Pwedeng Kiligin Bawal Mainlove [4]

641 18 4
                                    

Kapag gusto mo nga naman ang isang tao, lahat ay gagawin mo para sa 'yo lang siya bumagsak. Kahit maraming magiging hadlang sa inyo, maitulak lang sa inyo ay gagawin mo para lang sa mapatunayan mong kaya mo siyang makuha.

Ano pa kaya kapag unti unti ka nang nabibigyan ng pag asa para ipagpatuloy mo ang pagkagusto mo sa kanya? Binibigyan ka na niya ng paunti-unting motibo na kahit pap'ano naman ay gusto ka rin niya dahil sa araw araw mo na siyang nakakausap at nakakasama. Ang iba nga'y umaabot pa sa tipong mukha na silang magkasintahan kahit wala naman talagang mayroon sa kanila... heto na ba ng pag asa mo sa kanya? Ito na ba ang tamang panahon ng pag asa mo sa isang bagay na dati ay gustong gusto mo lang, ngunit ngayon ay pamahal na nang pamahal sa 'yo?

Wala naman siguro kasing aasa kung walang magbibigay ng motibo para umasa. Pero may mga bagay pa rin na kailangan nating tandaan na kapag umasa na tayo d'on, ay kailangan panindigan na natin ang lahat para mahalata ng bagay na 'yun na umaasa ka na sa mga pinapakita niyang motibo sa 'yo.

Andito na kasi si Valerie sa stage na 'yon...

**

"Bakit ba ganyan ka?" kusang nasambit ni Valerie habang nakaupo siya at katabi naman niya sa loob ng bus si Ranniel na kasalukuyang nakaakbay sa kanya habang hawak ang mga kamay nito.

"Ano ba ako?" binalik lang ni Ranniel ang tanong niya kay Valerie.

Kung titingnan sila ngayon, aakalain mo na talagang magkasintahan sila. Wala nang magbabalak pang lapitan si Valerie ng kahit na sinong lalaki para makipagkilala sa kanya o kay Ranniel naman na balak ding manlandi pa sa kanya sa hitsura nilang dalawa ngayon.

Pauwi na kasi si Valerie at medyo hilo pa ito dahil katatapos lang nila mag inuman nang buong tropa. Ilang gabi na rin silang nagkakar'on ng mga night outs kasama ang isa't isa kaya naman para bang hindi na sila gan'on kailap. Medyo umuusap na nga rin sa kanya si Ranniel at nagagawa na rin nitong makipagbiruan sa kanya. Ayun ang isa sa mga bagay na sobrang kinagagalak ni Valerie dahil nagawa na rin niyang hindi mailap sa kanya si Ranniel. Kung titignan mo kasi, ay sobrang suplado ng hitsura ng binata pero pagdating kay Valerie, hindi mo nga naman maiiwasang hindi mapaisip kung ano ba talaga ang mayroon sa kanila.

"Bakit ganyan ka ka-sweet sa akin? I mean, ano ba talagang balak mo?" mapupungay pa ang mga mata ni Valerie nang itapat niya ito sa mga mata ni Ranniel. Mahahalata mong may amats na itong si Valerie dahil medyo pumipiyok na ito sa pagsasalita. Nagawa na nga niyang deretsuhin ito nang nakatingin pa deretso sa mga mata niya.

Napatigil sa paglaro ng mga daliri ni Valerie si Ranniel nang itanong ito sa kanya.

He paused for a while and took a deep breath, "Hindi ba puwede? Ayaw mo ba?"

Kaagad napaupo nang ayos itong si Valerie sa sinagot ni Ranniel. Hindi niya alam kung madidismaya ba siya sa sagot nito o ano ba ang dapat niyang maging reaksyon.

"Hindi naman sa g-gan'on. Pero, kasi diba, wala namang mayroon sa atin pero gan'to na lang tayo kung umasta sa isa't isa. May gusto ka rin ba sa akin?" nilakasan na niya lalo ang loob niya. Alam niyang this time, alam na alam na talaga niya ang mga sinasabi niya.

"Hmm... May'ron naman, kahit pap'ano. I want to know you more."

Hindi na sumagot pa si Valerie. Masaya siya dahil ganyan ang ugali ni Ranniel, na sinusuri munang mabuti ang isang tao, kinikilala muna bago pormahan. Masaya rin siya kahit pap'ano dahil kahit pap'ano rin ay gusto siya ni Ranniel. Pero may kaunting kirot diyan sa puso niya sa mga sagot nito. Hahayaan na lang niyang gawin nila ang mga bagay na hindi normal na ginagawa ng magkaibigan lang, gan'on ba 'yun?

Para bang nagising siya at bumalik sa katinuan nang makausap niya si Ranniel. Hindi sapat sa kanya kung nalinaw ba talaga ang mga bagay bagay na iyon.

Pwedeng Kiligin Bawal MainloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon