Chapter 4

29 2 3
                                    

Chapter 4

Nagising ako sa liwanag galing sa bintana. Ang taas na ng sikat ng araw. Nang umupo ako biglang may nalaglag na bimpo galing sa noon ko. May sakit nga pala ako kagabi. Mukang wala naman na, magaan na kasi ang pakiramdam ko.

May ingay sa labas, parang nagkakatuwaan sila. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nandoon halos lahat ng tao dito, naglalaro sila ng volleball. Muka ngang ang saya saya nila eh.

Dati gustong gusto kong maglaro ng volleball. Noong highschool ako gusto ko sanang matuto kaya lang hindi pwede sabi ni lolo. Ang hina hina ko naman, paano raw ako matuto. Kaya nag aral na lang akong mabuti noon. Muka naman kasing tama siya.

Napatingin sa gawi ko si Priscilla. Ngumiti siya tsaka sumigaw. "Gising na si Ate! Tara sali ka samin." Napatingin naman silang laha sakin at natigil sa paglalaro. Nahiya ako bigla. Hindi parin kasi ako sanay sa ganitong atensyon galing sa madaming tao.

Nginitian ko lang sila tsaka umiling. Umalis na ako sa tapat ng bintana. Nakita kong may note na nakadikit sa pinto ng cabinet.

"Your clothes are here. Tell me if you need anything."

-Tita Carol

Binuksan ko yung cabinet. Ang daming damit. Halos lahat dress at mukang sukat na sukat sakin. Diba kidnap victim ako? Bakit ang bait ng mga kidnapers ko? Kung nandito si Nana Rosie, mas gugustuhin ko pang tumira dito.

Naligo na ako at nagsuot ng isa sa mga dress. Di naman gaanong kaiksi, sleevless at sunflower yung design. Pagkalabas ko walang tao. Siguro lahat sila nasa labas at naglalaro. Nang makarating ako sa Sala nagulat ako, nadoon pala si Juan Miguel.

"Kanina pa kita hinihintay." Pagkasabi niya noon hinawakan niya ako sa braso tsaka hinila papunta sa kitchen. Pinaupo niya ako isang stool sa may counter.Tinanggal niya yung takip ng nasa harap ko. Pagkain pala yun. "Kumain ka muna." Umupo siya sa tabi ko. Napatulala lang ako. Wag mong sabihin na papanoorin niya ako kumain? "What? Gusto mong subuan pa kita?" Natauhan ako ng magsalita siya kaya binaling ko na ang atensyon ko sa pagkain. Kahit naiilang ako hinayaan ko nalang.

Nang matapos ako kinuha niya yung plato tsaka hinugasan. "Ako nalang." Sabi ko sa kanya tsaka ako tumabi para kunin yung plato pero hindi niya binigay. "Ang kulit mo talaga. Hintayin mo nalang ako."

Pinanood ko nalang siya na maghugas ng pinggan. Parang sanay na sanay siya sa ganung gawain kasi ang bilis niya kumilos kaya di ko namalayan tapos na siya. Nakatulala lang kasi ako sa kanya.

"What?" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Nagtataka yung itsura niya ako din nagtataka din ako kung bakit ako natulala. Napansin niya siguro yun kaya hindi na siya nagtanong. "Tara na sa labas. Maglaro ka nalang para magenjoy ka."

Naglakad na siya paalis ng kitchen pero ako nakatayo parin doon. "Oy. Sabi ko tara na." Nagulat ako ng magsalita siya pero sumunod na agad ako.

Pagkalabas namin iniwan na niya ako at humiga siya sa duyan sa may puno ng buko. Nakatanaw lang ako sa kanya. Ano bang gagawin ko dito? Hindi naman ako marunong maglaro ng volleyball. Baka mainis lang sila kapag sumali ako.

"ATE!"

Biglang may tumama na kung ano sa ulo. Natumba tuloy ako. Ano ba yun? Nahihilo ako. Naramdaman ko na madaming tao ang nakapaligid sakin. Hindi ko maaninag kung sino sino kasi umiikot ang paninging ko at masakit din yung part na tinaman ng kung ano sa ulo ko. Marami ako naririnig na boses pero merong isa na nangingibabaw.

"Cat! Hey! Who threw that ball?!"

Di ko alam kung sino yung nagsasalita. Pagtapos ng ilang sandali umaayos na ulit ang paningin ko. Nagulat ako dahil ang daming nakapalibot sa akin. "Ah..anong nangyari?" Nakatingin lang silang lahat. Naramdaman kong may tao na nakahawak sakin at nasa tabi ko. Di ko alam pero biglang sumakit yung ulo ko na parang binibiyak. "AHH!" Napasigaw ako sa sakit. Anong nangyayari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon