Chapter 22

120 3 1
                                    

The Next day, naisipan ko na pumasok. Ilang araw din akong hindi pumapasok. For sure na madami akong namiss na lessons at quiz.

Pag pasok ko sa school. May nagtitinginan at nagbubulungan. I don't know kung nandito ang chicser. Puro mall shows na pala sila. Nakita ko kasi yung schedule nila. Kakainggit kasi, Mga fans nila ang nakakalam. Samantalang girlfriend ni ranz, ni isa walang alam sa mall shows nila.

"Nakakainis talaga pagmumuka ng trish na yan!"

"I know girl! Urgh! sarap sabunutan"

"Mas maganda naman ako diyan!"

"Inagawan niya ako ng career!" Rinig ko pang sabi ng isa.

"What career?"

"Modeling?"

"Weeehhh?!" See, pati kaibigan niya hindi naniniwala!

"Tsss! Dapat kasi ako yung nasa pwesto niya! Kung hindi lang siya sinuggest ni megan. Hindi siya mapupunta diyan"

"Really?! Oh my! Mangaagaw pa pala yan!"

"I know! di hamak naman na maganda ako!" Tama na! Ayoko ng marinig lahat ng sinasabi nila, kaya naglakad na ako ng mabilis. Pumunta muna ako sa comfort room.

"Trisha lim" Pag kapasok ko may mga 3 girls ang andoon. Nagreretouch sila pero natigilan sila nung nakita ako.

"Bakit?" Sabi ko, Dapat pala pumunta na lang ako sa classroom ko. Mukang mapapahamak pa ako.

"Ikaw yung girl friend ni ranz diba?"

"oo bakit?" Taas noo kong sabi. Bakit? totoo naman diba?

"Confidence ha! Ano kaya ginawa mo at nahulog siya sayo?" Nakapangewang sila at nakataas ang kilay. Mean girls 3?

"Wala kayong alam" Aalis na sana ako kaso hinawakan ng isa ang braso ko.

"Saan ka pupunta?"

"Aalis na?!"

"Sumasagot ka pa ha!" kakainis to!

"Tinanong mo ako! tapos naiinis ka kasi sinagot ko!"

"War freak din pala to!"

"Alangan naman hindi ko ipagtangol ang sarili ko?!"

"Just shut up, girls, dalhin niyo siya diyan!" Turo niya sa isa sa mga toilets. Nagpupumiglas ako pero ayaw nila

akong bitawan. Hawak nila ako sa magkabilang braso.

"Don't you dare mess with our group trisha lim. And don't you dare! Go near ranz kyle"

"Girlfriend niya ako! bakit ako lalayo?!" At dahil doon nilubog nila ang ulo ko sa toilet. Urgh! Kadiri!

"Hindi mo ba napapansin na hindi naman kayo bagay! Lahat ay against sa inyo!"

"two words: nagmamahal kami! Hindi ko kailangan opinion niyo!" Nilubog na naman nila ako. Naiinis na ako ha. Nagpupumiglas na ako pero bakit ang lakas nila.

"Tigilan niyo ako ha! Urrgghhh!! Bitawan niyo ako" Sigaw na ako ng sigaw doon pero ayaw talaga nila.

"Nakakairita boses mo! Suntukin niyo nga!" Sinuntok naman ako ng isa sa tiyan. Babae ba to? ang lakas niya sumuntok!

"Ano ba kasi kailangan niyo?! Bitawan niyo na ako!" Sigaw ko. Pero sinuntok at nilublob ulit nila ako. Sumusobra na sila ha! nagtatanong lang naman ako eh!

"We want you to transfer. Umalis ka dito sa school. Ayaw namin makita ang muka mo, or else, magiging miserable ang buhay mo." At doon, binitawan nila ako. Gusto ko sumabat pero hinanghina na ako. At parang masusuka dahil sa ilang suntok na natanggap ko.

Forgive or Forget? (Ranz FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon