New one shot story! Sana mabasa ninyo, may mga kasunod pa kasi ito. I'll post it later. Focus muna ako sa mga one shots before making a new novel. Enjoy reading!
The whole one shot story is dedicated to all of you. Yes, you.
---
Sa isang sitwasyon, mali ba ang umasa ang isang tao sa isang bagay na nagbigay sa 'yo ng motibo para umasa kang makakamit mo ito sa kabila pa ng mga pagdadaanan mo?
Mali ba na bigyan mo ng effort ang isang bagay na sa tingin mo naman ay karapat-dapat at inaasahan mong makukuha mo rin naman ito sa bandang huli?
At ang huli, masasabi mo bang nagkamali ka na naman ba sa dami rami nang dumaan sa iyo?
**
Wala namang aasang "aasa" kung wala namang magpapaasang "paasa". Sa buhay, hindi natin masasabi kung anong mangyayari ngayon... mamaya... at sa kinabukasan. Hindi natin makikilala agad ang mga taong maaari nating maging kaibigan... mahalin nang higit pa sa kaibigan... o 'di naman kaya, maging isang kaaway. Kaya nga ang sabi nila, maging handa ka lagi bawat oras. Dahil hindi talaga natin masasabi ang mga posibleng dumating sa buhay natin kahit nakakulong lang tayo ngayon sa kuwarto.
Kung makakilala man tayo ng isang tao, hindi natin naman masasabi kaagad kung ano ba talaga ang balak nila sa atin. Kung gusto man nilang hanggang kaibigan lamang, o kaya naman mas higit pa doon... mismo sa isang tao nga na halimbawa, kung dati kinamumuhian niya ang isang tao pero sa huli ay natuto na rin siyang mahalin ito, ano pa kaya sa sarili natin, hindi natin alam, hindi ba?
**
Nagsimula ito sa hindi inaasahang araw. Sa isang normal na araw lang para sa isang normal na estudyanteng tulad ni Valerie.
Isa si Valerie sa mga estudyanteng kinagigiliwan at hinahangaan ng mga nakararami. Likas kasi sa kanya ang pagiging maganda, matalino, marami nang napatunayan at maipagmamalaki, at masipag, pero hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging isang hambog. Kung kadalasa'y jolly siya kaya naman mas marami siyang nagiging kaibigan pa lalo dahil sa mga tinataglay niya.
"Alam mo, guwapo siya eh. Pero hindi ko siya type." Turo ng kaibigan niyang si Lorie sa isang matangkad at pawisang lalaki na hinahampas ang hawak niyang raketa sa shuttlecock.
"Psh! May jowa ka na. 'Wag mo nang tingnan 'yan!" tinapik nang mahina ni Valerie si Lorie sa balikat nito. Agad namang humaripas ng tawa ang dalawang magkaibigan. Likas na rin yata sa kanila ang pagkakasundo sa iba't ibang mga hindi pangkaraniwang bagay.
"Oo naman. Mahal na mahal ko kaya si Clarence." Nagkibit balikat pa ito at ibinaling na lamang niya ang atensyon niya sa kasintahan din nitong si Clarence habang naglalaro rin ng isport na badminton.
Mabilis nagkasundo ang loob ng magkaibigan na ito noong una pa lamang silang nagkakilala. Hindi rin nila inakalang magiging gan'on sila kalapit lalo pa't karamihan sa kanilang interes ay tugmang tugma. Kada may bakanteng oras sila pagkatapos ng klase, ay pumupunta sila dito sa gymnasium ng kanilang paraan para panuorin si Clarence sa kanyang paglalaro, at dahil nga sa kaibigan ni Lorie si Valerie ay nakakasama na rin niya ito sa paglalaro d'on kaya naman nakilala na rin ni Valerie ang mga kaibigan pa ni Clarence.
Si Valerie ay isa lang sa mga naliligaw na hopeless romantic na mag-aaral din na napadpad din dito sa Manila. Hanggang ngayon ay sinasabi niya paulit ulit sa sarili niyang, "Kaya mo 'yan, Valerie. Kaunting push pa at matatagpuan mo na rin ang para sa 'yo." Marami na sa kanyang mga napakilala, marami nang nagtangkang hamakin ang kanyang mundo, at marami nang sumubok na ligawan siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin ni isa ang namamayani sa puso niya... Minsan nga'y iniisip na rin niya na, "Sakit na ba ito? Bakit ni isa sa mga ipinapakilala sa akin ay wala naman akong matipuhan?"
Tikom bibig na lang siya kasabay n'on ay tikom na rin ang puso niya para sa ganyang mga sitwasyon. Maraming beses na rin siyang nagkamali. Maling mali naman kasi talaga ang sumubok lalo na kung wala ka namang kasiguraduhan sa isang bagay. At lalong mas maling mali na susubukan mo lang ang isang bagay at kung hindi mo nagustuhan ay hahayaan mo na lamang ito o iiwan mo na lang sa ere. Hanggang landi lang si Valerie, nothing more, nothing less. She never been into relationships before, 'yung tipong hindi talaga siya pangmatagalan dahil hindi niya nga kayang magseryoso. Sinubukan na niyang magseryoso pero ang ending, siya rin mismo ang bumibigay. Expect that everything would went down into pieces kung susubukan na naman niya.
"Huy! Tulala ka diyan a. Are you staring at him?" taas kilay na tanong ni Lorie sa kanya nang pukawin niya ang atensyon ni Valerie na napako na pala ang tingin sa lalaking pinuna kanina ni Lorie.
"Huh?" kumurap siya nang ilang beses at ibinaling na niya ang tingin nito sa kaibigan, "Andiyan na pala 'yang si Clarence your loves." May halong pang aasar pa sa boses nito nang tukuyin naman niya ang kasintahan ni Lorie na kasalukuyang umiinom ng Gatorade sa tabi nito.
"Type mo siya?" panunuksong tanong ni Clarence kay Valerie.
"Type agad? Hindi. Malalim lang ang iniisip ko kaya napatulala na lang ako nang gan'on."
Napailing na lang si Clarence at ngumiti ito nang tumingin siya sa lalaking tinutukoy niya. Matalik na kaibigan kasi ito ni Clarence kaya naisip niya rin na magandang ideya kung ibubugaw niya ito kay Valerie dahil napakasuportadong kaibigan naman itong si Valerie sa kanilang dalawa kaya bakit hindi naman kaya bumawi itong si Clarence sa kaibigan na kanyang minamahal para sakali namang masuklian ang suporta nito sa kanila?
**
Simula nung araw na iyon, hindi na nawala pa sa isipan ni Valerie ang lalaking tinuro lang sa kanya ni Lorie. Naguguluhan din siya kung bakit gan'on na lamang ang epekto n'on sa kanya, e sa kanya na rin naman mismo nanggaling na hindi niya naman daw tipo ang ganoong hitsura.
Ningatngat na lamang niya ang dulo ng kanyang panulat habang iniisip ang bagay na iyon.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Valerie..." kuwestiyon nito sa kanyang sarili at saka naman niya sinubsob ang mukha niya sa lamesa. Kung may makakakita sigurong iba sa kanya, pagtatawanan marahil ang ginagawa nito ngayon.
Bumangon naman kaagad siya nang para bang magkar'on ng isang light bulb sa ibabaw ng ulo niya, "Tama!" sambit nito sa kaloob-looban ng utak niya.
Umupo siya nang maayos at binuksan niya kaagad ang naka-stand by na phone niya. Pinindot niya kaagad ang application na Facebook Messenger at binuksan niya ang conversation nila ng kanyang kaibigan na si Lorie.
Valerie Aira Acapulco: Friend! Ano nga uli yung pangalan nung lalaking tinuro mo sakin?
Lorie Aranda: Ahhh!
Lorie Aranda: Ranniel Andres
Lorie Aranda: Bet mo siya noh!
Sa halip na sagutin pa niya ang tanong nito sa kanya, ay tinipa na kaagad niya sa Search Box ang pangalang sinabi nito sa kanya. Halos manlaki pa ang mga mata niya nang makita niyang kaibigan na pala niya ito sa Facebook. Naalala pa niya na itong mismong Ranniel Andres na ito ang nag-add sa kanya n'on. Balak pa nga raw niya sanang hindi i-accept ang friend request nito kung wala lang nga itong kaparehong kaibigan sa kanya.
Sinimulan na niya kaagad itong i-istalk...
Naisip niyang, normal lang din naman ang mukha nitong lalaki. Siya nga talaga ang hinahanap ni Valerie at hindi nga siya nagkakamali. Nangingiti siya na parang tanga habang pinagmamasdan niya ang kasalukuyang litrato nitong naka-display. Dagdag pogi points pa nito ang litratong naka-jersey na may apelyido sa likuran ng damit na ito.
"Guwapo naman pala siya..." kinakausap siya ng kaloob-looban niya. Heto siguro ang kadalasang ginagawa ng isang normal na kabataan kapag mag-isa lang siya sa isang lugar. Normal lang naman siguro ito lalo na kapag pag ibig ang usapin. Hindi natin maiiwasang hindi kausapin ang ating mga sarili kapag may natatagpuan tayong isang bagay na labis na nagpapasaya sa atin.
Ngayon niya lang siguro na-appreciate ang kaguwapuhan nitong si Ranniel. Valerie is into guy's looks, pero ika nga niya, nagiging additional pogi points na lamang ito sa kanya kapag nagustuhan pa niya lalo ang personality nito. Kita pa lang sa timeline ni Ranniel Andres ang hindi kadalasang pagpost nito. Halos dalawang buwan na nga ang nakakaraan simula nang huli itong magpost.
"Kaya kaya kitang pabagsakin sa akin?" tila kinausap ni Valerie ang harapan ng screen ng cellphone niya habang nakatingin pa rin ito sa litrato ni Ranniel.
BINABASA MO ANG
Pwedeng Kiligin Bawal Mainlove
ChickLitAPAT NA PWEDE MONG GAWIN: Kilalanin, Kausapin, Makasama, Makalandian. ISANG BAGAY NA HINDI DAPAT MANGYARI: Ang ma-in love.