Chapter 2: "Black Shadow: The Return"

211 9 0
                                    

At ngayon, payapa silang namumuhay na mag-anak magisa sa burol (bundok na maliit).

"Anak, tama na iyang paglalaro mo, pumasok kana dito at kakain na tayo!" pasigaw na tawag ng ina ni Fado sa kanya.

"Opo inay, papunta napo!"

Habang pinapanood ng ina ni Fado ang kanyang anak na masayang tumatakbo palapit sa kanya, may napansin itong isang malaking anino. Nakatitig lamang ang mapupulang mga mata nito sa ina ni Fado habang binabangit ang mga katagang, "malapit na, malapit na ang takdang panahon! Wahahaha!" Pagkatapos ay unti-unti na itong naglaho sa hangin na parang usok. Sa pagkatulala ng ina ni Fado ay hindi niya napansin na kanina pa siya tinatawag ng kanyang anak. "Inay, Inay! Ano pong nangyayari sa inyo?" pagaalalang tanong ni Fado.

"Ha!? A-e-a-wala! May naalala lang ako." paliwanag nito. "Oh sige na. Pumasok kana't kakain na tayo." pagpapatuloy pa nito.

Habang kumakaen sila, may biglang naalala ang ama ni Fado.

"Oo nga pala, hindi bat kaarawan na ni Fado bukas?" natutuwang tanong nito sa asawa.

"Oo nga pala 'no?" pagsang-ayon naman nito. "sige, ipagluluto ko kayo ng manok. Yung pinakamalaki ay para sa pinakamamahal kong anak." sabi pa nito sabay halik sa noo ng anak.

"maraming salamat po, nay, tay." nahihiyang sabi ni Fado.

Mabilis na lumipas ang maghapon at magdamag.

Kinabukasan ...

Maagang gumising ang ina ni Fado upang ipaghanda ng pagkain ang anak niyang ngayon ay walong taong gulang na.

"Anak gumising kana, handa na ang sorpresa ko para sayo."

"Hmmp..." tanging naging tugon ni Fado sa ina.

"sige, maghilamos kana duon tapos ay pumunta kana sa kusina." natutuwang sabi nito sa anak.

Pagkatayo ay tutungo na sana si Fado sa banyo ng makita niya ang mga nakahain sa lamesa sa kusina. Laking gulat nito nang may makita itong dalawang letsong manok at mga prutas.

"para sa'kin po ba ang mga ito ina?"

"oo, anak." tugon ng ina.

"maligayang kaarawan sayo anak." bati nito kay Fado sabay akap.

"maraming salamat po ina." tugon naman ni Fado saina sabay haliksa pisngi nito.

"o sige na, kumaen kana."

Nakangiting pinapanood ng ina ang kanyang anak na masayang kumakaen.

"ina, saluhan niyo po ako?" alok ni Fado sa ina sabay abot ng malaking piraso ng manok.

"o sige, anak."

Habang masayang kumakaen ang mag-ina ay may biglang kumatok sa pinto.

"tok! tok! tok!"

"ako na anak, kumaen ka nalang jan."

Tumayo na ang ina ni Fado at binuksan ang pinto. Pinapasok na nito ang lalakeng may dalang isang basket na may takip.

"ama, ikaw pala!" salubong nito sa ama. "saluhan niyo po kami ni inay kumaen?" alok din nito sa ama.

"o siya sige, anak."

Umupo na ito sa hapag kasama ang asawa nito.

Masaya silang kumakadn nang mapansin ni Fado na gumalaw ang basket na dala ng kanyang ama.

"ano po'ng laman ng basket na inyong dala ama?"

"ah, ito nga pala ang regalo ko sayo anak. Maligayang kaarawan." masayang sabi nito sabay abot sa basket. "buksan muna?!" pagpapatuloy pa nito.

Dali-daling binuksan ni Fado ang basket. Laking tuwa nito ng makita ang laman.

"isang tuta!" "maraming salamat po ama." tuwang sabi ni Fado sabay akap sa ama.

Binigyan ni Fado ng isang pirasong manok ang tuta. Pinangalanan niya rin itong Spotty dahil sa kulay nitong puti na may baltik na itim sa katawan.

Pagkatapos ay nagpatuloy sila sa masayang pagkaen nang may bigla silang narinig.

"wahahaha!" isang malakas at nakakatakot na pagtawa ang pumukaw sa kanilang masayang pagkain.

Laking gulat nalang ng mag-asawa nang may biglang lumabas na isang malaking anino sa likod ng upuan ni Fado. Wala itong mukha. Tanging dalawang pulang mata lamang ang maaaninag sa mukha ng anino.

"i-ikaw yung aninong nakita ko kahapon!?" takot na sabi ng ina ni Fado sabay turo sa anino sa likod ng anak.

"oo, ako nga. at nagbalik ako para singilin kayo sa pagkaka-utang ninyo sa'kin." sabi nito.

"anong utang!?" nagtatakang tanong ng ama ni Fado.

"hindi niyo na ba ako natatandaan?" sabi ng anino habang nagpapalit ito ng anyo bilang isang estrangherong lalaki na tumulong sa kanila noon.

"ikaw!?" sabay na sabi ng mag-asawa.

"siguro naman ay naaalala na ninyo kung sino ako?" "at ngayon, kukunin ko na ang kabayaran sa utang ninyo." pahayag nito sabay hatak kay Fado pataas.

"aarrgh... tulong ama!" sigaw ni Fado.

"bakit si Fado, bakit ang anak ko ang gusto mong maging kabayaran?" naluluhang pahayag ng ina ni Fado.

"anak mo!? pinatatawa mo ba ako? baka nakakalimutan ninyo, namatay na ang anak ninyo dahil sa pagkasunog. kundi dahil sa aking itim na mahika, hindi muling mabubuhay ang anak ninyo noon na pagmamay-ari ko na ngayon!" mahabang paliwanag nito.

"alam ko, pero hindi sapat na dahilan iyon upang kunin mo at gawing kabayaran ang anak namim!" matapang na sagot ng ina ni Fado.

"dapat lamang na maging kabayaran ang anak ninyo, dahil simula ng ibigay ko sa kanya ang aking binhi, siya ay akin na. dahil siya ang itinakda ko upang magi kong tagapagmana!" galit na sabi nito.

"hinding-hindi ako makapapayag!!" sigay ng ama ni Fado habang linulusob ang anino.

BAGSH!! isang malakas na pagsabog ang kumitil sa buhay ng ama ni Fado.

"ama!" sigaw ni Fado.

BAGSH!! isa pang malakas na pagsabog na siya namang kumitil sa buhay ng ina ni Fado.

"ina!" sigaw ulit ni Fado habang umaagos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

"bitiwan mo ako! bitiwan mo ako!" paulit-ulit na sigaw ni Fado habang nagpupumiglas.

"wala na sila! akin kana! wahahaha!" tawa ng anino.

"aalis na tayo!" sabi pa nito kay Fado.

At unti-unti na nga silang naglalaho sa hangin.

-END OF CHAPTER 2-

Vote ^^v Thank You !!

The Last Four Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon