Chapter Seven

18 1 0
                                    

Greatest Love
BlankongIsip27

(Love is blind)

Janine

Parang tumigil sa pag-sink ang utak ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Mahal ako ni Nicco? Talaga ba? Ako kasi, mahal ko talaga siya pero siya sasabihan ako ng ganoon?  Inilagay ni Nicco yung kamay ko sa dibdib niya. Bakit ganito ang pakiramdam, feeling ko pwede ko ng ibigti si Adrian after this. Bwahaha! Pero Jokey lang.

"Sa bawat araw binubuo ni Janine ang araw ko. Sa tuwing nakikita ko siya, nag-iiwan yun ng ngiti sa mga labi ko at ganun din sa kanya. " Tumingin sa akin si Nicco at ngumiti siya ng malawak. "Mahal na mahal ko ang kaisa-isang babaing ito na bumuo sa gulo-gulo Kong mundo. " Nasa dibdib parin ni Nicco ang kamay ko at dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Author, pwede niyo na pong tapusin ang storya. Kota na me. Keme. Tiningnan ko ulit si Adrian. Mukha na siyang tulya ngayon. Chos. Mukha ng sawi ang mukha niya ngayon. Nakaka-awa naman siya. Nag-walk out na si Adi. Bawat hakbang niya ay nakakadama ako ng awa.

lumingon ako kay Nicco. "Totoo ba ang lahat ng yun. " Nakangiti kong tanong sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. Ang gwapo talaga niya lalo na at chinito pa.

"Janine, ginawa ko lang yun kasi may nang-gugulo sa iyo. Atsaka, alam mo naman diba na may mahal ako iba at si shaira yun. Huwag mo sanang bigyan ng meaning ang lahat. " Nginitian ako ng kuntento ni Nicco.

Ayun. Ganun pala yun. Masyado pala akong naniwala. Ang sakit naman nito. "Ahhh... Ayos lang atsaka diba nga si Arthur ang crush ko? nagtanong lang ako,  Ikaw ha! " binigyan ko ng pekeng ngiti si Nicco. Sanay ako diba. Magpanggap na ayos lang kahit nahihirapan na.

"By the way janine, ini-invite pala kita sa family Reunion namin. May mag-eescort sa iyo. " Saad sa akin ni Nicco. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya sabay tumalikod na. Masakit mapaasa yun lang.

Adrian

Ganun pala ang karma? Mas masakit ang ganti. Ni-reject ko si Janine dati kasi pakiramdam ko ay hindi pa ako handa. Pero ngayong handa na ako tsaka naman siya nawala. Nakuha na siya ng taong mas deserve siya. Pagkauwing- pagkauwi ko ng bahay nagkulong agad ako sa kwarto. Hindi parin ako nagpalit ng uniform at basta nahiga na lang ako at ipinatong ang braso sa noo. Iniisip ko parin talaga yung nangyari kanina. Eksena na nagsasalita si Nicco ng mga bagay na parang bubog, tumatama sa puso ko. Hay naku, bakit ba kasi binitawan ko pa si Janine, sising-sisi tuloy ako ngayon.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto ko. Yung katulong namin dito sa bahay. "Sir nandito na po raw yung order na ube ni daddy niyo. " Saad nung katulong. Ano bang pakielam ko? Wala ba si Mommy? "Sabihin mo bumalok na lang siya. " Hinubad ko na ang damit ko at pumasok ng Cr. Una hinilamusan ko na muna ang mukha ko pero parang hindi parin mawala-wala ang hinayupak na problemang ito. Dumiretso na ako sa tapat ng shower para maligo. Pagkatapos nun ay nagpunas na. Kumuha ako sa drawer ng damit ng biglang may kumatok sa pintuan ng cr.

"Sir ito na po yung pinapaorder ng papa niyo. " Saad noong medyo pamilyar na boses. Sinabihan ko siya na ilapag na lang sa lamesa ang bagay na yun. Hindi na muna ako nag pantaas kasi mainit. Pagkalabas ko, nandoon parin yung babae pero nakatalikod siya. Parang pamilyar itong babaeng ito. Bigla siyang humarap at nakilala ko na siya.

"Gela! "

"Adrian! "

Nagkasabay kaming dalawa ng sigaw kaya ang aligaga naming katulong ay nagpunta sa amin. Tiningnan ko si Gela pero nakapikit na siya ng mata.

"Ano ang nangyari? " Tanong ni Ate Irma. Yun ngang katulong namin. Agad na pumunta si Gela sa likod ni Ate Irma. " Auntie si Adrian. " Namumula yung mukha ni Gela. Nanginginig pa siya. "Sir, magpantaas ka. " Sabi sa akin ni ate irma kaya natauhan ako na wAla akong pantaas ngayon. "Sorry. " Agad akong pumasok ng Cr at kumuha ng t-shirt na maisu-suot. Crap. Bakit ba nang-aasar ang tadhana?  Matalik na kaibigan ni Janine ang ipinagmamalaking pamangkin ng dakilang katulong namin sa magulang ko ang siyang ipakikilala daw nila sa akin para maging matinong girlfriend ko. God sake!

Janine

Tatlong araw ang nakalipas noong nagluksa ako, chos. Noong halos hindi ko i-text at kausapin si Nicco sa bahay man nila o sa skwelahan. Kaya nga nitong umaga, napag-isipan ko na baka naman isipin niya na dahil lang sa nangyari ay hindi ko na ulit siya kinausap. Ayoko ng ganun. Edi parang umamin narin ako sa kanya kaya kanina nung break, lumapit ako sa pwesto nila ni nicco na kung saan ay nakaupo din sila Arthur at vince pati ang iba nilang tropa.

"Nicco! " nginitian ko siya ng sobrang lawak. "Sino nga ba yung eescort mo sa akin? Dapat gwapo ha! " saad ko sa kanya. Tumingin lang siya pero walang reaksyon. Hala naman parang ang laki ng kasalanan ko, tinitingnan lang nila akong lahat. Bushhh! Lupa, buka! Lamunin mo Ako ng buhay!

"Arthur, escort her sa family Reunion namin next week. iniimbitahan narin kita. " Saad ni Nicco kay Arthur. "By the way, im done eating. Hihintayin ko na lang kayo sa taas. " Tumayo na si Nicco sa upuan niya at naglakad na. Dinaanan niya lang ako pagkatapos hindi narin pinansin. Ni hindi nga tiningnan. Pagkalampas niya sa akin ay sinundan ko narin siya pero bigla akong napatigil noong may humawak sa kamay ko at ng tingnan ko si Arthur pala.

"Hayaan mo na muna siya. Baka mainis lang siya sayo. " Saad ni Arthur. Naisip ko, hahayaan ko na lang siyang mapag-isa tutal mag-uusap naman kami next time. Umupo ako sa tabi ni Vince. Kaya lang nawala si Arthur bigla. Siguro siya yung sumunod doon kay nicco. Lumipat ako doon sa upuan sa may tapat ni Vince.

"Sa tingin mo bakit nagkaganun si Nicco? " Tanong ko kay Vince bigla naman siyang napatingin sa akin dahil nag ta-tablet pala siya. "Ano yun? " Tanong niya sa akin. "Ang sabi ko, sa tingin mo bakit ganun si Nicco ngayon? " Nagkamot lang siya ng ulo at nag-isip ng magandang isasagot sa tanong ko kasi... Ang ganda ganda ko daw. Keme!

"Janine kasi, bakit hindi mo siya kinausap nang halos tatlong araw? " Tanong sa akin ni Vince. NAgkamot din ako ng ulo. Nagtampo nga siguro ako noon. Kasi naman siya, akala ko totoo yung ipinaliwanag niya kay adrian pero paasa lang pala. Napeke niya ako doon.

"Bakit yun ba yung dahilan kung bakit hindi niya ako pinansin kanina? "

"sabihin na nating, oo. Janine, masyadong possesive si Nicco sa mga bagay. Konting negative na galaw mo lang magiging exaggerate na siyang mag-isip. Tapos three days mo pang ginawa edi para mo na siyang pinarusahan. " Paliwanag ni Vince. Bigla akong na-stuck dahil sa mga detalyeng sinabi niya. Possesive pala siya... Ganun. 

"Possesive pala siya... ano ba yung possesive? " tanong ko kay vince na ikinatawa niya naman bigla. Inabot niya ang noo ko at hinampas ito ng mahina.

"Nag-aalala si nicco na baka mamaya, may nasabi siyang mali sa iyo janine. Yun talaga ang pinaka ayaw niyang gawin sa kanya ng mga taong importante rin sa kanya. " Napatigil ako sa sinabi niya.

"Importante, hindi naman yata ako kasama doon."

"Akala mo lang yun, janine nung nag-colapse ka sobrang nag-alala siya nun. Kahit nakauwi na siya ng bahay nila bumalik pa siya sa school para lang sunduin ka. "

Ugh. Janine, pigilan mong huwag kiligin. Dapat nag-aalala ka lang. Hay, bakit ba kasi ang gulo ng isip ko tungkol kay Nicco? Si Nicco kasing payatot na may abs at chinito, pinapakilig ako kahit wala siya dito.

Maya-maya, may lumapit na babae kay na babae kay Vince at nilingon niya ito. "Nigga, samahan mo ako sa office. Please! " sabi noong babae sa kanya.

"Monique, na-office ka nanaman? Ilang office ka na nitong buwan na ito. "

"Samahan mo na lang ako. Bestfriend naman kita. " Sabi ni Monique daw kay Vince. Maganda si monique. Morena pero parang tomboy. Bagay sila ni Vince. Tumayo na ako at iniwan ko na sila. Minaigi ko narin na bumalik sa room.

Greatest Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon