Nathan's Pov
Naglalakad ako ng makita ako ng isa sa mga kaibigan ko.Si Earl ang pinaka-kuripot sa mga kaibigan ko."Tol san punta natin?" sabi nya sakin pagkatapos ay umakbay.
"Dito sa tindahan" alam ko na ang sunod nyang sasabihin. Libre.
"Libre naman oh!" di ba tama ako.
"Lagi ka nang palibre, wala ka bang pera?"
"Yosi lang naman, ito naman napakadamot" sabi na nga ba masasabihan pa ng madamot.
"Madamot agad di ba pwedeng nagtatanong lang?"
"Ito nga oh naghihirap na ako" pero syempre isa lang yun sa mga palusot nya. Sana'y lang talaga syang magpalibre kahit may pera sya, yan kasing si Earl proudly KURIPOT.
"Sige na naman tol oh!" paawa effect pa.
Nang makarating kami sa tindahan, agad ko syang binilhan ng dalawang sigarilyo baka kasi magwala pa yan na para bata sa daan.
"Manang dalawang yosi nga po""Tol may problema ka ba?" tanong nyang na nakapagpagulat sakin.
"What?? Bakit naman?"
"Eh di ba hindi ka naninigarilyo?"
"Sino bang nagsabi sayo na maninigarilyo ako?" pagtatakang tanong ko. Baliw talaga tong kaibigan ko.
"Bakit dalawa ang binili mo?" sarap tapyasin ng bibig nito,mas madaldal pa sa babae, bakla ba to?
"Para di ka na magpalibre ulit, Manang bayad po"
"Salamat" nakangiting pang sabi ng kuripot kong kaibigan.
"Walang anuman" sarap talaga nyang ipatapon sa bagong planeta yung Kepler.
Naupo kami sa upuan malapit sa tindahan. Pano ko ba sasabihin sa kaibigan ko ang mga bagay na bumabagabag sakin. But before that, I want to introduce myself my name is Nathan Mortes, 16 years old. Son of my father and mother. Do you know who they are? Haha kidding. Jennifer Mortes is my mother's name, Wayne Mortes is my father's name at may isa akong kapatid na babae. Siya si Pauleen Mortes. Hindi ko lang sya sister, kambal ko sya nauna lang akong ilabas ng nanay ko. Kaya nga c.s si Mommy.
May malaking business corporation ang pamilya ko, kaya rin siguro kilala ang pamilya namin. Sa school kilala nila ako bilang captain ng basketball, gwapo, habulin ng mga babae, maybe sometimes may pagkamayabang ako pero mabait. Hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko yun lang talaga ako sa kanila. Pero may kulang sakin at yun ay.."Tol hanap mo naman ako ng girlfriend" nahihiya man ako pero totoo wala pa kong nagiging gf.
"A-ako? Asensado ka, bakit ako?"
alam ko na magugulat sya. Pero andito na kaya ituloy ko na."Alam mo namang natotorpe ako" kahit naman siguro gwapo ako at gwapong gwapong sila sakin, natatakot pa rin akong umamin o manligaw. Basta torpe daw ako.
"Paano ka nyan magkakagf kung napakatorpe mo? Marami namang babae ang nagkakagusto sayo"sabay akbay sakin, minsan iniisip ko talaga kung lalaki ba'to o bakla.
"You know me, ayoko sa kanila."
"Yan tayo eh!, ang lalaki mong tao napakaarte mo"
"Ang gusto ko kasi yung magiging steady girlfriend ko, yung alam mong hindi ka ita-timer. Ayoko kasi na nasasayang ang effort ko" madiin na sabi ko.
"Sige, sa isang kondisyon payagan mo akong ligawan ang kapatid mo"
"Ano!? Tol naman walang talo talo kapatid ko yun" malaking pagkakamali ang payagan ko syang ligawan ang kapatid ko.
"Oh sige, bahala ka" kaibigan ko ba talaga to, kailangan may kapalit ang pagtulong.Tsk.
"I'll try my best, sana pumayag sya"
"Mapapapayag mo naman sya diba?" lakas talaga ng tama nito sa kapatid ko.
"Oo na basta ba tutulungan mo ako"
"Deal, basta ang usapan ay usapan"
I started it so I need to finish it. Kailangan ko ang tulong mo ngayon aking mahal na kambal.
-------------
Hi guys this is my first to write a story here at wattpad but I already write a story in some of my notebooks when I'm bored and nothing to do. So please read it.❤angeliegly
BINABASA MO ANG
Confession of a Two-timer
Genç Kurgu"Two-Timer" Mga hindi makuntento sa isa kaya naghahanap ng iba. May mga tao din naman na nagmamahal ng totoo. Problema nga lang,landiin lang ng iba bumibigay na. Bakit kaya sila ganun? Konting yakap at konting halik lang Aba! nakalimutan nang may Bf...