka ne?"sabay batok sa akin ng walanghiyang si Miles.

"Aray ha di masakit"reklamo ko.

"hmm" batok ulit nito, na mas malakas pa sa una."gising ka na ba? Nabubuang ka ne, kanina ka pang parang wala sa sarili" dugtong pa nito.

"Hindi ah, wala akong iniisip" sabi niya.

May nambatok ulit sa akin. Nilingon ko ito at tinignan ng masama kaso nag-peace sign ang babaitang ito.

"Bakit nakabatok ka rin ha?" sabi ko sa tabain kong kaibigan.

"Trip lang, idol ko si Miles ahehe" sabi ni Tammy.

Foundation day na namin kaya heto tambay-tambay pag marami ang time. Daming activities sa school, iyong iba dun, ako ang nag-oragnized. Kung di niyo naiitatanong  kasama din ako, kami ng dalawa ko pang kaibigan sa student council kaya todo tutok din kami sa mga activities.

Puros nakasibilyan mga estudyante since Foundation day, hindi required na magschool uniform. Kaya halos 80 percent na populasyon na kakabaihan dito todo effort sa damit na suot nila. Take note one week ang foundation day dito and Im sure, one week din silang ganyan.

"Gosh, siya ba iyong nanhalik kay Shin?" narinig kong sabi ng babaeng kulay mansanas na ang mukha sa sobrang kapal ng blush-on.

"Di na nahiyang halikan si Papa Shin, manligaw nga kapal na ng mukha, halikan pa, eh di parang pader na ang mukha sa kapal." narinig ko ulit dun sa isang katabi ni mansanas girl. Nagtawanan pa ang mga bruha.

Hindi ko na pinansin ang mga ito dahil bilang kasapi sa SC ng kanilang eskwelahan dapat hindi ako mangungunang manggulo o pumatol sa anumang gulo, maliit man 'yan o malaki, may sense man 'yan o wala.

"I heard, di pa pumapasok si Papa Shin."

Ano namang drama ni Shin na iyon,baka narealized na niya na gusto na niya ako, kaya nahihiya ahehe.

"Maybe may sakit, may bacteria kasi ang isa dyan, eww..."

"Baka naka-confine siya ngayon"

"Huhu wawa naman si Papa Shin, dahil naalisan siya ng virus"sabay iyakan ng tatlong ugok na mag-kakaibigan, mas malakas ang iyak ni mansanas girl.

Wahh bacteria? Virus? Seryoso mga teh? Anong klase ang halik ko? delikado para ganung ma-confine pa siya. Sumusobra talaga ang mga babaeng ito. Makikita nila ang hinahanap nila, baka di sila ma-confine, paglamayan na sila.

Itinaas ko ang makabilaang manggas ng aking tshirt. May humawak sa magkabilang mga braso ko. Nakalimutan ko naryan pala mga kaibigan ko.

"Dont mind them Keir" sabi ni Miles, tinitignan niya din pala ang mga babaitang iyon.

"Tama, wag mong ibaba ang iyong level mo sa mga bruhang iyon. Gosh, mukha palang ang papangit na." malakas na sabi ni Tammy na kinalingon ng tatlong bruha na ngayon nanlilisik na ang mata sa kanila.

"Lets go gals, mukhang may virus na pagka-cheap ang mga tao diyan" sabi ni mansanas girl at umalis na ang tatlo na kairap pa. Para silang mga bitches sa pelikula, sabay-sabay tatayo, naka-pout ang nguso, taas kilay kasama nuo.

Natawa na lamang kami sa inasal nung tatlo. Seryoso ba mga iyon? Ghad weird talaga mga tao dito.

Naisip ko si my labs. Tama, pagkatapos nitong halikan ako, ne anino nito hindi ko man lang nakita.

Problema nun? Hay teka nga baka andun siya.

"Guys wait lang ha."sabay takbo at di ko na sila nilingon baka magtanong pa sila at worst, baka sumama pa sila sa akin.

"Hoy baks! San ka punta?" narinig kong tanong ni Tam habang palayo ako sa mga ito.

Sorry guys, sasabog na isip ko sa kakaisip kay my labs. Halos tatlong araw na akong walang tulog dahil sa lintek na halik na iyon at kay Shin.

LIGAWAN SI FUTURE HUSBAND (Editing) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon