MAAM ZANDRA

8 4 0
                                    



                Lumabas na ako sa bahay ni Mang Lando, mag-gagabi na. masaya akong uuwi, hopeful for a greater future lalo na ngayong I entrust it to our Mighty God. Paglabas ko... nakita ko si Ma'am Zandra, nakatayo siya sa harapan ng bahay ni Mang Lando.

                "Tara uwi na tayo." Ang aya ni ma'am Zandra.

                "Ohhh ma'am bakit nandito po kayo? Hindi po ba't umuwi na kayo?" ang tanong ko

                "Oo nakauwi na ako, dyan nga ang bahay namin sa pinasukan mo." ang sagot niya.

                "Talaga po? Eh kaanu-ano niyo po si Mang Lando." Agn tanong ko.

                "Si Mang Lando, siya ang umampon sa akin. Bata pa lang ako ng maulila ako, at kahit mahirap ang buhay niya hindi siya nag-alinlangan na arugain ako at pag-aralin. Nagtrabaho siya ng mabuti para matustusan ang pag-aaral ko, hanggang sa mabulag siya... pero hindi ko siya nakitang nalungkot o nadisappoint twing mapag-uusapan namin ang kakulangan ng pera, nagpe-pray lang kami, we just trust in God  and we believe in His promise na He wont leave us nor forsake us. And He is true to His words, here I am now, ganap na guro... and my purpose is to share yung love ni God at ang kakayahan niyang punan ang lahat ng pagkukulang meron tayo. Salamat sa pagtitiwala mo Bingo. Nawa'y nakatulong sayo ang tatlong pung piso mong paglalakbay." Ang paliwanag ni Ma'am Zandra.

Si Bingo at ang Tatlong Pung Pisong PaglalakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon