Chapter 3

25 1 0
                                    

Chapter 3

Habang sumusunod ako kay Juan Miguel iniisip ko parin yung kanina. Bakit kaya sila tumatawa? Parang meron akong hindi alam na alam nila.

Napahinto ako sa pagiisip ng bumangga ako sa likod ni Juan Miguel. Bigla siyang tumigil ng hindi ko napapansin kaya ako nabanga, nasa likuran lang niya kasi ako.

"Don't mind my mom and the others. Wala lang silang magawa." Sabi niya na bakas ang iritasyon sa muka. Tinutukoy niya ba yung kanina? Naiinis ba siya dahil kailangan niya akong samahan?

"Bahala ka nang mamasyal dito. Hindi ka naman mawawala." Pagkasabi niya nun ay umupo na siya sa isa sa mga upuan doon. Ngayon ko lang napansin yung mga upuan dahil sa kakaisip ko kanina.

Pagkaupo niya pumikit na siya. Anong gagawin ko ngayon? Kapag namasyal ako dito hindi naman daw ako mawawala. Sabi naman niya eh sige, kaya ko na tong magisa.

Nagpatuloy akong maglakad at lumapit ako ng kaunti sa dagat. Pumikit ako sandali. Fresh air. Simula ng mangyari yun... ngayon lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin. Nakakamiss.

Dumilat na ako at nagpatuloy maglakad. I walked slowly because I want to enjoy the view. Refreshing sa pakiramdam. Hindi ako marunong lumangoy at hindi ako nagbalak magaral dahil takot ako pero parang nakakaengganya yung dagat. Ang gaan sa pakiramdam kahit titignan mo lang.

Di ko napansin malapit na pala ako sa maraming puno kakalakad ko. Ayoko namang pumasok kaya naupo nalang ako. Naalala ko yung garden sa school. Sino kaya ang makakadiscover nun. Sana aalagan niya.

Tumingin nalang ulit ako sa dagat at pumikit. Ang sarap talaga sa pakirampad. Napaka peaceful. Someday, I want to live in a place like this.

Napukaw ang pagmumuni muni ko ng may marinig akong ingay. It was like a snake's sound? Tumingin ako sa bandang may mga puno at nagulat ako. Mayroong ahas!

It was big. Parang kasing haba siya ng belt at kasing lapad ng water pipe. Papunta ito sakin pero wala akong magawa. Para akong napako sa lugar na iyon. I can't move even a bit.

Habang papalapit ito ng papalapit pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso. Sa ganitong paraan ba ako mamamatay. Hindi nga sa pagkidnapped pero sa tuklaw ng ahas.

Naramdaman kong tumutulo na ang luha ko. Alam ko, I'm weak. Ni kahit sa hayop hindi ko kayang ipagtangol ang sarili ko. Pabigat lang ako. Siguro nga I deserve to die right now. Wala namang akong silbi.

I closed my eyes as the snake comes closer and I can't stop my tears. Suddenly, I heard a loud bang. Napatakip ako sa tenga ko sumubsob sa tuhod ko at lalo akong umiyak. Putok ng baril?

Naramdaman kong may yumakap sakin. It was warm. Lalo akong napaiyak. Ang tagal na simula ng huli akong nayakap ng kahit na sino. I feel safe all of a sudden just because of this hug.

"Cat, stop crying. You're safe now." Pagaalo sakin ni.. Hindi ko alam kung sino dahil hindi ko makita ang muka niya. Pero lalaki siya?

Nanghuminto na ako sa pagiyak naramdaman niya ata iyon kaya humiwalay siya ng kaunti. It was Juan Miguel. Tiningnan niya ang muka ko at pinahid ang luha ko sa pisngi.

"Tara na balik na tayo. It's not safe here." Sabi niya ng malumanay at maamong muka.

Tinulungan niya akong tumayo kaya lang muntikan na akong matumba. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa takot. Una, takot sa ahas at pangalawa takot sa baril.

Nagulat ako ng binuhat niya ako. "Ahmm.. Ibaba mo na ako. Ka-kaya ko nang maglakad.." Nahihiya kong sabi. Kaya ko naman na talaga at tsaka nakakahiya ang laki kong abala sa kanya.

"No." Yun lang ang sinabi niya at nagpatuloy na siyang maglakad. Medyo malayo pala ang narating ko. Hindi ko na halos matanaw yung bahay nila kahit malaki.

"Salamat.." Nasabi ko nalang. Nanlalata parin ang pakiramdam ko. Shock parin siguro ako. Naramdaman ko nalang bumabagsak na yung talukap ng mata ko at unti unti na akong nakatulog habang buhat ako ni Juan Miguel.

~

Naramdaman kong parang may gumigising sakin. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Tita Carol. Napaupo ako bigla bigla naman akong nahilo at may nalaglag na puting bimpo mula sa noo ko. May sakit ako?

Naramdaman ata ni Tita Carol na nagtataka ako kaya sinagot niya ang nasa isip ko. "You have a fever Catherine. Kinuwento sakin ni Juan Miguel ang nangyari kanina. I'm sorry, I know you're very scared kaya ka siguro nagkasakit." Puno ng pagaalala yung boses niya habang sinasabi niya sakin iyon. It was really like my mom's voice.

"Dinalhan kita ng soup dito dahil kailangan mong uminom ng gamot. Kaya mo bang kumain?" I just nodded my head. Nilapag niya sa harap ko yung tray na may lamang soup tubig at gamot. "Call me when you're done. Okay?" Tumango nalang ulit ako. Sanay na ako sa ganto. Lagi kasi akong nagkakasakit at lagi akong inaalagaan ni Nana Rosie.

Nana Rosie.. Siguradong nagaalala na sakin yun. Siguradong hindi siya makakatulog ng maayos tuwing gabi. Sana kasama ko nalang siya dito. I sighed. Sana okay lang siya ngayon.

Kinain ko na yung soup hanggang sa maubos ko at tsaka ko ininom yung gamot. Sabi ni Tita Carol tawagin ko nalang daw siya kapag tapos na ako pero sa tingin ko naman kaya ko nang dalin tong tray sa labas.

Tumayo ako at binuhat yung tray palabas ng kwarto. Wala akong nakitang tao pero merong ingay sa may sala. Nagdaan ako doon pero hindi nila ako napansin. Tumuloy lang ako sa kitchen. Meron din palang tao. Napatingin sila sakin. Sila Tita Carol,Nate, Priscilla and Juan Miguel. Naputol yung pagaaway nila Nate at Priscilla pagkadating ko.

"What are you doing?!" Magsasalita na sana si Tita Carol pero naunahan siya ni Juan Miguel. Para siyang galit? Sabi ko na nga ba abala lang talaga ako. "Uhm.. I.. I don't want to be a burden to you so.."

Naputol yung sasabihin ko ng inagaw ni Juan Miguel yung tray at inilapag sa may counter. Lumapit siya sakin at. Hinawakan yung noo ko tsaka yung leeg ko. Huh?

"Tsk.." Naiinis na ba talaga siya sakin?

Nakatingin lang samin sila Tita Carol.

Hinila ako ni Juan Miguel sa kamay. Nang mapadaan kami sa may sala napansin na ako o kami ng mga tao doon. Nakatingin lang din sila. Nagpahila lang ako kay Juan Miguel hanggang dalin niya ako sa kwarto ko.

Binuksan niya yung pinto at pagkapasok na pagkapasok pinaupo niya agad ako sa kama. "You're still sick, just lay down on you're bed. Napaka stubborn mo din eh no? Alam mo na ngang may sakit ka nagpapagod ka pa. Paano kapag lalong lumala yang sakit mo?" Napabuntong hininga siya. " Just take a rest okay?" I just nodded. He's right. Lalo pa tuloy akong nagiging pabigat.

Humiga nalang ako at pumikit. Naramdaman kong may naglagay ng kumot sakin at bimpo sa noo. Ang bigat na ng pakiramdam ko kaya nakatulog ako agad.

Dear Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon