Teaser

216 10 35
                                    


I see myself as a zombie. They're the exact version of me. Living dead.
Actually living but dead inside.

16.

I was young then when I decide to end up my life. Hindi ako nag isip. It's like ito na lang ang solusyon na makakapag pagaan sa mga nararamdaman ko.

Im a total loser. I got bully in school,
ang mga akala mo na tapat na kaibigan at maasahan when the world goes upside down is the same person who can actually break you. And worst? sa mga taong nagsasabing at pinaramdam na ako nalang sana ang namatay instead of my parents.

It felt heavy. Pagod na ako.

So I did what I did.

As i see the blood freely flowing into my wrist the thought of someone crying made me feel empty.

Why do it even crossed my mind?

Alam ko namang wala.

Ilang sandali pa ay namanhid ang pakiramdam ko. Umikot ang paningin and the next thing I knew it all went black.

Pero..

I failed.

Someone rush me into the hospital.
Mula sa pag aagaw buhay ko at kahihiyang nakuha ko sa hindi natuloy na pagkamatay..

I start a new life.

Kasabay 'nun ang pagsulpot ng mga kaibigan ko na ako lang ang nakakakita.

I don't know why. Ang alam ko lang it all started when i tried to end my life. And i knew then that my life is not the same as it is anymore.

I see dead people. Not literally the dead body to be precise. I see ghost. That makes me weird to others. To the point na mukha akong baliw sa paningin nila.

I don't even bother to tell na may something sa akin. Dahil alam ko sa huli ako lang ang kawawa. Besides I don't trust people that easily. I continously kept that little secret of mine.

Pero dahil narin sa pagkimkim ko hindi ko rin kinaya. Every day lagi nalang ako na ba bother sa presensya nila. Para mailabas ito gumawa ako ng blog saying all my ghost experience there. At least sa paraan na 'yun ma-lessen man lang ang takot na nararamdaman ko.

Nakakatuwa lang ang mga feedback ng mga bumibisita sa nasabing blog. Lalo na sa mga nagsasabing ma o overcome ko din ito. Katulad na lang ni _sweetlover. Every time na mag po post ako.. she was like a friend saying all of this comforting words I really need.

And yes, We became friends. After a year, nag decide kami na mag meet. I'm aching to meet her in person.

That day na magkikita kami kinaumagahan nagising ako sa pamilyar na presensya na iyon.

Here it goes..

Meet Milko ang batang lalaking ghost na milk monster. Every morning ganito ang daily routine namin. Siya ang pinaka alarm clock ko.

Itinuturo niya ang pintuan ko. Nakuha ko naman ang gusto niyang iparating. Kaya kahit puyat dahil narin sa mga katulad niyang kakaiba ko na housemate lumabas narin ako at sinundan siya matapos ko pagsusuntukin ang katabing unan at kagat kagatin ang kumot sa inis dahil nga sa dalawang oras lang ata na tulog ko. Wala ng mumog, hilamos o ayos man lang. Diretsyo na ako sa katabing convenient store.

Sa mga multong nakakasalamuha ko itong si milko ang pinaka matino at harmless basta ibigay mo lang ang request niyang gatas malayo ka sa disgrasya.
Last time na hindi ko yan nabilhan biglang nambato ng paso with lupa and halaman? oo. yun nga. No choice naman daw. hindi kaya ako magaling umilag sa paso.

At kagaya ng routine ng umaga ko may isa pang nag papa good vibes ng umaga ko. Ayan na siya at ngiting ngiti pa.

"Good morning ma'am!". bati ni basilyo

Pagtango lang naman ang isinukli ko na sagot mula dito.

"Ma'am ginawa niyo po ba 'yung sinasabi ko sainyo? Yung mag drawing ka ng maraming paniki tapos bibilangin mo iyon para ma antok at makatulog ka? Hindi mo ata ginawa ma'am. Mukhang puyat parin kayo o." pagkatapos sabihin iyon akmang hahawakan na sana niya ang eyebag ko na abot na ata hanggang tuhod nang lagpasan ko siya at kumuha ng paborito ni milko the milk monster na ano pa nga ba? Gatas.

Sinundan ako ng makulit na lalaking 'to hanggang sa counter. Walang cashier doon. Oo nga pala. Siya din pala ang cashier. Napa buntong hininga ako. Siguradong marami nanaman itong tanong. Ayoko talaga sa mga taong matanong. Napasinghot singhot ako. Ano yung mabaho? Dun ko napagtanto na bunganga ko pala iyon.

"Ma'am siguro naubusan ka na ng mouthwash no?" sabi niyang nagpipigil tawa. "O kaya po sa sobrang puyat mo napagkamalan mo na mouthwash 'yung patis?" Pwede rin siguro trip niyo lang na hindi mag toothbru-

Thats it. Padabog kong ibinigay ang bayad. Kala mo naman kung sinong kagwapuhan. Well hindi mabenta ang joke niya. Wait. joke nga ba iyon?

Flip hair ko nalang siyang tinalikuran.

"Ma'am wag masyado. Malaglag kuto niyo niyan". Pahabol pa na sabi niya.

Ang sarap lang niyang iuntog sa katabi nitong cashmachine. Sa isip isip ko nalang siya i murder. Pasalamat siya antok ako para sa ideyang yun sa ngayon. Later na lang.

Keber na lang ako sa sinabi niya at nagtungo sa paboriting pwesto ni milko doon habang pakuyakuyakoy pa. sarap batukan din nito e.

Tumabi ako sakanya at inilapag ang gatas niya.

Magsawa ka. As if papasok nga iyan sa laman loob mong nag fade away na.

Pagkakataon ko na para maidlip. Ipinatong ko ang ulo sa kamay ko din na nakapatong sa table stand. Napamulat ako nang maramdaman ko ang pagkalabit ni milko na ngayo'y bakas ang kasihayan sa mukha. Napa roll eyes naman ako at hinayaang hilain uli ng antok. Nakita ko pa siyang kumakaway na para bang nagpapa alam.

Nagising ako na feeling manhid ang kalahating mukha ko mula narin sa pagkakaidlip na nauwi sa tulog Mukhang tanghali na. Napalinga linga ako and as expected wala na si milko.

Napahawak ako sa may pisngi ko. Bakit malagkit? Napansin ko rin ang basa na lamesang pinagpatungan ng mukha ko. Ebedensyang napasarap nga ako sa pagka idlip.

Nasa ganoong tagpo ako ng pagpunas punas ng laway, nang makarinig ako ng ingay mula sa katabi ko. Pasulyap sulyap ito sa akin habang binubuksan nito ang lollipop niya.

Ngayon lang ba siya nakakita ng nagpupunas ng laway? Problema nitong pangkistang trying hard gayahin si "L" sa death note. Parang kagagaling niya sa cosplay. May eyeliner din ito plus the white sweater ang init kaya. Mahaba rin ang buhok niya. Above shoulder na messy. Paki ko. di niya bagay. Mukha siyang confuse sa pangkista-rakista kaya ang resulta? Di mo mawari kung isa siyang pangkista o under ba ng mga rakista. A ewan. Paki ko ulit.

Aalis na sana ako nang magsalita ito.

"I know about your secret."

Nagulat ako. Paano niyang nalaman may period ako ngayon? Napa slow motion akong nilingon ito.

"By the way nice to finally meet you Miss Deean also known as Diday?"

Nakangaga at nakatanga lang ako sa binitiwan niyang salita. Hindi pa ako nakakabawi mula sakanya ng mag salita uli ito.

"Sweetlover." sabi niya while initiating a shake hand.

Wait.

Sweetlover? daw?

Ito na ba 'yun?. Tinawag niya ako na diday which is alyas ko sa blog. Siya nga.

Pero supposed to be mamayang gabi pa ang meet up namin. And wait uli.. Lalaki si sweet lover?!

At nakakaloka lang alam na niya agad kung sino ako. Wala pa nga kami usapan kung ano ang kulay ng damit na isusuot para ma recognize namin ang isa't isa.

Instead na tanggapin iyon, napa face palm lang ako at aksidenteng napakapa ako sa may bandang gilid ng mata ko.

I silently cursed.

Malaki rin yung mutang nakuha ko.

DIDAY: The unusual oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon