Chapter 5- Transferee

33 1 0
                                    

Sorry po sa matagal na update. Masyado pong naging busy si ako. Itutuloy ko pa rin po ang story na ito kahit konti lang ang nagbabasa. Sa lahat po ng readers thank you so much.

A.C's Pov
    Naglalakad na ako pabalik ng classroom namin ng makita kong lumabas na si Ms. Sandoval sa pintuan at papunta na ng faculty. Hindi ko na naabutan ang klase nya dahil sa mayayabang na lalaking 'yon.

Pagpasok ko ng classroom namin na sana hindi ko na lang muna ginawa. Dahil andito ngayon sa harapan ko ang tatlong dinaig pa ang bangkay sa punerarya dahil sa kapal ng make-up.

"Tama ba ang narinig namin, you insulted Nathan Mortes?" so sila ang back up nung apat.

Hindi ko sila pinansin instead nagpatuloy akong pumasok at umupo pero sa kamalas malasan ko hindi pa rin nila ako tinigilan. Ano bang meron dun sa apat na  lalaking yun at marami ata silang tagapagtanggol.

"Eh ano naman if I insulted Nathan Mortes as if he is the king of the king here at SSUS"  ikinagulat nilang tatlo ang mga sinabi ko, ang pagkakatanda ko sila din yung tatlong babaeng kumausap sakin dun sa canteen. Uhm...Audrey, Kaithleen at ang leader ata nila si Vanessa.

I'm just wondering kung bakit lagi nila akong kinakausap maybe isa sa kanila ay girlfriend ni Nathan.

"Una sa lahat oo, sya ang hari dito sa school. Pangalawa, wala kang karapatan na maliitin sya dahil pangatlo hindi mo sya kilala"  napataas ang kilay ko sa mga sagot ni Vanessa. Ngayon ko lang napansin na nakakakuha na kami ng atensyon sa mga kaklase namin.

"Una wala akong pakialam kung hari sya dito dahil kahit sinong santong hari pa sya, hindi ko sya aatrasan at pangalawa meron akong karapatan kung anong gusto kong sabihin hello!! we have freedom. Philippines is a Democratic place. At higit sa lahat, pangatlo kilala ko sya. Sya lang naman si Nathan Mortes"

Napanganga silang tatlo sa sagot ko, akala ba nila magpapatalo. No way. Tsk.

"You are just a transferee, and you are Nobody" mahirap ba talagang tanggapin ang isang katulad ko na middle class lang sa mundo nila. Tama, ganun din naman ang ginawa nya sakin before. So who cares.

"Kaya mag-ingat ka, pumili ka ng babanggain mo" bumalik ako sa realidad nang magsalita si Audrey na sinabayan pa ng taas kilay ni Kaithleen.

"At isa ako sa makakalaban mo, don't forget my name. Vanesaa Morgan"

Natapos ang klase namin ng wala man lang akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng professor namin.

Hanggang pag-uwi ko wala pa rin ako sa katinuan. Napaisip tuloy ako, ganun ba talaga kasikat ang mga lalaking yun sa school lalo na si Nathan Mortes.

"Anak tulala ka na naman dyan" pinisil pa ang ilong ko.

"Ouch!! Ma naman eh" sabi ko habang hinihimas ang ilong ko. Tawa lang sya ng tawa.

"Kamusta, may nanliligaw na ba sa anak ko. Sabihin mo sakin pag meron na ha para makilatis natin"  sabi nya sakin habang tinatagtag ang mga natirang pagkain sa plato ko.

"Ma, alam mo namang pass muna ako dyan. Study first nga di ba" 

  Pagpapaliwanag ko sa kanya pero alam kong hindi sya kumbinsido sa sagot ko. Eh sa ayoko na ulit masaktan, umiyak at maiwan.

"Hindi ka pa rin ba nakakamove on"

Sabay nang pagkabigla ko ang pagpatak ng kutsara sa sahig. Ano bang tanong yun ni Mama.

Confession of a Two-timerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon