1Ghostwrite1

156 7 16
                                    

8 Years ago..

"Ano ba! Bitiwan niyo ako!"

Kasalukuyang hawak ako at hila hila ng dalawang bisugo na alipores ni blossom ang leader ng power puff girls gang slash ang utak ng nambu bully sa akin. Nabuo ang bansag ko na ito base narin sa mga ternong kulay na suot nila.

"Sabi ng bitawan niyo ako! Ang papangit niyo!"

May mga estudyante kaming nalalagpasan pero ni isa sakanila walang nangahas nagbigay ng pansin. Na parang walang nangyayari sa paligid. Walang nagbalak mangialam. Pati ang kaisa isa ko na kaibigan. Tanging tingin lang ang ipinukol. Nang nagtama ang paningin namin, napayuko na lamang ito. Bakit ba ako umaasang tutulungan niya ako? Hindi na ako nasanay.

Nakarating kami sa schoolfield. Naabutan pa namin ang nag reretouch na si blossom.

"Zeean, here it is." sabi ng wala na atang kilay na si buttercup.

Napalingon naman siya sa gawi namin.

"Hi! Deean." she said wearing her signature smile. Nakadagdag pa ang namumutok na pulang lipstick nito sa ala kontrabidang aura niya.

Naaalala ko pa ang sinabi niya. Ang isang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niya "daw" ang mere existence ko. Because of somehow na pagkakaparehas ng pangalan namin. Lintek na yan. Maliit na bagay. Problema ko pa.

Pinaupo ako ng alipores niya sanhi para makatapat ko siya.

She smiled again. "Relax. I won't bite."

Ako naman ang napangiti this time.
"Hindi ba? Pasensya ka na. Nagtitimpi lang kasi itong kamao ko na basagin yang bungo mo."

Tumawa lang din naman ito.

Mahina niyang tinapik tapik ang balikat ko. "Chill De' ang pangit mo na nga mas pumapangit ka pa. Gusto ko lang naman na makasabay ka mag lunch."

"Mas gusto ko pa na kasabay kumain ang aso kaysa sa'yo."

I know. My words are harsh. Dito na lang ako nakakabawi sa mga pinag gagawa nila sakin. Usually di na ako pumapalag. Hanggang salita lang talaga ako. Because of that f*cking scholarship. I have to tolerate their childish way.

"Oh really?" pa oa pang napatakip ito sa bibig niyang nagmamantika.

I mimic her saying that. "Nyenyenye. Wat eber! bisugo!"

She crossed her arms bago niya sinabing "I got you a present."

Sumenyas siya sa isa sa mga alipores niya. Napalunok ako. May inabot na grocery bag itong si bubbles sakanya na parang hyena kung makangiti sakin. "You're dead." bulong pa niya.

Tumayo si blossom at inabot ang supot na iyon.

"Someone told me na paborito mo daw ang sunny side up na luto ng itlog. I want to make one.. now. Para sa'yo because your so special to me."

Nasa ganoon parin akong posisyon na nakaupo. Nabuo na ang trio ng humarap na sila sa akin. Blue, Pink at Green. Ang sakit talaga nila sa mata.

Naagaw ng atensiyon ko ang hawak hawak na ngayon ni blossom. Nagka ideya na ako sa balak nilang gawin.

At ang mga kaninang walang paki alam na ka klase ko at maging ang estudyante ng prestihiyosong eskwelan nito ay nagkukumpulan narin para masaksihan ang nagaganap. Diyan naman sila magaling. Ang iba sakanila ay nakaharap na ang kanya kanyang gadget sa direksyon namin.

Naikuyom ko na lamang ang kamay ko sa galit. Ang sarap lang magmura sa harap nila.

"Tina." tawag ni blossom kay buttercup.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIDAY: The unusual oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon