"Para po! Sa tabi lang po."
"Sa tabi lang ba??"
"Sige ho, try niyo sa gitna nang mahuli kayo ng MMDA."
"Sige sa tabi na lang.."
"Madali ka naman palang kausap eh."
Nagmamadali akong bumaba . late na ako sa school. Si manong, haaaaguyyy.. ginuo.. lahat ng kanto ginagawa niyang terminal... tig-te-ten minutes kada kanto. Ang dating 20 minutong biyahe ko ay inabot ng isang oras. Balak pa ata akong patayin dahil ibaba ako sa gitna kung saan tumatakbo ang malalaking traktora na naghahatid sundo sa mga semento at batong nang gagaling sa Hi-Cement.
Buti na lang...
"Good morning teacher, Good morning classmate. Im sorry Im late."
"Bingo..! ikaw na naman? Maling seksyon ang pinapasukan mo... sa kabilang kwarto ko." Ang bati ni Ma'am Herrera.
Pahiya... tumigil ang oras ko, nandun pa naman ang crush kong si Matet.
"Practice lang.. " ang sagot kos abay sibat.
"Pasensya na po late ako ma'am."
"eh anu pa nga ba, sanay na ako. sige pasok pero minus ten ka sa quiz mamaya, minus ten sa periodical test at sa project mo, at pagnainis pa ako... naku.. sige maupo ka na. kumuha ka nang manila paper at punuin yun... lagay mo: I WILL NEVER EVER EVER EVER EVER BE LATE AGAIN EVER IN MY ENTIRE LIFE.Tatlong EVER yun haaa.. Ballpen lang gamitin mo yung HBW."
Wag kang mag-alala... hindi pa naman ako binabagsak ni ma'am... ang tagal nga ee. Nanatili pa rin siyang mabuti at mahabagin sa akin. Pagkatapos ng klase ay madalas akong kausapin ni ma'am tungkol sa pagiging late ko, sa mga exam na hindi ko naipapasa at sa pagiging matamlay ko raw sa klase. Katulad ng ginagawa niya sa iba pang mga kaklase ko.
Hindi ko talaga maitatago sa mata ni ma'am Zandra ang mga lihim ko. Ang bigat sa kabila nang lahat ng patawa at ngiti ko.
"kamusta ba?" ang tanong ni ma'am Zandra.
"Ayos lang po ako ma'am ehe." Ang sagot ko sa kanya.
"Bakit ganyan ang mga mata mo?" ang tanong niyang muli.
"may muta po ba ako? sore eyes? Katarat? Wala namang ganyanan ma'am." Ang pilyo kong sagot.
"loko ka talaga... hindi iyon ang ibig kong sabihin... nitong mga nakakaraan kasi ang lungkot mo. ang tamlay ng boses mo, hindi katulad ng dati na sumasabog, madalas ka pang late... anu na bang nangyari, anu ang nagpabagsak sayo? Anu ang nagpahinto sayo?" ang seryoso ng tanong ni ma'am Zandra.
Yumuko ako... tumahimik saglit... iniisip ko kung dapat ko bang sabihin o pagkatiwalaan si ma'am... nakakaalangan... nakakakaba... anu bang maitutulong ni ma'am? Pero anu bang mawawala.
"Ang tagal namang sumagot nito... bilis..." ang pamimilit ni ma'am Zandra.
"Eto na nga po eh, kasi po ma'am... out of stock na kami eh. Nawalan na po ng trabaho si papa, si mama po tinanggal na rin sa trabaho. Malapit na pong maubos nag lahat nang naitabi nila, dinig na dinig ko po ang usapan nila papa't mama na hindi na raw po ako makakapag-kolehiyo. Bakit ganun. Bakit kailangan mawalan pa sila nang trabaho, hindi naman sila nagnanakaw, nagbabayad sila ng tax pero bakit kung sino pa ung nagtratrabaho ng maayos sila pa yung nawawalan, yung mga nagpapahalaga sila pa yung nauubusan." Ang malungkot kong paglalahad.
Ngiti lang ang sagot ni ma'am Zandra. Nagtaka rin ako sa reaksyon niya, hindi ba't mabigat na problema ang sinabi ko? Pero nakuha pa niyang ngumiti. Tila may naisip siya, kung anu man yon... hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Si Bingo at ang Tatlong Pung Pisong Paglalakbay
Cerita PendekTingnan natin kung hanggang saan aabot ang tatlong pung piso ni Bingo. :)