Chapter 24

122 7 1
                                    

"Tagal mo doon ha" Bungad ni meg sa akin pagkapasok ko. Isang oras na din akong nasa baba. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig at sinabi ni luke. Hindi halata saka niya na may nangyaring ganun sa buhay niya.

FLASHBACK

"It's about my life,love, and about you and me"

"Bakit naman ako nakasama?"

"Wag ka muna magsalita. Just let me talk" Tumango ako at iniintay na lang siya magsalita.

"Alam mo ba na wala na akong magulang?" Agad naman akong napatingin saka niya. Hindi ako makapaniwala. "Si mommy, namatay pag katapos ako ipanganak. Habang si daddy naman, namatay sa lung cancer nung grade 6 ako." Napahawak siya sa batok niya at mangingiyakngiyak na.

"Si mommy, hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko man lang naramdaman ang pagaalaga ng isang ina. Buti na lang andyan si daddy, lagi siyang andyan pag kailangan ko siya. Lahat ng kailangan ko binibigay niya. Close na close talaga kami daddy. Kaya nung nalaman ko na may sakit siya, nagkulong ako sa kwarto. Dinala na siya sa ospital pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Ayoko kasi makita si daddy na unting unting nanghihina tapos mawawala siya sa akin. Hindi ko kaya yun." Yumuko na siya at pinupunasan ang mga luha niya. Naawa ako saka niya. Kahit naman na nasa ibang bansa ang mga magulang ko ay buhay pa sila. Niyakap ko siya at hinayaang umiyak.

Masakit sa akin na makita siya umiiyak. Kaibigan ko si luke. Ayokong makikita ang kaibigan ko na umiiyak. Niyakap ko lang siya habang rinig ma rinig ko sya humihikbi na parang bata. Edi magisa lang siya sa bahay nila? Parehas lang kami na magisa sa bahay. Sigurado ako malungkot yun. Pero sa akin may magulang ako na tumatawag sa akin. Eh siya? meron kaya?

"Lahat na lang sila ay iniiwan ako trish" Nakayuko pa rin siya. Ayaw niyang makita ko siya umiiyak. "Kaya trish, wag mo ako iwan ha. Trish? pls?" Ramdam ko yung pagmamakaawa siya. Of course, hindi ko siya iiwan. Kaibigan niya ako.

"Hindi kita iiwan luke" Niyakap niya ako ng mahigpit na hindi na nagsalita. Sa akin niya lang ba binuhos ito? para kasing matagal niya na ito tinatago eh. Para kasing ang bigay bigay ng pakiramdam niya na pati ako ay nasasaktan. Nararamdaman ko yung lungkot niya.

Maya maya ay tumayo na siya. Pinunasa ang luha at ngumiti na siya na parang walang nangyari. Pero alam ko na pilit lang yun. Pinabayaan ko siya na maglakad palayo pero nakasunod pa rin ang mata ko saka niya. Pero bago pa siya pumasok sa sasakyan niya. Nagulat ako sa sinabi niya na dahilan para matulala ako.

"I love you trish"

END OF FLASHBACK

"Matulog na tayo meg" Humiga na ako at tumalikod saka niya. Masyadong madami ang nangyari ngayong araw. Hindi ko kaya ang mga naririnig at nangyayari sa akin.

"May nangyari ba?" Tanong ni meg na panigurado naka tingin sa akin.

"Wala, pagod lang ako" Sabi ko. Hindi na siya umimik na ramdam ko na humiga na siya sa tabi ko at pinatay ang ilaw.

Kinabukasan ay maaga ako gumising, gusto ko kasi tapusin yung notebook ng dalawa kong kaklase. Puyat din ako ngayon. Lecture ko nga, wala pa eh. Ang hirap.

"Aga gumising ha" halatang bagong gising. Nasa higaan pa si meg at nagaalis ng muta.

"Kailangan ko gawin to eh. Magayos ka na hoy!"

"opo mama" Tinapos ko ang isang lesson at bumaba na para kumain. Pagkatapos kumain ay tapos na maligo si meg kaya humarurot na ako sa cr. Pag labas ko ng cr. Tumunog yung phone ko

FROM: Baby ko <3

Baby, papasok kami ngayon. Pasok ka ha. Miss na kita. I love you!

-----

Forgive or Forget? (Ranz FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon