It's not the End

7 1 0
                                    

Ang bilis nga naman ng panahon, parang kailan lang umaasa ako haha. joke! Ang bilis dahil parang dati hindi pa kami magkakilala.. Nakakamiss din at gabi gabi kong iniisip dahil hindi rin kami nagkakausap at minsan lang kami magkita. Daig pa nga ata namin ni Kyle yung mga Long distance relationship dahil sila nagkakausap pa o kaya skype. Daig pa namin dahil kami nga bawal magkasama sa labas dulot ng mga chismosa, para sakin naman wala akong pakielam dun pero para sa pamilya ko ayaw nila dahil masisira daw ang reputasyon.. Wala e, kailangan i-honor at i-obey ang parents. Minsan nga paiba iba utak ng parents ko dahil madalas kaming nasisiraan sa labas kahit hindi totoo kaya nabebrainwash yung utak nila at bumabalik sa dati. Lalo na yung childhood friend kong si Hazel makasira sakin wagas! eh eto nga siyang napariwa yung buhay dahil sa kapabayaan niya sa buhay.

Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya at kakaisip sa kanya nakabuo ako ng kanta.. Actually mahilig ako gumawa ng kanta at tula, pag mahal ko ang isang tao. Dati nga gumawa kami ng kanta ni Hannah para kay Patrick at Ronald, Ang title ay "Ikaw Lang Naman" kaso wala e hahaha, parehas rin kaming nasaktan. pero ngayon sa sobrang miss ko nga siya at sobrang naappreciate ko siya kaya nakagawa ako ng kanta from the heart 😁☺️ ang title niya ay Maghihintay.

Maghihintay

"Dati ay di napapansin
Ang iyong mga pagtingin
Ngunit tadhana nga naman
Tayo'y pinaglapit
Pusong takot ay muli ngang nagmahal
Pagibig na iba ay sayo lang naramdaman daman..

Chorus:
Sa king mga mata
walang iba kundi ikaw
Sa king ngang puso
ikaw lang ang sinisigaw
Sa king mga mata
Ikaw lang ang nakikita
Sa king ngang puso ikaw ikaw ang lamaaaaan

wo oh wo oh wo oh 2x

Ngunit tayo'y pinaglalayo, bakit kaya
Maghihintay sayo kahit anu pa man mangyari
Huwag mo kong iwan ako'y magdurusa
Hindi ko kayang wala ka o di ka makasa..maaa

Repeat chorus

Bridge:
Maghihintay ako
Sa ting dalawa
Ipaglalaban ko
Kahit..

Repeat chorus"

Tanga nga kasi..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon