Chapter 1: "Flashback"

310 9 0
                                    

Isang bata ang naglalaro sa parang (bukid). Ang pangalan niya Fado. Si Fado ay mapag-isa. Lumaki din siya ng walang kinikilala o nakikilalang mga kaibigan. Isa pa sa mga dahilan kung bakit siya laging mag-isa ay dahil iniiwasan siya ng mga tao lalo na ng mga batang kasing-edad niya. Marami kasing kumakalat na usap-usapan sa kanilang bayan na may sa-Demonyo si Fado.

Si Fado ay pitong taong gulang na ngayon, at hindi niya parin alam ang natatago niyang kapangyarihan.

FLASHBACK: Fado (After born)

Siyam na buwan ng buntis ang ina ni Fado sa kanya, kung tutuusin ay maaari na itong manganak anu mang oras.

Makalipas lamang ang isang araw ay nanakit na ang tiyan ng ina ni Fado at tuluyan na nga itong nanganak. Wala ang asawa nito kung kayat kumadrona lamang ang tumulong sa kanyang panganganak.

...makalipas ang isang buwan nang si Fado ay ipanganak...

Sa hindi inaasahang pangyayari, inapoy ng lagnat si Fado. Nataranta ang ina nito at hindi na nito alam ang gagawin kung kayat ginising nalamang nito ang kanyang asawa at humingi ng tulong. Dali-dali namang bumangon ang asawa at kumuha ng isang palangganang tubig at bimpo pagkatapos ay iniabot ito sa kanyang asawa na naka upo sa tabi ng anak na nilalagnat. Pagkatapos ay dali-daling tumungo ang ama ni Fado sa kalapit na manggagamot kahit na malalim na ang gabi. Sumunod naman agad ang manggagamot sa tahanan nila Fado. Nang akmang hahawakan na nang mnggagamot si Fado ay biglang nag-iba ang anyo ito, nagmukha itong demonyo sa paningin ng manggagamot. Dahil sa takot at pagkabigla, natabig ng manggagamot ang ilawan at nahulog ito kay Fado. Nagtatakbo naman ang manggagamot papalabas habang sumisigaw ng, "Demonyo! May sa Demonyo ang anak ninyo!!" Nang mahulog ang ilawan kay Fado ay agad-agad itong nagliyab dahil sa gas na natapon dito. Sa gulat naman ng mga magulang ni Fado ay nanatili lamang sila sa kanilang kinatatayuan. Nang marinig ng ina ni Fado ang malakas at masakit na iyak ng anak ay bigla itong nagsisisigaw. Dahil dito, natauhan din ang kanyang asawa. Dali-dali itong kumuha nang isang balde ng tubig at ibinhos ito sa nasusunog na anak. Walng nangyari, sa halip ay lalo pang lmakas ang lagablab ng apoy na unti unting tumutupok sa kanilang anak. Sinabayan pa ito ng malakas at masakit na iyak ni Fado. Nawalan na ng pag-asa ang dalawa ng biglang may lumapit sa kanila.

"S-sino ka?" hikbing tanong ng ina ni Fado sa estrangherong lalaki.

"Hondi na importante pa kung sino ako, ang mahalaga ay kng ano ang kaya kong gawin!" sagot nito.

"Eh, a-ano bang kaya mong gawin?" tanong ng ina ni Fado.

-bigla namang sumingit ang ama ni Fado sa kanilang usapan.

"P-p-patay na ang anak natin..." nauutal na pahayag nito. "...h-hindi narin siya hmihinga at umiiyak. Nasusunog narin ang mga balat niya...." pagpapatuloy pa nito habang umaagos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay sabay na humagulgol ang mag-asawa.

"Tunhkol jan. Kaya kong patayin ang apoy na iyan at muling buhayin ang inyong anak." pkaw nito sa dalawa.

"T-talaga!? Kaya mong iyong gawin !?" tanong ng ama ni Fado.

"Oo. Pero sa isang kondisyon." Sagot ng estranghero.

"Anong kondisyon? Kahit ano gagawin ko mabhay lamang muli ang pinaka mamahal kong anak." sabi ng ina ni Fado.

"Kung 'yan ang gusto 'nyo."

Pagkatapos magslita ay agad nitong tinngo ang kinaroroonan ni Fado. Hinawi nito ang apoy na parang nagbukas lamang ito ng kurtina at biglang namaty ang apoy. Pagkatapos ay binuhat nito si Fado. Pagkabuhat nito kay Fado ay himalang gumaling lahat ng sunog nito sa katawan. Pagkatapos ay inilapat nito ang kanyang labi sa labi ng bata at hiningahan. Matapos lamang ang ilang segundo ay hminga na si Fado at umiyak ng umiyak. Naiyak narin sa sobrang kaligayan ang mga magulang ni Fado habang siya'y kinukuha sa estranghero. Nagpapasalamat na ang mga ito ng biglang magsalita ang estrangherong lalaki.

"Huwag muna kayong magpasalamat. Baka nakakalimutan ninyo, matroon pa kayong utang sa akin?" sabi nito.

"Ano bang gusto mong kabayaran sa pagbuhay mong muli sa aming anak?" tanong ng ama ni Fado.

"Tsaka kona kayo sisingilin. Sa takdang panahon at sa takdang oras! Wahahahahahaha!!" tawa nito habang unti-unting naglalaho sa dilim.

End of Flashback!

Panahon ang lumipas. Dalawa, apat, at ngayon, si Fado ay pitong taong gulang na.

Naninirahan silang mag-anak sa burol ng mag-isa dahil buhat ng si Fado ay lumaki, tila kakambal na nito ang malas. Dahil sa tuwing mapapadaan ito sa harap ng isang bahay ay may namamatay. Kaya sila nanirahan mag-isa malayo sa mga kabahayan.

-END OF CHAPTER 1-

Vote ^^v Thank you !!

The Last Four Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon