Magkikita pa kaya kaming dalawa? Kung oo, hindi ko na siya itataboy papalayo sa akin. Hahayaan ko na lang siya sa buhay ko, either as a friend or more than that. When I said I like him, that was true, I really do. Hindi dahil gwapo siya pero ewan ko rin e, magaan rin yung loob ko sa kanya.
Lance’s part
Sino kaya yung kasama ni Louise? Yun na kayo yung bago niaygn boyfriend? Kung boyfriend man niya, wala na akong magagawa dun. Wala na akong karapatan sa kanya e, wala na lang ako sa kanya ngayon. Sabi nga niya nakamove on na siya, sabi niya ok siya at halata naman yun sa mga mata niya. Kung boyfriend man niya yung Stephen nay un, I must make sure na dapat hindi niya iiwanan at lolokohin si Louise, I’m doing this for you babe, nagkamali ako, iniwan kita at ayokong may ibang taong gumawa pa nun sa’yo, tama na nasaktan kita.
“Hello Dave”
“O hi dude! Napatawag ka ulit?”
“May ipapagawa ako sa’yo”
“Ano yun?”
“Kilala mo ba yung kasa-kasama ni Louise ngayon?”
“Sino? Sila Arthur at Stephen?”
“Yung Stephen, kilala mo ba yun?”
“Pinakilala lang ni Mich sa akin, bakit?”
“Gusto ko sanang alamin mo yung background niya, kung saan siya nakatira”
“Masusunod boss, tawagan na alng kita kung alam ko na”
“Salamat”
Sana malaman na niya bago pa kami umalis ng Pinas, kailangan kong makasiguro na magiging okay si Louise sa lalakeng ‘yun. Mukha naman siyang maabit pero kailangan hindi lang mabait by face, dapat pati ugali niya.
Naghintay ako ng mga 3 days, sa wakas alam na ni Dave
“Stephen Keith Tan, 23 years old, half chinese, half Filipino, mayaman ang family, grumaduate ng Architect”
“Good, saan siya nakatira?”
Inabangan ko si Stephen sa may kanto, ilang oras na akong naghihintay, asan na kaya yung lalakeng yun? Kailangan ko siyang makausap, kailangan na kailangan. Magkasama kaya sila ni Louise? Anong oras na o, anak ng tinapa naman. Ang paalam k okay Kate sandal lang ako e, baka magduda na naman siya na si Louise ang pupuntahan ko. It’s not that I don’t want us to be arguing but instead I don’t want to her to get hysterically mad at Louise, the one I love, the one I still love.
“Gaano katagal mo nang kakilala si Louise?”
“Excuse me? Sinong nandiyan?”
I step out from the shadows, para makita niya ako
“Still remember me?”
Tinanggal ko yung hood ng jacket ko
“Lance?”
“Yes, ako nga”
“Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?”
“I came here to talk to you and about your house? I have many connections dude, matutunton at matutunton kita”
“Are you threatening me?”
“Sinagot ko lang yung tanong mo”
“Pwes, may isa pa akong tanong. What brought you here?”
“Tungkol kay Louise, alam mo ba yung dahilan kung bakit kami nagbreak?”
“Nabanggit niya sa akin”
