Dear Mr. Stranger

85 1 0
                                    

Dear Mr. Stranger  

Dear Mr. Stranger,

When I met you my life turned upside down. New experiences. Many lessons. Nabago ang buhay ko dahil sayo. When I met you i thought that my life has it sense after all. Dahil sayo naging masaya ang buhay ko. I became stronger enough and hopeful enough about life. Now that you're gone I don't know what to do. How can I continue living this helpless life of mine?

Can you do me a favor? Please come back...please..

~~~

I closed the little journal of mine. Dito ko lahat nilalagay ang mga saloobin ko. It's like a Diary but it's not. No one knows it except me of course. Na sa akin na ito simula pa noong ten years old ako. It's like a friend that I never had and a family that I never felt.

Nagising ako sa pag mumuni muni ko nang may kumatok. And I think I know who it is. Binuksan ko ang pinto. It's my nana Rosie. Siya na ang nagaalaga sa akin since birth. Parang siya na nga ang nanay ko eh kaya tawag ko sa kanya ay nana.

"Bakit po?" Tanong ko sa kanya. Pero parang alam ko na ang sagot. "Pinapatawag ka ng lolo mo." I sighed. "Bakit naman kaya niya ako pinapatwag may nagawa na naman ba akong mali?" Parang nalungkot ang muka ni Nana Rosie pag kasabi ko nun. "Anak, wala kang nagawang mali. Siguro gusto ka lang niyang kausapin dahil baka nagaalala siya sayo pagkatapos ng nangyari."

I doubt that. Wala namang pakielam ang so-called-lolo ko sakin. Kinakausap lang niya ako kapag may nagagawa akong mali. "Nana, samahan mo ko ha?"

Ngumiti lang siya. Alam kong sasamahan niya ako. Mahal ako niyan eh. Naglakad na kami papuntang office ni lolo. Oo, hanggang sa bahay may office siya.

Nang makarating kami sa harap ng pintuan ng office ni lolo ang lakas ng tibok ng puso ko. Humarap ako kay nana Rosie "I'm nervous nana."

Kailangan ko talaga ng assurance kay nana na okay lang ang lahat. "Catherine, okay lang ang lahat. Huwag kang kabahan. Nagaalala lang talaga ang lolo mo sayo kaya gusto ka niyang makausap. Pasok ka na." Tumingin lang ako kay nana ng mga ilang segundo bago ako humarap sa pintuan at kumatok.

"Come in." Narinig kong sabi ng nasa loob. Lalo akong kinabahan ng marinig ko ang boses niya. Binuksan ko na ang pintuan at tumingin muna ako kay nana bago tuluyang pumasok. Nakayuko lang ako ng makapasok na ako. Hindi ko kayang tumingin sa kanya. "Catherine, maupo ka muna." Sinunod ko siya at naupo sa upuan sa harap ng table niya.

"Pinatawag kita dahil gusto kong malaman kung maayos na ba ang kalagayan mo. " Sabi niya. "L-lolo, ayos lang po ako." Nakayuko parin ako at ramdam ko na nakatingin siya sakin. Hindi ko talaga kayang tingnan siya sa mata. "Well, that's good to hear. Siguro naman kaya mo nang magsimulang magtrabaho sa kompanya?" Napatingin agad ako sa kanya. Kaya niya ba ako pinatawag dahil gusto na niya akong maging isa sa empleyado niya?

"You look surprised. What's there to be suprised of? Graduate ka naman na at kung hindi lang nangyari iyon ay baka nagtatrabaho ka na ngayon." Akala ko pa naman concern na siya sakin. Gusto lang pala niya ako magtrabaho sa kompanya niya. Bakit nga ba ako umasa pa? "Uhm... Okay po." Sabi ko nalang. Wala naman akong magagawa kahit umangal ako. Siya parin naman ang masusunod.

"That's good to hear. Sasabihin ko nalang sayo kung kailan ka magsisimula. That's all for now makakaalis ka na." Tumayo na ako at nagbow sa harap niya tsaka lumabas. Pagkalabas ko nakita ko si nana Rosie. Ngumiti ako sa kanya "Nana punta lang po ako sa kwarto ko dalan niyo nalang po ako ng pagkain kapag dinner na. Masama po ang pakirampam ko eh. Sige po mauna na ako." Hindi ko na hinintay na sumagot pa si nana tumuloy na ako agad sa kwarto.

Bakit ba lahat nalang ng tao sa buhay ko dini disappoint ako. Si nana Rosie lang ang naiiba sa kanila. Hindi niya iniiwan kahit anong mangyari. Hindi siya nagagalit kapag may nagagawa akong mali kundi ay tinatama niya ang mga yun. Feeling ko siya lang ang nagmamahal sakin. Mahirap ba akong mahalin?

Sana hindi nalang niya ako binalik dito. Sana hindi nalang....

1 of 1

Dear Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon