IT'S ALL ABOUT SADNESS

31 7 0
                                    

Sadness?

Kapag may namimiss ka.
Kapag nakipagbreak sayo yung mahal mo.
Kapag umaway sayo.
Kapag bumagsak ka sa exam mo.
Kapag mag isa ka.
Kapag hindi mo na kayang gawin ang research, thesis or project.
O kahit ano pang nangyari sayo na hindi maganda o negative.

Bakit pa kasi nauso ang lungkot na tinatawag? Dapat puro happiness na lang.

Pero nandito tayo sa real world. Sa ayaw man natin o hindi mayroon talagang nagaganap sa atin na hindi natin ineexpect o gusto. We always expect for the best but sometimes yung worst things ang dumadating.

Paano ka ba pag nalulungkot?

Ikaw ba yung tipong dinadaan na lang sa ngiti at tawa pero sa loob sobrang durog ka na.
Yung tipong nakukuha mo pang magpatawa pero sa loob mo umiiyak kana.

Ikaw ba yung tipong gusto mapag isa at magisip isip. Yung ayaw mo ng kausap dahil feeling mo walang makakaintindi sayo.

Ikaw ba yung tipong open sa lahat. Yung lahat dinadramahan mo para malabas mo kung anong kinakalungkot mo.

Ikaw ba yung pumupunta sa simbahan at magdadasal para gumaan ang loob mo dahil alam mong sya ang higit na makakatulong sayo?

Lahat ng paraan na yan, normal lang na gawain pag tayo'y malungkot. Pero sana wag tayong magpapaapekto sa mga bagay na alam nating magpapalungkot, magpapastress o ikasisira ng buhay natin.

Naiwan ka? Nagalit ang isang tao sayo? Nasaktan ka? Niloko ka? Nagfail ka sa isang bagay? Don't worry! Papakinggan ka niya. Dadamayan ka niya. Tatanggapin ka nya. Dahil mahal ka niya!

Minsan kailangan natin pagdaanan ang mga kalungkutan. Ang feeling down, feeling sad, feeling depressed o feeling stressed. Bakit? Para malaman natin ang tunay na kaligayahan. Para maaprreciate natin ang happiness. At para maging strong at tumibay ang faith natin.

Don't be affected to the small things called "sadness" because there's a bigger thing called "happiness"

It's all about himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon