Iiwan niya na ako?

16 1 0
                                    

Sabi nga sa bible paginaccept mo si Christ sa life mo hindi ginhawa ang makukuha mo kundi puro failures, risks etc. pero in the end worth it naman ito kaya wag ka daw susuko

December 25
Ang saya ng umaga ng pasko ko kasama mga pinsan kong mga maliliit kaso bandang hapon..

Mama: "Ayan mga anak na yan perwisyo yan"
(Habang nakikichismis siya sa away ng anak at nanay sa labas)

"Kaya ikaw pumasok ka dun,nakakahiya ka" (Pagkaturo niya sakin)

Pumasok na ako dahil sabi niya ee, kaso may iba na akong pakiramdam nun, parang nafefeel ko na mabubugbog nanaman ako

Maya maya..

Mama: "Hoy ikaw"
(Sabay sabunot sa buhok ko at kaladkad)
"Ang landi landi mo parin huh"
(Sabay hubad sa mga nakasuot saking mga accessories)
"Dapat sayo kinakalbo"
"Nakakahiya ka, Sinira mo reputasyon namin dito sa bahay na to" "Tali talino mo pa naman, tapos hahaluan mo ng kalandian, Ang landi mo gago ka" "Kaya ka ba nagaayos para sa linalandi mo"

As always.. Pumatak ang napakaraming luha, wala akong ibang nasa isip kundi si Christ at si Kyle lang, na para bang gusto ko sila ihug dalawa
Mama: "Sino ba yun ah?! Yung bestfriend na sinasabi mo dati huh? San nakatira yun huh?! Pati si Yvonne alam na! Siya nagchismis sakin, lakas ng loob mong magsimba at maglakad sa labas diyan pero kalat ng malandi kang hayop ka, boyfriend mo ba un huh"

Ako: "HINDI HINDI CRUSH LANG NAMIN ANG ISA'T ISA!"
Mama: "Anu pangalan nun?! Sabihin mo, at saan nakatira kakausapin ko, lintik kang malantod ka"

Hindi ko masabi kasi natatakot ako kung anu gawin niya pero di ko na kinaya mga bugbog niya..

Ako: "KYLE KYLE" (Napapasigaw na lang ako habang umiiyak ng umiiyak)
Mama: "Ah! Sige! Diyan ka lang at susugurin ko yun, tatanungin ko sa labas kung san nakatira"

Kabang kaba ako para kay Kyle. Natatakot ako kasi alam kong mapagsasalitaan nanaman siya ni mama ng masama at baka iwan niya na ako dahil sa pangyayaring ito

Sa matagal namin pagkukulitan miski nung magkaibigan pa lang kami, marami na palang nanghuhusga na kami na daw, hindi ko alam na marami palang chismosa at chismoso sa labas ng bahay namin at kako mapanghusga lahat, pakielamera at pakielamero pa! Confident pa akong kasama si Kyle sa labas, eh hindi ko naman alam na Artista pala ako dito diba? Yung tipong sabi nga ni mama sikat na matalino at maganda ako dito pero ngayon daw Matalino nga Malandi naman. Saya diba? Kamusta naman ang puso ko sa mga salitang natatanggap ko! Hindi na ko makahinga sa mga oras na iyon, dahil sabi nga ng doctor wag akong magisip ng problema kasi mahina lang heart ko dahil sanay na daw masaktan tong puso ko.. JOKE

Actually pinlano na niyang pumunta sa bahay para magpakilala sa family ko kaso naunahan nga ng mga libo libo atang chismosa at chismoso sa labas ng bahay namin.

Ilang araw rin kaming magkaaway ni mama napakahirap, ang hirap pala talaga yung tipong sobrang saya tapos magiging sobra sobrang lungkot, nagsorry rin nmn ako sa kanila, ang sabi nga ni papa maghintay nlng daw kami, kung kami daw edi kami,basta magaral muna daw

Ilang linggo ang dumating naplano kong kausapin siya kasi nagaalala ako, dahil nabanggit nga sakin ni mama na sinigawan niya si Kyle.

"Pst"
Kyle: "Po?"
Ako: "Sorry po talagaaaa"
Kyle: "Okay lang po naiintindihan ko naman :)"
Ako: "Sorry po talaga iiwan mo na po ba ko?"
Kyle: "Yun lang?" "Hindi syempre ang babaw naman kung ganun"
Ako: "Sorry po :(" "Di na mauulit"
Kyle: "Basta hihintayin kita wag ka magalala"

Tanga nga kasi..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon