Prologue

46 2 0
                                    

"Lia I'm sorry"




"Sorry?! Blanch ano ba?! Anong magagawa ng sorry mo?!" Sabi ni Athalia sa umiiyak na tono ng boses.
Gusto niyang saktan ang lalaki sa kanyang harapan pero hindi niya magawa.
Wala paring tigil sa pag iyak si Athalia at panay ang pag takip nito sa kanyang mukha.




"Lia please stop crying.. sasabihin ko naman pero--"




"Pero ano? Hindi pa ngayon? Kung ganon kailan? Kung kailan huli na ang lahat at wala ka na?"




Pinilit harapin ni Athalia si Blanch kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman niya.




"I'm really sorry, ayoko lang kasing masaktan ka"
Hindi na napigilan ni Blanch na tumulo ang kanyang mga luha dahil sa sakit na nadarama niya.




"That was so stupid Blanch! E anong ginagawa mo sakin ngayon?! Sa tingin mo hindi ako nasasaktan?!"




"Please--"




"Nakita mo akong umiiyak noon sa ilalim ng puno, lumapit ka sakin at inabutan ako ng panyo. Pinatahan mo ako, pero nung aalis ka pinigilan kita dahil maiiwan na naman akong mag isa.. Blanch nung time na yun nangako ka na hindi mo ako iiwan tulad ng ginawa sakin ni Travis.."




Ibinalik ni Athalia yung panahon na si Blanch lang ang gusto niyang makasama, sa sobrang pang hihina ay napaupo na lamang sa sahig si Athalia at mas humagulgol pa ng iyak.




"Pero ngayon.. bakit mo ko iiwan?"




Nagtuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ni Blanch at nag madali itong sundan ng yakap ang nakaupong si Athalia. Saglit na kumulog at ilang sandali lang ay bumigat ang langit at dalidaling bumuhos ang ulan.




Basang basa na sila sa ulan pero hindi nila iyon pinansin at patuloy na kumapit sa bisig ng isa't isa. Labis ang sakit na nararamdaman ni Athalia lalo na't mahal na mahal niya si Blanch.

When You're Gone[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon