After 2 months.
Nandito ako ngayon sa cafeteria ng kaibigan ko. Nagrereview dahil malapit na exam namen.
Bigla ko tuloy siyang naalala.
Si Gabskie. Ngayon ko lang narealize na mahal ko pala siya. Akala ko bilang kaibigan lang dati binalewala ko lang yon pero ngayon sigurado nako. Mahal ko si Gabskie ko. Bigla tuloy nagthrowback yung mga panahon na lagi siyang nasa tabi ko sa tuwing nasasaktan ako. Sa tuwing malungkot ako nandyan siya lagi. Tapos lagi niya pa akong pinagtatanggol sa mga nangaaway saken nung high school pa kame. Paano ko nga naman ba makikita yung mga ginagawa niya saken kung sa iba ako nakatingin? Kung nasa iba ang atensyon ko? Patuloy ako sa paghahanap kay mr. Right dati, diko namalayan na nasa tabi ko lang pala siya. Sayang. Ang tanga tanga ko talaga!!! Nakakaiyak dahil wala na siya. Wala na. Wala na ang bestfriend ko. Wala na ang mahal ko.
Kinuha ko yung picture namen sa wallet ko.
"Hello Gabskie. Kamusta kana dyan? Sana masaya ka kung nasan ka man. Lagi mokong bantayan ha? Mahal na mahal kita gabskiee. Miss na miss na kita." Sabi ko habang umiiyak. Lagi ko tong kinakausap eh haha parang tanga lang.
Wala na. Hindi mona maibabalik ang dati. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Saka mo lang malalaman na mahal mo ang isang tao pag nawala na siya sayo.
Mahal na mahal kita Gabskie.
Kahit hindi happy ending masaya nako dahil happy naman tayo nung una eh. Pati. Magkikita pa naman tayo sa langit diba gabskie? Love you gabskie.
Pero wala talagang happy ending!!! Dejk diko alam. Diko alam dahil hindi pa naman ito ang ending. Sabi nga ng iba. Hanggat hindi pa happy hindi pa ending.
"Hi miss. Pedeng makishare ng table?" Ano ba yan istorbo!!!
"A-ah. Ahm. Ah. Sure pede."
Goooosh ang pogi!!!! Bat ganto tibok ng puso ko?! Pangalwang beses ko na tong naramdaman! Una yung kay gab tas ngayon! Sheeeeet! Nagwawala yung puso ko!!! What to do?!
Itutuloy....
--
A/N : Hi guys! Whoooo! Tapos na ang one shot story ko. Sana nagustuhan niyo hehe. Wala talagang forever or happy ending!!!! Hahahaha dejk. Meron naman nyan. Gege thanks sa pagbabasa. Dont forget to comment and vote thankie thanksss lovelots 😘😘😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/51512878-288-k364083.jpg)