A/N: Hello sa inyo! Here's the chap 2! Hope you like it. <3
~♡~♡~♡~
Naglakad na ako papuntang elevator. Malapit lang naman yung FrappeShop. As in mga dalawang kanto lang kaya lalakarin ko na. Bumukas na yung elevator at pinindot ko na yung ground button.
Pagbukas ng elevator lumabas na ako at naglakad lakad. Napaisip ako. Sino kaya yung lalaking pogi kanina? Nakakaagaw pansin talaga yung kagwapuhan niya kanina sa elevator eh. Kung di ko lang talaga nahatak si bakla baka nagkaroon na ng scandal sa elevator nayun! Hahaha!
Mabilis ang mga pangyayari at ngayon ay papasok na ako ng FrappeShop at nagorder na ako ng dalawang Arriana Venti. Sikat na kape itong Arriana Venti dito sa kanila. Bumili narin ako ng dalawang slice ng cake.
Lalabas na sana ako pero may nakabunggo sakin. Ang malala? Natapon yung kapeng hawak hawak ko! yung damit ko ang lagkit lagkit na! Nilingon ko yung antipatikong lalaking bumangga sakin.
Shit!
Siya yung lalaking pogi sa elevator kanina! How dare he?!
"Hoy lalaking nakasuit! Tingnan mo tong ginawa mo!" Lumingon siya sakin. Mukhang di pa siya nagulat sa kalagayan ko! "Tingnan mo tong damit ko oh! Bakit ka ba namamangga ha?" Pagtataray ko sa kanya.
Hinarap niya ang sarili niya sakin lumapit sakin. Ang tangkad naman netong kumag nato. Oh sadyang pandak lang ako? Pero kahit na!
"Miss? Sino kaya yung nakaharang sa daan kaya siya nabunggo?" Aba! So ako pa may kasalanan?
"Excuse me. Ikaw kaya tong kung makatakbo akala mo mauubusan ka ng kape dito! Tingnan mo! Ang dumi dumi na ng damit ko saka yung kape ko! Palitan mo yung kape k--"
Lumapit siya ng lumapit sa akin. Bakit siya lumalapit?!
"O-oy anong gagawin mo? Bakit ka lumalapit?! Oy tigilan mo ko subukan mong lumapit!" Banta ko sa kanya. Ang lapit na niya sa akin! *thug* Shit. Na-trap na ako sa pader di ako makatakas. Sobrang lapit pa niya. Naamoy ko na yung hininga niya! Ayoko na!
Pumikit ako. Narinig ko siyang lumagapak ng tawa. W-what the?!
"Hoy! Anong tinatawa mo diyan?! Di mo ba nakita tong ginawa mo?" Sigaw ko sa kanya."Hahahahaha! You're funny Miss. May papikit pikit ka pang nalalaman. Anong akala mo? Hahalikan kita? Hahahaha!" Sabi niya sakin.
Aba! So ako pa may kasalanan? Ako pa assuming?
"Anyway. Miss pwede kong palitan yan kung gusto mo," sabi niya.
Tinulak ko siya. "Wag mo ng palitan! Atsaka excuse me? Hindi ako assuming noh! Makaalis na nga." Inayos ko na yung sarili ko. Ang kapal ng mukha niya.
Bago ako lumabas may pahabol pa ako. "Hoy!" Lumingom siya. Nakangisi pa. "Lagot ka sakin kapag nagkita na ulit tayo!"
"Sure." Tanging sabi niya.
"Che!"
***
"Anong nangyari sayo te? Bakit ang dumi dumi mo? Bat naligo ka sa kanal?" Bungad sakin ni bakla pagkapasok ko sa department namin.
"Seryoso bakla? Di ako naligo sa kanal! Anong gagawin ko dun no? Baliw ka ba?" Sabi ko sa kanya. Hello? Ako maliligo dun. Kadiri naman tong baklang to.
"Eh bakit ka ganyan? Atsaka asan na yung kape ko?" Tanong niya.
"Speaking of kape.." then kinuwento ko na yung nangyari
Sa shop. Habang kinukwento ko tawa siya ng tawa kasi kawawa daw ako?"Grabe.. hahahahaha! Kawawa naman yung pogi inaway mo!" Seryoso, sino ba talaga kakampi neto? Ako o yung antipatiko na yun?
"Edi dun ka na sa kanya. Magsama kayo habang buhay!" Sabi ko.
"Ay. Thank you te! Sa wakas may boylet na ako!" Sinamaan ko siya ng tingin. Ang landi talaga nito kahit kelan. "Joke lang te! Sayo parin ako noh. Friends forever tayo te," sabay yakap niya sakin.
"Eww! Kadiri ka! Layo ka nga sakin! Hahahaha" taboy ko sa kanya.
"Ayan. Pareho na tayong mukhang naligo sa kanal te." Baliw neto. Parehas na tuloy kaming may kape sa damit. Loka loka. Hahahaha! Maituloy ko na nga yung ginagawa ko ng matapos na.
***
"Officemates! bababa daw ang boss natin at magiikot ikot sa mga department! Ayusin nyo na daw mga sarili niyo. Be presentable" sabi ni Trisha, assistant siya ni Mrs. Neri. Medyo mabait naman siya ng kaunti kesa sa head namin.
"Uy te. I'm so excited na to see fafa boss!" Kilig kilig pa na sabi niya.
Napailing ako sa sinabi niya. Kahit kelan talaga. Parang ayaw magsawa sa mga lalaki.
Para sakin kasi ang mga lalaking yan? Pampagulo lang ng buhay. Pag nagkaroon ka ng relasyon diyan dadagsain ka ng samu't saring problema. Ako na bitter. Hahaha!
"Cr lang ako bakla." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya kasi ang dami niyang ginagawa.
Pagkadaan ko sa CR namin out of order. Edi kailangan ko nalang umayakat para makapag cr.
Umakyat na ako sa 15th floor at dumeretso sa cr. Pagkapasok ko dumiretso na ako sa cubicle. Nakarinig din ako ng taong papapasok dito kaya pinakinggan ko nalang sila.
"Grabe shems! Ang pogi pogi nung bagong boss natin! Kyaaaaaaah! Kung pwede lang sana siyang sabihan na 'anakan mo ako please!' Ginawa ko na! Hahahaha!" Sabi nung isa. So bale, dalawa sila.
"Bes ang landi mo naman! Pero syet ang gwapo niya talaga! Kaso bes. Medyo masungit siya." Parang nanghihinayang niya pang sabi.
Lumabas na ako sa cubicle at dumiretso sa lababo. Naririnig ko parin silang naguusap.
"Ang bilis nga niya sa department natin eh! Kinausap lang head tapos bumaba na. Sa tingin ko nasa 14 na yon!" Sabi nung isa.
What? Department ko na yun ah! Hala! Kailangan ko ng mauna para makita siya!
***
Pagkabalik ko sa baba narinig kong nagpalakpakan ang mga kadepartment ko. Nandun na ata ang new boss! Pumunta na ako sa kanila para makita na siya. Nakita ko si bakla na kilig na kilig habang kausap ni Mrs. Neri yung new boss namin. Oo nakita ko na pero nakatalikod siya.
Hmm, parang pamilyar siya sakin. Nakasuit siya na black eh.
"Okay sige. Balik na kayo sa tables niyo at ituloy ang mga trabaho." Sabi ni Mrs. Neri. Wow! Ang hinahon magsalita porket andyan ang boss. Napansin ako ni Mrs. Neri."Oh, Ms. Alonzo? I would like to introduce our new boss. Mr. Cj Delostrinos." Sabi niya sakin. Unti unting lumingon yung lalaki at nagulat ako.
"IKAW?!"
"What a nice welcome to me, Ms. Alonzo" naka emphasize pa yung apilyido ko! No... hindi to totoo!
Siya yung nakasuit na lalaking kasabay namin ni bakla at yung inaway ko sa Frappeshop!
Nakangisi na siya ngayon.
Paktay!
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen Fiction"Hindi yata tayo para sa isa't isa. Siguro para sa ikabubuti ng ating sarili kailangan natin tong gawin." Tinitigan ko siya. Nagbago na talaga siya. After three years ng aming pagsasama, magiging ganito siya. Siguro, long distance relationships ar...