Kelan ka huling humawak ng lapis? Naisip mo na bang kahit minsan gumuhit lang ng gumuhit kahit di ka marunong? Di ako marunong gumuhit. Di ako marunong magshade. Di ako marunong magkulay. Pero ang alam ko, minsan isang araw, may isang lalaking iginuhit ang mundo ko, isang mundo na ang tanging kulang ay siya.