Chapter 12- Blue haired

96 6 0
                                    

Tammys POV

"Bakit wala pa ang baklang iyon ha Miles?"tanong ko sa maligalig kong kaibigan na kanina pa walang imik.

Langya! Lagi siguro itong napapanisan ng laway. Grabe trip nito, kung anung kinadaldal ko siya naman nitong katahimik. Mahihiya mga butiki at lamok sa katahimikan ng babaitang ito.

"Ewan.."tinatamad na sabi nito. Mukhang napailitan pang sumagot."Bakit kasama ko ba siya?" Tugtong nito.

Naku pilosopo pa ang aleng ito.

"hmp!"kahit kelan talaga hindi ko maintindihan ang babaeng ito,tirik na tirik ang araw naka-all black na outfit ito. May uniform naman kami sa pang-itaas white then sa ibaba itim na palda na hanggang itaas ng tuhod abot with matching black shoes tapos mahabang medyas na black din. Ganyan school uniform namin. Since walang klase tinanggal ni Miles uniform nito pang-itaas, sa ilalim nun nakasuot na ito ni tshirt na black. Ganyan niyan eh, mahilig sa itim akala mo laging nagluluksa.

Pero dito madaming malalandi este pasaway na babae, iyong uniform nila puros maiiksi, meaning hanggang kalahati ng hita nila iyong palda. Minsan pa nga mas worst pa dun. Nakabukas dalawa o hanggang tatlo ang butones sa pang-itaas nila, mga ganun iyong ibang babaing estudyante dito.

"Hi Tam-tam" bati sa akin ng lalaking may kulay asul na buhok. Sinong abnoy ang maglalakas-loob na gumawa nun, none other than Jacob as in Jacob Jimenez ang panira sa beauty ko mula pa noon.

"Excuse me its Tammy not Tam-tam" pasungit na sabi ko dito. Ang abnoy tinawanan lang ako at lumabas na, sumunod sa mga kaibigan nitong nauna ng lumabas.

Bwisit talaga ang lalaking iyon oh. Kahit kelan talaga. Bakit ba kasi andito iyon? Weeh nagmamaang-amangan ka pa eh alam mo. Kontra ng kabilang isipan ko.

"Hindi ah.." malakas na sabi ko ng ikalingon ng mga kaklase ko.

"buang lang" si Miles.

Hehehe pahamak talaga ang other isip ko.

"Milecent gora na tayo baka may nangyari kay Keir kung bat wala siya ngayon tutal wala na tayong klase. Di ba ang cool lika tambay tayo kina Kier" yaya ko sa kaibigan. Tumango lang ito at naglakad na kami palabas ng silid.

Papunta na sila sa may hagdan para bumaba na sana ng makita nilang patakbong papunta sa kanila si Keir.

"Anyare friendship? Para kang hinabol ng siyam na bakla"sabi ko dito. Mukhang haggard na haggard ang itsura ng babaitang ito.

"Oh bat siyam lang? Di ba dapat sampu?" nagtanong pa talaga.

"Siyempre pang-sampu ka. Naku naman bat nakalimutan mo." sinabunutan ako ng baklang ito at tumawa lang si Miles..

Ganyan namin kamahal ang isat-isa pumi-pisikal lang. Ahahaha

LIGAWAN SI FUTURE HUSBAND (Editing) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon