"Hong togol nomon." Ang napapagod ko ng bulong sa sarili."ppllllaaaaanggggkkk...!" ang isang maingay na pagbagsak ng tila stainless na lata.
"Anu yun?!" ang nag-aalala kong tanong sa aking sarili. "Ayy sayang naman manong ung taho. Nakabenta na ba kayo? Tulungan ko na po kayo."
"Salamat boy haaa.." ang sabi ni Manong.
"Bingo po Kuya, bingo ho ang pangalan ko." Ang pakilala ko kay Manong.
"Salamat Bingo, Saan ka ba patungo?" ang tanong ni Manong.
"Ahhh papunta po ako sa susunod na baranggay, may pinapahatid po kasi yung Teacher ko sa akin dun sa isang taong kakilala niya." Ang paliwanag ko.
"Ganun ba, abay sumabay ka na rin sa akin, dun din ako papunta. Pauwi na rin naman ako."ang pag-aya ni Manong.
"Sige po!" ang sagot ko.
Sumabay nga ako kay Manong papunta sa kabilang baranggay. Tinulungan ko rin siyang buhatin ang ilan pa sa mga dala-dala niyang mga gamit liban sa malalaking lata ng taho.
"Bayad po bosing." Ang sabi ni Manong
"Wag na po Manong, wag na po... wala na nga po kayong masyadong kinita dahil sa pagkatapon ng paninda niyo eh." Ang sabi ko.
"Hindi naman sa kinita ko binabatay ang pagtulong sa iba eh, mapalad pa rin ako Bingo kasi kahit papaano kumita ako at yung kinita ko hindi ko ipagdadamot o itatago as mga taong may mabubuting loob. At saka pasasalamat ko na rin ito sa pagmamabuti mong loob sa akin, sa pagtulong mo. kaya hayaan mo nang ilibre kita." Ang paliwanag ni Manong.
"Kung ganun po, maraming maraming salamat po." Ang masaya kong pasasalamat kay Manong.
"Narito na pala tayo. Mauuna na akong bumaba sa iyo. Yung sakayan ng tricycle nandun sa susunod na kanto. Papunta na yun sa Brgy. Kapayapaan. Maraming salamat uli sa pagutlong mo." ang pagpapasalamat ni Manong.
Eto na, isang sakay na lang at makakarating na ako sa pinasuyo ni ma'am Zandra. Malaki na rin ang naitipid ko dahil sa mga taong nakasabay ko papunta sa mga destinasyon na dapat kong puntahan ngayo'y isang sakay na lang at naroon na ako.
BINABASA MO ANG
Si Bingo at ang Tatlong Pung Pisong Paglalakbay
Short StoryTingnan natin kung hanggang saan aabot ang tatlong pung piso ni Bingo. :)