~♡~♡~♡~
Hindi talaga ako makapaniwalang siya yun! After all people, siya pa! Boss ko pa yung nakasagutan ko sa FrappeShop! Di na ako magtataka kapag pinalayas niya ako dito.
"Uy te. Tahimik mo ata?" Tanong sakin ni bakla. Andito kami ngayon sa reception area. Naglalog out na.
Buti nga eh natapos namin sa tamang oras yung papers kaya wala na ulit masyadong gagawin bukas.
"Paano ba naman kasi diba? Siya yung boss natin! Baka tanggalin niya ako! Saan na ako maghahanap ng trabaho diba?" Paliwanag ko sa kanya.
Totoo naman kasi eh. Magulat nalang ako, wala na yung name ko sa attendance tapos kakaladkarin pa ako palabas para maipamukha saking wala na akong trabaho dito. Paano kaya kapag nangyari yun?
"Te di yan! Mukha naman mabait si Sir Delostrinos eh. Ang gwapo gwapo pa!" Yan nanaman siya. Puro nalang lalaki nasa isip. Tsk!
"Ewan ko sayo," irap ko sa kanya.
Natawa lang ang bruha. "Alam mo te? Ikain mo nalang yan ng mawala na galit mo. San mo gusto kumain?" Yaya niya.
Siguro nga. Ikain ko nalang to ng hindi na ako magalit. Hahaha
***
Pumunta na kami sa JBee's resto para kumain ng dinner. Kahit papaano inaaliw ako nitong baklang to.
"Knock knock!" Sabi niya. Magpapatawa nanaman to.
"Oh? Who's there?"
"Tatlong halik!"
"Tatlong halik who?"
Nag-ehem ehem pa siya na akala mo super galing na singer.
"Mwah mwah mwah dont like you she everyone!~ hahahaha!" kanta niya. Ang corny! Mali pa yung lyrics!"Bakla mali ka! 'My mama dont like you but she likes everyone kasi' yun. Shunga lang?" Pambabara ko hahaha!
"Ay sorry na te. Ikaw na magaling. Sige nga ikaw naman magknock knock!" Aba hinahamon pa ata ako nito!
Hmm? Ano kayang maganda...
Alam ko na!
"Osige! Knock knock!"
"Aba ang bilis te ah! Osige who's there?"
"Maraming halik!"
"Madaya! Gaya gaya ka ng knock knock te."
"Anong madaya dun? Sa iyo tatlo lang. Akin maramin noh!" Paliwanag ko. Baliw kasi yan eh.
"Osige. Maraming halik who?"
Huminga muna ako ng malalim.
1
2
3
Go!
"Mwah mwah mwah mwah mwah mwah yo quero! Mwah mwah yo quero! Mwah mwah yo quero mwah mwah! Pfft. Hahahahaha!" Natawa siya sa knock knock ko! I win! Hoooh! Pano ba naman? Sinayaw ko pa habang kumakanta! Edi benta! Hahaha!
"Laftrip ka te! Ikaw na panalo Hahaha!" Sabi niya
Di ko rin mapigilan yung tawa ko! Tawa lang kami ng tawa habang kumakain. Parang baliw lang to. Hahaha!
"Oy te meron pa ako!" Sabi niya. Aba? Hindi ata ito mauubusan.
"Osige. Who's there?"
"Amo ni juan te!"
"Amo ni juan te who?"
"Gaga! Di kasama yung te!" Nagaga pa ako.
"Oo na! Go na!"
"Amo ni juan call way, i'll be there to save the day! O pak! 360! Hahahaha!" Tawa niya.
"Kakornihan mo talaga bakla! Hahahaha!"
"Anong corny! Tapos tumatawa ka? Labo mo ah?"
Oo nga naman. Hahaha!
***
After that knock knock challenge namin ni bakla, umuwi na kami. Pagod din kasi eh. Pagdating sa dorm namin pumunta agad ako sa kuwarto ko. Nagopen ako sa laptop and I checked my social media accounts. Inuna ko yung facebook.
32 notifications
9 messages
13 friend requests.
Ang daming notifications. Hindi naman ako masyadong nagpopost eh. Siguro mga game requests nanaman yang mga yan.
Tiningnan ko yung friend request. May nahagilap akong kagulat gulat!
Cj Delostrinos wants to be your friend.
Hell? Nangbunggo na nga siya kanina, hindi nagsorry tapos ia-add ako dito sa facebook?! Bahala siya!
Dinecline ko.
1 message received.
Kanino to? Hindi naman ako masyadong kumakausap sa friends ko pero sige na nga.
Cj Delostrinos
Go to my office tommorow or I'll fire you. 9am. Sharp.
Tae! Pinapunta niya ako sa office niya? Ano nanamang ipapagawa sakin nung bakulaw na yon? wag kaya akong pumunta? Kaso hindi. Baka mawalan ako ng trabaho dito. Mahirap pa namang maghanap ngayon.
Tsk. Shinut down ko na yung laptop at tinabi sa lamesang nasa gilid ko. Makatulog na nga lang!
~♡~♡~♡~
Ala-una na. umaga na pala.
Hindi ako makatulog ng maayos. Hindi talaga ako makapag desisyon kung pupunta ako sa office niya! Pag hindi kasi ako nakapunta paktay ako. Trabaho ko ang mawawala.
Dumating ang umaga na hindi ako nakatulog. Mukha tuloy akong zo,bie pag tingin ko sa salamin.
"Ay te! Anong itsura yan?! Mukha kang zombie na hindi napakain for 100 days! Natulog ka ba ha?" Bungad sakin ni bakla sa kusina.
"Hindi nga eh. May sasabihin ako sayo bakla."
"Ano yun te?" Lumapit siya sakin
"Pinapapunta ako ng Boss natin sa office niya mamaya."
"Talaga?! Swerte mo te! Makakausap mo siya ng matagal!" Kinikilig nanaman siya.
"Hindi ako swerte no! Kasi kapag hindi ako pumunta, mawawalan ako ng trabaho!"
"Eh? Edi pumunta ka nalang para hindi ka na mawalan ng trabaho. Kaya ba hindi ka nakatulog kasi iniisip mo sya? Ayiiee!" Tinutulak pa ako ng gaga!
"Oo yun ang dahilan pero hindi siya! Yung trabaho ko kasi! Hoy bakla tumigil ka. Magluto ka nalang diyan ng makaalis na tayo.
"Ayiiie excited siya oh!"
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen Fiction"Hindi yata tayo para sa isa't isa. Siguro para sa ikabubuti ng ating sarili kailangan natin tong gawin." Tinitigan ko siya. Nagbago na talaga siya. After three years ng aming pagsasama, magiging ganito siya. Siguro, long distance relationships ar...