Ang makita lang natin sa malayuan ang taong gusto natin ay masaya na tayo sa lagay na iyon. Kung malapitan pa kaya, mas sosobra na ang pagkasaya natin n'on. E paano pa kaya kung makilala pa niya tayo at isang malaking pambihirang makakahawak pa natin ang kamay niya dahil sa pagpapakikilala niyo sa isa't isa? Hindi na siguro natin maipapaliwanag pa ang nararamdaman natin sa lagay na iyon.
Gaya natin, pareho rin naman silang taong tulad natin. Iba lang talaga ang dating sa atin kapag sila na ang pinag-uusapan. Lubos ang saya at maski ang pintor ay hindi na kakayaning ipinta pa ang bakas na saya sa bawat mukha natin.
Gan'on pala kasaya magkar'on ng paghanga sa isang tao, 'no? Sa mga simpleng ginagawa lang nila ay lubos na an gating pagkagalak, ang makilala pa kaya natin sila? Ang isang pabirong pagkagusto lang sana ay naging seryosong paghanga na sa taong 'yon dahil napansin na niya tayo e. Kilala na tayo ng taong gusto natin. D'on naman yata siguro kasi nagsisimula ang lahat, hindi ba? Sa simpleng sulyap lang sa kanila hanggang sa makilala niyo na ang isa't isa... Doon naman yata talaga nagsisimula sa isang pundasyon ng samahan...
**
"Nagkakausap na kami, Lorie! Aren't you happy for me?" masayang sabi ni Valerie kay Lorie. Ngayon na lang din naman sila nagkasama ulit dahil busy na ang bawat isa sa kani-kanilang mga proyekto at mga aktibidades na ginagawa nila sa loob ng unibersidad na pinapasukan nila.
"Siyempre, I'm happy for you Valerie. Ang galing nga e, nakakahanap ka ng iba't ibang mga paraan para magkausap at magkasama kayo." Nakangiting sambit ni Lorie kay Valerie.
"Kung magkakausap man kami, kadalasan lang sa chat. Ako pa mismo ang unang naga-approach sa kanya. Minsan pa'y ang tagal niya mag reply, minsan naman hindi na talaga siya nagre-reply." May halong lungkot na sabi ni Valerie, "Pero okay lang naman. Kung hindi rin naman dahil diyan kila Tomas pati diyan sa Clarence mo, hindi ko siya makakasama." Kaagad namang nabuhayan ng loob itong si Valerie.
"Kapag nakakasama mo siya, saan naman ba kayo pumupunta?"
"Minsan sumasabay na ako sa pagkain nila ng lunch. O 'di naman kaya sa computer shop, pinapanuod ko lang din sila sa ginagawa nila."
"Uh... pinapanuod mo lang sila? So nagdo-DoTA lang naman sila d'on, diba?"
"Uhm-mm." tumango si Valerie, "Pero okay lang naman. Kahit pap'ano'y nakakahanap naman ako ng paraan para makasama ko siya." Ngiting ngiti itong si Valerie habang nakatitig pa rin siya sa wallpaper ng kanyang phone. Litrato kasi ito ng kanyang gustong si Ranniel.
"Teka nga... Nakaupo ka lang d'on kapag nand'on sila?" si Clarence na mismo ang nagtanong kay Valerie.
"Oo. Okay lang naman, e."
"Kaya pala minsan nala-late ka dahil d'on ka madalas tumambay a!" taas kilay na sabi ni Lorie kay Valerie.
Napakamot na lang ng ulo si Valerie. Sa isip isip niya, ay mali yata na nasabi niya ang tungkol d'on. May mga bagay na nililihim na rin kasi siya sa magkasintahang ito.
"Hindi naman magkatugma 'yung schedule natin sa kanila, e." dagdag pa ni Lorie.
"Oo na, oo na. Pero at least naman, diba? Nakakasama ko siya. Nakakausap ko..." patuloy pa rin ang pagtatanggol ni Valerie sa sarili niya at paglalaban sa paninindigan niya.
"Ano namang pinag-uusapan niyo, aber?" nakataas pa rin ang kilay ni Lorie sa kanya hanggang ngayon.
"Wala... tinatanong ko siya tungkol sa buhay niya, sa mga ginagawa niya... 'Yung mga gusto ko pang alamin tungkol sa kanya. Buti nga at nagsh-share siya kahit gan'on 'yung pagkahiya niya e. Talagang hindi pala siya masiyadong nakikipag-usap. Suwerte ko na lang kung makakausap ko siya nang matagal at makakabiruan." Pagpapaliwanag ni Valerie.
BINABASA MO ANG
Pwedeng Kiligin Bawal Mainlove
ChickLitAPAT NA PWEDE MONG GAWIN: Kilalanin, Kausapin, Makasama, Makalandian. ISANG BAGAY NA HINDI DAPAT MANGYARI: Ang ma-in love.