Pointillism

39 2 7
                                    

Pointillism - A method of painting developed in France in the 1880s in which tiny dots of color are applied to the canvas. When viewed from a distance, the points of color appear to blend together to make other colors and to form shapes and outlines.*

Eto na naman ako. Late sa trabaho. Porkchop talaga! Epal na LRT yan. Ginawa ka nga para mapabilis pero bat kelangang masira ka pa ngayon? Lam nyo un mainte? Buti pa gamer lam un. Nasan napupunta mga tax na binabayad namin? Sa isang dispalpikadong tren? Buset.

So ayun tumatakbo ako sa hagdanan with four-inch heels. Pag eto naputol bente! Asa pa kong aabot ako. Yung time-in ko lagpas na ng trenta minutos. Pektus na naman to kay Gwen mamaya. Sheep. Papasok pa lang ako ng office nakakarindi na ingay ng bibig ni boss. Daig pa niya un jingle ni Jake Onrile. 

Pagkabukas ko ng pinto, yuko, dapa, takbo agad. O diba bongga aketch? Ninja moves din pag may time. Nakita nila kong lahat. Hinampas pa ko ni Gwen sa ulo nung napadaan ako sa table niya.

"Aray ko. Tupa!" pigil na sigaw ko, "Ano ba?!"

"Bat late ka?" tanong ni Gwen habang nakayuko sa gilid ng mesa niya.

"Di ko kasalanan. Nastranded ako sa LRT. Huminto ang tupa eh."

"Kelan pa humihinto ang LRT? Bente pag nastranded!"

"Eh nastranded nga ang kulit. Akina bente ko?!"

"Shhhh....si sir!"

Sa puntong to, tumakbo agad ako sa CR. Dun ko muna iiwan bag ko. Malayo pa gagapangin ko kung didiretso ako sa mesa ko. Pagdating sa CR, facepowder muna. Girl din ako di lang halata. Madalas kasi pumapasok ako ng gulo gulo buhok o gusot gusot na damit. Ganun talaga pag late na. Alangan magpapaganda pa ko eh late na nga? So ayun pinipilit kong ayusin ng cream na concealer un mga linya sa ilalim ng mata ko. Kung meron man akong ayaw sa mukha ko, yun yung malulupet kong eyebugs, medyo jumujunior lightweight ang bigat eh. Maganda naman ako eh, mula paa gang leeg nga lang. Tupang kagandahan nga to eh lahat nahuhumaling samin maski tambay sa tindahan o traysikel drayber. Pero di ko lam kung mukha ko nga ba tinitignan nila. Seksi din kasi ako manamit. Heels, masikip na blouse, maiksing skirt pag office ang lakad. Pag galaan, short na short na shorts pa tas tank top na masikip pero pag trip ko minsan off shoulder. Mabigat daw hinaharap ko pero teka, di ko ginusto to. Ket seksi ako minsan mas feel kong lalaki ako kaya walang bumabastos sakin sa lugar namin. Sa office siga rin ata to. Lahat sila takot sakin. Batas kaya ako. Tae, kahit square pa kami, di ko sila uurungan.

"Brendaaa!!!!" sabay sa hampas ng malalakas na katok ni boss, "Lam kong nandiyan ka! Lumabas ka nga dito!"

Nataranta ang beauty ko. Un concealer sa kaliwa di ko pa nakalat. Buset! Bigla bigla ko na lang hinakot lahat ng materyales fuertes ko sabay suksok sa bag tas tinago ko sa ilalim ng lababo.

Pagbukas ko ng pinto, bulyaw agad sumalubong sakin. Kung di ko naman bubuksan parang 

(AN: wait lang....nilalagnat na ako..di na kaya ng ninja powers ko...XD kelangan ng matinding chakra...try ko bukas ng umaga ituloy..)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AdumbrateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon