Chapter One: I have a stalker

1.4K 20 8
                                    

Chapter One: I have a stalker

"Subin Kim Ikaw na"

*Tinawag ka na ng audition director, nag-o-audition ka para maging trainee sa Woollim Entertainment sa kadahilanang gustong gusto mong makita at makausap ang pinaka-bias mong si Kim Myungsoo ng Infinite na since debut mo pa hinahangaan. As in obsession na.*

"Opo susunod na"

*Kinakabahan ka, Halos makalimutan mo na ang gagawin sa harap.*

"Magpakilala ka Ms.Kim" Sabi ng director 

"Hello po, Ako po si Kim Subin" 

"Ano ang kakantahin mo?" 

"Never give up po by Bang and Zelo" 

"Rapper ka ba?" 

"Opo" habang nanginginig ang boses.

"sige"

*Kumanta ka, este nag rap... pagkatapos ng audition,

"Next" 

"Hindi po ako natanggap?" 

"tatawagan ka nalang namin" ang laging linya sa mga auditions.

*Umalis ka at umuwi na ng bahay, kinakabahan, nagbukas ka kaagad ng facebook at twitter para makibalita sa Infinite, magka-comeback na sila, title track: The Chaser...

AFTER 2DAYS 

"RRRing" 

"Hello?" 

"Si Ms. Subin Kim ba ito?" Shemay, eto yung boses ng taga Woollim ah!

"Opo" 

"Pwede na po kayong magumpisa ng training by tomorrow" 

"Talaga po??!!!!"

(Binabaan na ako ng telepono, well I dont care naman kung babaan ako ng telepono, ang ikinatutuwa ko lang, e natanggap ako at isa na akong trainee ng woollim!!!)

Kinabukasan 

*Pumunta ka sa Trainee room kung nasaan nandun din lahat ng nakapasa sa audition, at nandon yung audition manager. 

"Since nandito na kayong lahat, Eto ang rules"

May idinikit siya sa may salamin at umalis. Nilapitan ko at binasa 

1.Bawal makipag-date 

2.Bawal ang cellphone pag may practice 

3.Kaylangan umuwi na pagkatapos ng practice 

4.Bawal pumunta sa ibang dormitory(i.e. Idols dormitory) 

5.Bawal ipagkalat sa kahit anong SNS na trainee ka.

Kung may nilabag kang isang kautusan dito, tanggal ka na.

(Napakahirap palang maging trainee, tapos halos 10 hours yung practice namin kada araw.. )

*Nagsimula kayo ng 9am, nagkaroon kayo ng lunch break, lumabas ka ng Practice room at may nakabungguan ka

"Sorry" 

"Okay lang"

*Lumingon ka, at nang makita mo, hindi ka makapaniwala! Si NAM WOOHYUN ng Infinite!! Pero hindi mo siya type, kasi si L ang type mo.

"Hello" Sabi ni Woohyun

*Di ka na nakasagot at tumakbo ka na palabas, kumain ka sa may pinakamalapit na kainan. 

*Nakalimutan mong itext yung landlady sa nirerentahan mo na gagabihin ka at wag i-lock ang gate, so kinuha mo yung cellphone mo... 

*Pero! Wala yung cellphone mo! Wala sa bulsa o sa bag mo... NAILAGLAG MO!!

My Bestfriend is an Idol (Infinite Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon