Chapter 7: Start Again

29 0 0
                                    

Sabay kaming naglalakad palabas ng police office ni Xander. Walang nauuna, walang nahuhuli. Sabay talaga. Pero malaki ang agwat sa gitna. We're so close yet so far.

Tumigil naman siya sa paglalakad nung makalabas na kami sa office. At nagulat na lang ako ng bigla niyang sinipa ng malakas yung trashcan kaya nagkalat yung mga basura. Medyo napalayo rin yung pagkasipa ng trashcan na nayupi pa yung gilid.

Nagtitimpi lang ako. Ano bang nangyayari sa taong to? Baka gusto niyang sabay kaming mag-overnight sa kulungan? Tangina. Siya na lang kung gusto niya.

Pinulot ko yung mga kalat at inayos yung basurahan. Ayoko siyang sigawan. Pero siya naman tong sumigaw.

'WHAT THE FCK ARE YOU DOING WITH THOSE TRASHES?!'

'Pinupulot ko lang naman yung kalat mong ikaw sana ang dapat na nag-aayos! Ano ba kasing problema mo ha?! Dapat nga ako tong galit na galit sayo ngayon eh! Ang lakas naman kasi ng loob mong magpakita pa no? Ba't ka pa ba bumalik ha? Ok na ok na ako eh! Langyang potchi naman oh! Xander umayos ka naman!' naiiyak ako pero pinipigilan ko. Tama. Just like what I've been practicing.

Pinipilit niyang kunin yung kamay ko pero nagpupumiglas ako. Kasu malakas talaga siya kaya hinayaan ko na lang. Masasaktan lang ako kapag pinilit ko pa. Hindi naman niya hinigpitan ang pagkakahawak at tinaas ang kamay ko tas kinumo.

'Punch me please' kalmado pero malungkot yung boses niya.

'A-ano ba Xander? Hindi kita susuntukin. Umayos ka na'

'Ok.' nagsmile lang siya ng peke. 'Then I'll better do this...' pagsasalita niya tas pinagsususuntok yung dingding. Buti na lang walang nakakahalatang pulis at mukha nagsosoundtrip si sir police sa loob.

'THIS IS FOR HURTING YOU SO BAD! FOR BEING AN ASSHOLE! I'M SO FUCKING STUPID! I AM FUCKING WEAK! I DIDN'T FIGHT FOR YOU! AND THIS IS SO BULLSHIT AND I DON'T KNOW WHAT CAME INTO MY MIND THAT I CALLED YOU LATE NIGHT , DISTURB YOU AND BOTHER YOU. I CAN'T AFFORD TO HURT YOU AGAIN BUT I GUESS MY EXISTENCE JUST ANNOYS YOU AND THIS KEEPS ON HURTING YOU MORE BUT HERE I AM BEING SO FUCKING MEAN, BEING SELFISH CAUSE ALL I WANT IS TO BE WITH YOU!'

Shit. As in malutong na mura. Anong sinasabi niya? Puros fucking ang loko. Naiiyak ako habang pinapanuod siyang ganyan. Bakit Xander?

Napapalakas na ng sobra ang pagkakasuntok niya sa dingding habang patuloy lang siya sa pagsasalita. Hindi ko alam kung totoo to o naglolokohan lang kami pero dumudugo na yung kamay niya. May pumatak na dugo sa sahig at hindi ko na kaya to kaya...

*boog* [an/sorry guys. Hindi maganda yung sfx ]

potchi! Ang sakit! Ang tigas ng panga. Takte! Binaliwala ko na muna yung sakit. At least alam kong hindi pa pala ako manhid.

Napatumba si Xander at nakasmile na naman ng peke. Plastik.

'Shit Xander! Hindi kita sinuntok kanina para di ka masaktan pero kung sasaktan mo lang rin pala ang sarili mo, pakyu! Ako na lang sana ang sumuntok sayo kanina pa!' natigilan lang siya sa sinabi ko. Hiningal naman ako kasi mahirap magsalita habang umiiyak. Ferness rin, puros mura kami ngayon.

'Sorry' Tas yumuko lang siya.

Aish nakakaguilty. Sabi ko nga gagawin ko lang light ang lahat.

'Oh! Ba't ka nakayuko dyan? Sayang naman yung beauty ko kung di mo titignan ' nilapitan ko siya.

Nanginginig yung kamay ko at naiilang akong hawakan siya pero keri. Tinaas ko yung mukha niya pero di parin siya tumitingin tas nakita ko na lang na ang dami niyang pasa sa mukha. Ngayon ko lang kasi siya natitigan. Natabunan ng onti ng buhok kaya hinawakan ko yung buhok niya tas pinaside. May pasa at medyo may dugo.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 04, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Stupid CupidTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang