Chapter Eight

31 2 0
                                    

:D sorry po for not updating. Halos isang buwan din po akong nag-update kaya shorr na po talaga. Namiss ko na po talaga ang storyang ito kaya ngayon ko lang po na-update. Pero huwag po kayong mag-alala, marami naman na po akong naisip na scenes kaya sana mag-enjoy kayo. Salamat po. :P

Greatest Love
blankongisip27

(There's no problem.

The only problem is,

Im loving you but you

don't see my worth)

Anna

Kalimutan ba kamo? Sige kakalimutan kita pero ito ang tatandaan mo. Kapag kinalimutan na kita, hindi mo na ulit ako maibabalik sa dati. Pumunta ako sa harap ng salamin at ipinahid sa labi ko ang dark lipstick na dati naman ay hindi ko man lang naisipang gawin. Kinulot ko sa bandang dulo ang buhok ko na dati naman ay pa-brade lang tapos isinuot ko ang leggings kong itim at itim na blouse. Nag-converse ako. Kinuha ko narin yung bag kong black para sa muling pagpasok. Halos isang linggo din akong hindi pumasok but now, ready na ako.

That weird Anna is gone now, she's dead. Badass!

First time ito pero kinuha ko ang susi ng kotse kong itim at inilabas ang kotse. Marunong naman akong mag-drive. Buti na lang talaga at may laban ngayon ng basketball sa lahat ng schools. May chance na makita ko si Jimuel. Ano kayang ire-react ko? Pero kahit anong mangyari pipilitin kong maging matigas.  hindi dapat ako panghinaan pag nanjan siya.

Ready, get set and go. Were going to start the game.

Janine

Bakit ba ang aga kong pumasok ngayon eh manonood lang naman kami ng laban ng basketball? pero hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga sa ngayon ay yung tungkol sa akin. Paano ako pananagutan nicco? Charot. Paano ko kakausapin si Nicco? Kapag naghahanap ako ng tyempo lagi naman siyang nasa training. Hay naku, kaya nga ako nag post sa fb ng,

facebook

Janine Perez : "Minsan namimiss natin yung tao, kasi malayo sila pero mas madalas yung namimiss natin yung tao kasi nasa training sila. "

Nakakatuwa grabe, nakagawa ako ng facebook for the first time. Medyo nababano pa nga ako kasi ganito pala gamitin ang facebook, medyo mahirap. Pero balik tayo sa usapan. Noong sumama naman ako sa training niya, hindi niya rin ako pinansin. Itinabi niya pa yung bag niya para wala akong maging rason na binabantayan ko yung bag niya at baka mawala. Wala akong dahilan para mag-stay doon pero hinintay ko parin siya. Pagdating ng dulo, hindi niya parin ako pinansin noong pag-uwi. Hindi kami sumakay pag-uwi naglakad lang kami kaya medyo nagdududa ako kay Nicco ngayon. Habang naglalakad kami, ngayon ako kukuha ng tyempo.

"Nicco, bakit tayo naglalakad? " Tanong ko kay nicco. Lumingon lang siya sa akin pero pagkatapos nun, wala naman siyang ibang sinabi.

"Diba sa umaga yung walking, bakit alas-tres tayo nagwo-walking ngayon? " Isa pang tanong ko sa kanya pero nagtuloy-tuloy lang siya ng lakad. Basta patuloy lang siya sa paglalakad. Kung hindi pa may dadaan na kotse sa harap niya, hindi pa siya titigil.

"Nicco, wala ka bang pamasahe? Tara sakay tayo libre kita. Gusto mo ba? Kung gusto mo lang ha! kasi kulang ako sa budget ngayon. " Biglang tumigil sa pag-lalakad si Nicco. Kinuyom niya yung kamay niya At lumingon siya sa akin ng nakasimangot na.

"Janine, hindi ko sinabi sa iyo na sumama ka sa akin. Sa totoo lang, dapat sasakay na ako kaya lang hindi ako makasakay kasi nanjan ka. Hindi ko alam kung saan ba ako mag-susumiksik para lang mataguan ka janine. Nakakainis na. " Saad ni Nicco na biglang nagpababa ng baba ko.

"Hindi ba't galit ka sa akin? Hindi mo nga sinasagot ang mga tawag at text ko diba? Hindi mo nga ako pinapansin. " Dagdag pa niya. Ano ba naman yan, nahihirapan na akong mag-isip.  Tumahimik kaming dalawa. Nasa gitna kami ng daan ngayon at buti na lang walang masyadong dumadaan na sasakyan.

"H-hindi naman ako nagalit sayo, nagkaproblema lang talaga ako nun kaya tahimik ako. Sorry nga pala. Hindi ko alam na possesive ka pala sa mga bagay. Dahil dyan napag-isip pa kita. Huwag kang mag-alala makakasakay kana ngayon, hindi na kita guguluhin. " Binigyan ko si Nicco ng matamis na ngiti at pinunasan ang mga luha ko na kanina pa pala tumutulo sa mukha ko. Parang nag iba yung reaksyon ng mukha niya. Nawalan ng galit at naging normal na chinito na lang. —Taragis ka Janine, emote na lumalandiririt ka pa. — Bigla na lang may dumaan na kotse sa harap namin at tumigil doon. Traffic, hinati kami ni Nicco sa dalawa. Mga thirty seconds, umandar din naman. Pero wala na ang chinito. Bigla siyang nag-disappear.

-*-

"Tama na kai-isip diyan ate. " Tiningnan ko kung sino yung tumapik sa balikat ko doon at nalaman ko na si Anna pala. Nagulat ako sa aura niya.

"Ano yan anna? papaganda lang? daig mo ako ah? " biglang natawa si Anna sa sinabi ko. Bigla ba naman kasing magpalulong sa black. Siguro nga ay hindi na sila magkakabalikan ni Jimuel loves niya.

"Matagal na akong maganda, matagal na rin kitang na daig. " Tapos tumawa si Anna, aba! yumabang yata siya. "See you later Janine. " Saad ni Anna sa akin at naglakad na. Marami talagang naidudulot na masama ang heartbreak na yan.

Anna

Just walk... Hanggang makita ko siya. Tumingin ako doon sa board na may nakasulat kung sinong mag-lalaban. At tama ang hinala ko, St. Mary high at ang school nila ang maglalaro ngayon. Naglakad ulit ako papunta naman sa pwesto nila. Maraming tao kaya hindi ko agad nahanap. Tapos noong makita kong may dumaan na co-player niya sa basketball,

" Nakita mo ba si Jimuel? " Tanong ko dun.

"Actually, hinahanap ko rin siya. Ibibigay ko kasi sana itong jersey niya. Pwede bang makisuyo na kapag nakita mo siya paki bigay na lang ito kasi tinatawag na ako ni Coach. " Saad nung lalaki na hindi man lang naisip na babae ako at nag-utos pa pero okay na rin, para may rason ako kung bakit ako magpapakita sa kanya.

Pagkatapos niya akong kausapin ay hinanap ko narin si Jimuel ng bigla ko siyang makita sa likod ng school...
anong gagawin ko...

-*-

Salamat po sa suporta! 

-jake

Greatest Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon