Chapter Six

16 1 0
                                    

Greatest Love
by BlankongIsip27

(Believing in Destiny
is not a problem
or craziness. It is just
the faith in a wonderful
word. Believing in what
love can do.)

Janine

Break time na yun, bumaba na kami nila Anna, kyla, krizchelle, alliea, gela at Justinne sa Canteen. Umupo kami doon sa pinaka dulo ng upuan sa may Canteen. Dalawang linggo narin ang lumipas simula noong maging personal Assistant ako ni Nicco. Wala namang nagbago. Araw-araw nakakasama ko si Nicco kaya kinikilig ako. Kaya lang ang malungkot ay yung balita ni Anna. Wala na daw ang makakapag-kumbinse pa sa papa niya para ipakasal sa anak ng kumpare nito kaya kailangan ko siyang samahan mamaya sa kanila para kausapin ang mama niya. Ganito kasi ang kwento ni Anna.

"Kung kaya kong lumuhod sa paa ni papa at umiyak ng dugo gagawin ko, mapapayag ko lang siya na huwag na akong maipakasal sa ibang tao na hindi ko kilala. Kaya lang hindi niya talaga ako pinakikinggan bakit ba kasi ako nagkaroon ng brutal na ama. Tuwing umuuwi ako, nagkukulong na agad ako sa kwarto at hindi kumakain ng hapunan. Kahit katukin nila ako ng katukin hindi ko sila pinapansin.

Sunday, pagkatapos magpunta ng simbahan, noong nagkulong ako sa kwarto bigla na lang akong nag colapse agad nila akong sinugod sa ospital ng tita kong duktora. Hindi ako magising. Sinabi ng tita, ipekto daw yun ng hindi ko pagkain ng tama. Tinanong naman ako ni Mama kung ano ang gusto ko. Sabi ko ay si Jimuel lang. Si jimuel lang naman talaga ang gusto ko. Wala ng iba.

Kin-ontact ni Mama si Jimuel at agad naman yung nagpunta sa kinaruruonan ko. Kinamusta niya ako. Niyakap ng mahigpit. Pero ang masakit lang doon, sinabi niya sa akin na...

Sumuko na daw siya sa akin at kalimutan ko na daw siya. Pero para sa akin ay sobrang hirap gawin noong bagay na yun. Sabi ko sa kanya, ipaglalaban namin ang pagmamahalan namin pero, sabi niya. Kakalimutan niya na daw ako.  Ang huling nasabi ko na lang sa kanya ay, hindi ko siya malilimutan noong mga oras na pinipilit niyang kalimutan ako. Yun ang itatatak ko sa isip ko. Na isinuko niya ako. Na wala siyang kwenta. "

Sinabihan ko si Anna na baka naman pwedeng gawan pa nila ng paraan ang relasyon nilang dalawa kaso nga lang na Beastmode pa siya sa akin. Tumahimik na lang kami. Pero tuloy ang misyon. Kailangang makausap ko si tita para kay anna. Hindi siya dapat magpakasal sa taong alam niya naman na pagsisisihan niya lang sa buong buhay niya. Charot. Kumain na lang sila pero dahil ako ay nagtitipid, kumuha na lang ako ng tubig sa isang water dispencer doon sa canteen at sabay na nilagok ang isang basong yun ng bigla ko na lang muntik maibuga lahat ng tubig na nasa bibig ko dahil nasa tapat kong nakatayo si Nicco.

"Panggulat ka pa nga Nicco!  " Saad ko kay nicco pagkaubos ng tubig. "Bakit? " dugtong ko sabay ngiti at tayo doon sa kinauupuan ko. "Sumama ka sakin. " Cold na sabi sa akin ni Nicco at sabay tumalikod na. Problema ng mahal ko? chos.

"Beh! Yung totoo? " Tanong sa akin ni Kyla sabay kinurot-kurot ako sa kamay. Katabi ko kasi siya.

"Wala beh. Epic niya no. " Saad ko kay kyla at naglakad na at sumunod kay Nicco. Sinundan ko lang si Nicco. Hanggang sa tumigil na siya sa paglalakad at nandito na kami sa Gym.

"Bakit? " tanong ko kay Nicco. Bakit ganito siya? medyo nakaka-kilig. Lumapit siya sa isang bench doon at umupo.

Huminga ng malalim si Nicco at sabay nagbuntong hininga. "May proble—Tawag ka ni Arthur. " Saad niya sa akin at umupo sa isang malapit na bench doon. Ano yun, proble— problema!!! Ano yun?  "Tawag ako ni Arthur? " sabi ko sa kanya sabay kamot ng ulo.

"Tawagin ko daw ang Personal Alalay ko at ikaw yun. " Ngumisi siya. "Ang galing nga no' ako ang amo at ikaw pa ang tinatawag ko. Nice! " Ngumiti lang siya at tumingin na sa baba. Umupo ako sa tabi niya at ipinatong ang siko ko sa kanyang balikat.

Greatest Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon