Chapter 10(Final): GoodBye Stage

759 30 21
                                    

Isa nanaman sa mga kalokohan ni Jayoon. Bwisit na Bwisit a ako, as In talaga. Lahat nalang, simula ng makasama ko siya, simula ng nasama ako sa grupong ito. Simula ng sumikat ako.

Wala akong magawa, gusto ko sana siyang sampalin hanggang matanggal yung ulo niya sa leeg niya pero kumg gagawin ko 'yun ngayon, sa harapan ni Manager, sigurado, baka makasuhan pa ako.

"Subin" sabi ni Manager Baek

Dali-daling tumayo si Jayoon at tumakbo sa taas na animo'y takot na takot.

"Wala akong ginawa!"

"Talaga?" sabi ni Manager,

"Magpahinga ka na, mag-uusap tayo bukas" sabi ni Manager, galit

Wala akong nagawa kundi ang sumunod at nagkulong sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Sa mga ganitong panahon, si Woohyun lang ang natatakbuhan ko: Nakakausap at nakaiintindi sa akin,pero ngayon na wala siya. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

Sa kaiiisip ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan, ginising ako ng vibration ng cellphone ko. May tumatawag.

"Hello?"

"Subin, pumunta ka ngayon sa office" sabi ni Manager Baek

"Opo"

Alam ko na ang mangyayari kaya hindi na ako nagulat pa.

"Jayoon, Alam ko naman na malaki na ang..."

"Diretsahin niyo na po ako"

"Sorry, pero tanggal ka na sa grupo, terminated na ang kontrata mo. And please wag ka ng dumalaw sa Hospital para dalawin si Woohyun, magkakagulo lang. Honestly, napaka-pasaway mong bata. Nung wala ka pa dito sa Woollim, hindi naman ganito ang lahat. Maayos"

Tumayo ka at bumalik ka sa dorm niyo para kuhanin ang mga gamit mo na nakahanda na sa labas ng kwarto mo dahil hinanda mo na yun kanina bago ka umalis. Mabuti nalang at hindi na lumabas si Jayoon para asarin ka dahil wala ka sa mood at baka makapatay ka pa ng tao.

Bumalik ka sa tinutuluyan mo. Nagbukas ng Internet.

Hindi ko na kailangan pang ikwento dahil alam niyo naman kung sino ang trending topic.

Twitter:

@Kyuzizi "Something odd"

Alam mong ikaw ang tinutukoy ng tweet na yun dahil alam ng infinite ang mga pangyayari na hindi mo kayang gawin yun. Para matahimik na, nag-deactivate ka ng Twitter and other Social accounts mo online, pati cellphone mo, papalitan mo na ang sim. Pero bago mo ito gawin

To:Woohyun

Woohyun, Sa panahon na mababasa mo ito, baka hindi mo na ako kilala o naaalala mo pa ako, pero hindi ko sa'yo masisigurado na magkikita pa tayo. Marami nang nangyari at napagdesisyonan ko narin na lumagay sa tahimik. Hindi ko man sayo naipadama pero gusto kita. At kung papalarin ay gusto kitang makasama habang buhay pero mukhang malabo na yun na mangyari. Wag mo na akong hanapin. Mag-Focus ka sa Infinite at tandaan mo na lagi ko kayong susuportahan.

To: Sunggyu

Gyu, Ikaw nang bahala kay Woohyun, masakit man pero kaylangan kong lumayo. Mag-ingat kayo palagi.

Pagka-send mo, dali-dali mong tinanggal ang sim dahil baka magbago pa ang isip mo at hindi mo pa ituloy

*********

After a month,

Lumipat ka sa Hongdae at currently enrolled ka sa isang University. Okay na si Woohyun, gumising na siya, nag-comeback nadin ang Eternity kasabay ng Infinite.

My Bestfriend is an Idol (Infinite Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon