IT'S ALL ABOUT LOVE

45 6 0
                                    

Lahat tayo nabubuhay ng dahil sa love..

Love sa sarili.
Love sa family.
Love sa friends.
Love sa partner.
Love sa GOD.

Sarap sa feeling no? Pag alam mong mahal ka ng mahal mo.
Pag nararamdaman mo kung gaano ka kamahal ng ibang tao.
Pag sinabi nila sayong mahal ka nila. O pag sinabihan ka ng "Mahal kita" "I love you!"

Pero...

Masakit din sa feeling no? Pag yung mahal mo may mahal ng iba.
Pag hindi niya kayang suklian yung pagmamahal mo.
Pag hindi nya nararamdaman na mahal mo siya o mahal ka niya.
Pag binabalewala lang nya yung pagmamahal mo. (Ouchy ouch)

Isa-isahin natin ang kinds of love:

Love for yourself

Eto ang pinaka importante sa lahat. Dahil sabi nila hindi ka kayang mahalin ng ibang tao kung ang sarili mo hindi mo mahal. O love yourself first before love other people.

Totoo nga naman. Dahil paano ka natutuong magmahal ng ibang tao kung yung sarili mo nga hindi mo matutunan na mahalin.

Dapat proud tayo sa sarili natin. Dapat nagtitiwala tayo sa sarili natin dahil mahal natin ang sarili natin. Walang bukod tanging magmamahal sayo ng todo todo kung hindi ang sarili mo at si God. The greatest love of all ika nga.


Love for your family

Ang sarap magmahal ng kapamilya no? Dahil kapuso mo sila. Yung nanay at tatay mo at kapatid mo o kamag-anak. Sila ang nagmamahal sayo ng totoo. Sila yung hindi napapagod na iparamdam sayo kung gaano ka nila kamahal. At sila ang basehan ko ng forever.

Family? Napakaswerte mo dahil may nagmamahal sayo at laging nandyan para damayan at alagaan ka. Yung iba nga dya naulila. Ni hindi nila nasabihan o naparamdam ang family nya kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Pero sa puso at isip nila alam nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Kaya nama wag na tayo sumuway, magalit, magtampo o magrebelde dahil kahit anong mangyari mahal ka pa din nila at hanggang sa dulo sila ang makakaramay mo at makakasama sa lahat ng oras. Kahit ano mang lupit o higpit ng pamilya mo, tandaan mo na binuhay ka nila at pinalaki dahil sa simula pa lang mahal ka na nila. Nagkamali man sila o ikaw man nagkamali at the end of the day ang pagmamahal pa din ang mangingibabaw sa lahat. Dahil isa to sa mga "unconditional love"

Love for your friends

Sinong walang friends dito? Tara. Friends na tayo simula ngayon. :)

Ano ba ang kaibigan? Sila yung kasama natin sa galaan, gimikan, chikahan, kalokohan o kahit ano pa man yan.

Swerte mo pag may mga totoo kang kaibigan na nagmamahal sayo. Yung makakadamay mo sa saya at lungkot. Yung nakakagawa kayo ng "friendship goals"

Ibang tao sila, ni hindi mo sila kaano-ano pero yung love nyo para sa isa't isa eh parang iisa lang ang magulang nyo. Friends is a blessing! Kaya naman mag message na tayo sa mga friends natin na "Thank you for everything" para naman maapreciate nila love nyo sila. :)

Love for your partner

Ano bang status mo sa facebook?

Single?
In a relationship?
Its complicated?
Umaasa?
Heartbroken?
Bitter?
Hindi makamove on?

Yung feeling na mahal ka din ng mahal mo? ❤
Yung feeling na sinagot ka na ng mahal mo? ❤
Yung feeling ng hindi ka pala mahal ng mahal mo? :(
Yung feeling na may mahal ng iba yung mahal mo? :(

Minsan masarap magmahal, minsan naman masaya yung tipong happy lang walang ending? :)

Minsan naman masakit magmahal, masaklap nakakalungkot. Yung tipong mapapasabi ka ng walang forever

Yung iba natagpuan na nila ang kanilang one true love.
Yung iba natagpuan na pinakawalan pa.
Yung iba naghahanap pa din.
Yung iba naghihintay pa din.

Pero pag nagmahal tayo.. Dapat walang doubts, walang what if's, walang conditions dahil hindi dyan nasusukat ang pagmamahal sa partner mo. As long as nageeffort tayo at naaappreciate ito ng bawat isa. At hindi tayo gumagawa ng kalokohan o niloloko ang bawat isa magiging forever ang love. May forever no! At pag natagpuan mo na yun swerte mo na. Kaya love love love lang.. Wala dapat ending. :)

Love for GOD

Nakaramdam ka na ba ng..

Unconditional love?
Everlasting love?
100% love?
Forever love?

Yung tipong umaapaw na pagmamahal?
Yung kahit anong gawin mo masama man yan, hindi nbabawasan ang love nya para sayo?
Yung feeling na hindi ka nagiisa?
Yung feeling mo wala ng nagmamahal sayo pero sya love na love ka?
Yung love na galing sa kanya?

Ako? Nararamdaman ko yan araw-araw. :) kayo ba? Malas mo kung hindi. Swerte mo naman kung oo.

Ang love ni God for us. Haayy.. Napakasarap sa feeling para kang nasa heaven. :) biruin mo kahit gaano pa tayo kasama o kahit nakakalimutan natin sya. Si God patuloy pa din sa pagmamahal sa atin. Siya na never tayong tinalikuran. Sya na pinupuno ng pagmamahal ang pagkatao natin.

Sobrang blessed natin dahil sa love ni God para sa atin. Naappreciate ba natin yun o nababalewala na lang?

Sana lang kaya nating suklian ang pagmamahal na yun kaso kahit sa forver pa tayo mabuhay feeling ko hindi natin mapapantayan ang pagmamahal niya kaya be thankful dahil may nagmamahal sa atin na ganon katindi. :)

God is my forever. My one and only true love. Not san marino but GOD.

Love ko to. Not mcdo but GOD.
Aldub you God!

"Maalden kita!"
-Love, God.

It's all about himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon