17 years old na ako pero ganito ako pina-ikot at pinaglaruan ng pagibig..
(Kriiing)
"Uy kailangan ko ng magmadali mahuhuli nnmn ako sa girl scout nito, 老师再见!"4:00pm ang uwian namin nun, sa chinese school ako nagaaral 7:00am hanggang 4:00pm ang pasok ko english time sa umaga chinese class naman sa hapon oh diba sana sa school na lang ako tumira. Pagkatapos ng chinese class namin extra curriculars naman.. ako kasi yung tipo ng taong napaka active ba 😂 yung tipong akala mo lahat talent ko dahil sinalihan ko na ata lahat ng activities na meron sa school namin.
"Angelica nagtext si Richard ingat ka daw sa paguwi mo" sabi ng kaibigan kong si Kat na nakangiti na para bang nangangasar pa
Biglang tumibok ang puso ko, hindi ko alam kung bakit, alam mo yung feeling na iba talaga ee, kasi first time ko mafeel yung ganun, hindi tulad dati na kinikilig ako sa crush ko kasi gwapo or cute hehe iba talaga e kumpara sa mga naging feeling ko sa mga nanligaw sakin.. iba talaga eh..
Kinabukasan:
Richard: "Tabs may sasabihin ako sa iyo"
Ako: "Anu yun?" (kinikilig ako di ko alam kung gusto ko na ba siya o hindi)
Richard: "Crush... kita" (bigla akong kinabahan na para bang may bomba sa puso ko sa bilis ng takbo nito, bakit ganun? may mga umaamin sakin pero iba yung ngayon)
Ako: "ah ah okay"
Richard: "bye tabs" (umalis na siya na para bang nahiya ata)Makalipas ang ilang linggo medyo gumagaan na pakiramdam namin sa isa't isa hindi na kami nagkakahiyaan lalo na't magkaklase kami at magkalapit pa ang upuan at kabarkada pa kamo dahil nung una nga medyo nagkakahiyaan pa kami dahil sobrang awkward kaya na yung isa sa mga close friends mo nagkagusto sayo. Hanggang sa dumating yung time na medyo sweet na araw araw gabi gabi, nagseselos na ako sa mga nagkakagusto sa kanya pero dumating yung time na..
Ako: "Tabs galit ka ba sakin" (minessage ko siya sa twitter)
after ilang hours
Richard: "Hindi po :)" (nagchat na rin siya sa wakas)
Ako: "Bakit di ka na nagpaparamdam?"At doon hindi na ko nakatanggap ng reply kahit sa facebook chinachat ko siya pero bigla na lang siya nagooffline pero dahil TANGA ako iniyak ko na lang at umaasa pa rin ako kahit wala kaming relasyon dahil nahulog na nga ako sa kanya..
At sa tingin ko doon na nagtapos ang dalawang buwan na masaya kasama at kausap siya medyo mahirap at awkward dahil kaklase ko pa siya hindi na nga niya ako kinakausap madalas ee, yung bang akala mo 5 6 ako para iwasan at natapos na talaga iyon simula nung malaman kong may nililigawan na pala siyang iba, kaya nung medyo friends na ule kami sabi niya "Hindi ko lang naman sinabi kasi ayaw kita masaktan, ayaw ko namang sabihin na di na kita crush diba" at nalaman ko na lang na pinagsawaan na pala ako..
Napakasakit diba? Yung ilang buwan kang pinasaya tapos mapupunta rin pala sa wala. Saya! Sarap umasa, Lasang tanga!
Makalipas ang ilang buwan medyo nakalimutan ko na ang unang laro ng pagibig sakin, dumating na lang sa punto na..
(Phone ringing may nagtext ehem)
"Sino ba tong nagtext istorbo wala akong panahon sa mga text text nakakatamad magpaload"
Ronald: "Angelica! Text tayo :)"
Ako: "Ay sige lang hahaha hi"
Ronald: "Gawa mo?"Nung mga oras na iyon iba ang pakiramdam ko na para bang may ibang feeling,pero wala akong nararamdaman na magkakagusto ako sa kanya
BINABASA MO ANG
Tanga nga kasi..
Non-FictionMay mga taong dadating satin tapos akala natin sila na, yung tipong dadating sa point na "Tanga" ka dahil mahal mo nga. yung tipong sa lahat ng gagawin mo laging sumasanggi sa utak mo yung mga pangyayari o kilig moments kung tawagin, hindi tulad ng...