Chapter 14

251 3 1
                                    

"Tao po! Taoo pooo!" Nandito ako sa tapat ng bahay ni ranz. Gusto ko sana sabihin yung sa pagmomodel ko kasi ngayon na ako maguumpisa. Pagtinatawagan ko naman siya nakakalimutan ko sabihin. Ayoko naman sa text. Kaya pumunta na lang ako sa kanila.

"Ay Trisha! Hinahanap mo ba si Ranz?" Pagkabukas ng pinto. Nakita ko si Manang Rosi. Katulong nila ranz. Tumango ako bilang sagot.

"Ay iha! Maaga siya umalis kasi may gagawin daw siya."

"Ganun po ba? Ano oras po kaya siya babalik?"

"Ay mga gabi na iha. Kagabi kasi 2am na siya dumating eh" Sobra naman yata pagtratrabaho niya. Sigurado akong pagod yun.

"Sige po. Salamat!" Umalis na ako pagkatapos nun. Maya maya photoshoot na namin. Siguro bukas ko na lang sasabihin. Lagi naman kami magkasabay mag church eh. Sure ako makakasama ko siya. Ngayon papaunta na ako sa studio.

11am kasi ang usapan eh. Pag dating ko doon, Ako na lang hinihintay. Kahiya naman, First day ko late ako. Buti na lang andyan si Megan!

"Saan ka ba pumunta ha? Late ka ng 15 minutes ah!" Sabi ni megan. Nice welcome

"Pumunta ako kay ranz para sabihin to. Kaso wala siya eh"

"Busy yung tao! ano aasahan mo."

"Miss. Megan it's your turn!"

"Grabe! Hindi pa ako nakakaupo ehh.. Sige una na ako!" Pumunta na siya sa set tapos pinicturan siya. Pose diyan pose dito. Ganda talaga ni megan.

"Ms.Lim!! Halika na dito. Magbihis ka na." Sinundan ko naman ung tumawag sa akin. Pinagbihis nila ako ng Neon Dress.. Ang Cute nga eh. tapos minake upan. Pinagsuot din ako ng 2 inch heels na neon din. I love neon! After nun, Pinalabas na ako. Pinagpose. Tapos nireretouch din ako after 3 shots. Next theme naman ay couple.

"Oy nasaan ang partner nito!"

"Andito na po ako!" Sigaw ni......

LUKE?!?!

Bakit siya nandito! Ano ginagawa niya dito! Model din siya. No wonder gwapo siya eh. Ibigsabihin partner ko siya!!

"Trish! Hahaha ikaw pala partner ko" Sabi niya pagkalapit niya.

"Bakit hindi mo sinabi na model ka pala!"

"Hindi mo naman tinatanong eh"

"Sir.Luke! Bihis ka muna"

"Sige bihis lang ako!" ^_^ Tumango ako bilang sagot. Habang naghihintay pinicturan muna nila ako. After a minute. pinagpahinga muna ako. Tagal naman nagbihis nun! PaVIP ang loko. Maya maya lumabas na din siya.

Ang gwapo niya!! Ehem! gwapo na talaga siya pero mas gwapo siya ngayon kasi nakaayos siya. Tapos naka red polo at jeans pa siyam Teka! ayan lang suot ang tagal magbihis. Tsss..

"Matunaw ako trish!"

"Kapal mo! Tagal mo naman magayos yan lang naman suot mo!"

"Sensya po. May kinausap lang sa phone kaya natagalan"

"Nakuuu! Girlfriend mo noh!"

"Hindi ah! Wala akong girlfriend"

"Weehhh?? gwapo mong yan wala kang girlfriend."

"ehh hehe Wala eh. may mahal siyang iba"

"Malas mo! hanap iba"

"Ginawa mo naman siyang trabaho! pagayaw sayo ng boss hahanap ka ng iba! hindi ganun noh"

"Oh sorry na! puso mo! "

"Hyper mo ngayon ah."

"Masama ba maging masaya?. Halika na nga. Let's make some posing posing." At pumunta na kami sa photographer para kuhanan. Hindi kami akward. Nagtatawanan nga kami eh. Binibiro din namin yung pose namin. Comportable na ako kasama siya eh.

Pagkatapos nun, Napagdisesyunan namin mag lunch together. I'm craving for pizza. Kaya pumunta kami sa shakeys since malapit lang yun sa studio.

"Nakakasawa pizza! I Hate Pizza!" Megan

"Hindi naman eh! Sarap kaya!"

"Edi umorder ka ng pasta! Hindi naman puro pizza ang meron sila eh"

"I can fell the smell kasi. kayo na lang dito. lilipat ako ng iba.Byeee"

"Artiii nito oh!"

"She hates pizza hu."

"Yah! Opposite kami niyan eh.. "

"Crazy! by the way, nasabi mo ba kay ranz?"

"Hmm hindi eh." Haayy oo nga pala di ko pa nasasabi. Ni text o call wala siya. Masyado siyang busy. Hindi ko nga alam ano ginagawa niya. Malaman ko na lang sa fan nila na may mall tour pala sila. Halos lahat yun. May pasok. Ibigsabihin hindi sila makakapasok?

"Oww.. oh ayan na yung food. Let's eat?" Ngumiti ako at kumuha ng pizza. Di bale bukas magkikita naman kami. Sana lang

---------------

A/N: Alam kong ang iksi at borinnggg! wala kasi ako sa mood. Next time paabutin ko naman ng 3 pages.

Vote and Comment Before UD

May 24,2013 @ 11:49pm

Forgive or Forget? (Ranz FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon