Mission Three

6 2 0
                                    

Sapphire’s P.O.V.

“Late ka na namang umuwi. Diba I told you to go home after your classes. I called you pero out of coverage area ka!”

Sigh! Naka business suit nap ala siya and ready to go.

“Sorry dad, nag low bat kasi ako, nalimutan kong i-charge at saka may pinagawa sa kin si Ma’am Mercedez.” Ini-off ko talaga para walang ingay at di ako gumagawa ng kahit ano para kanino.

“Bakit hindi ka na lang nakitawag para magpaalam man lang? Your thirty minutes late!”

“Low batt din silang lahat.” And advance ang relo niyo, 25 minutes late lang ako.

“Out of 37 students, low bat talaga lahat! Wag mo kong pinagloloko sapphire!”

“35 lang po kami dad.” Hahaha….inis na siya. Namumula na si daddy, that’s why I like it when his turning red.

“wag mo kong sinasagot sagot bata ka at baka—“

“Eh di wag rin kayo tanong ng tanong kasi.”

“Aba’t sumusobra ka na ---“

“Albert tama na yan!” nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

“Lola!” ang lola ko ang takbuhan ko mula pa noon, isa siya sa mga pinakapaborito kong tao sa mundo. Kahit papaano ay natatakot din si daddy sa kanya, and take note, 86 years old na ang lola ko pero malakas pa rin, may pagkakataong humihina siya pero bumabangon muli. Idol ko yan!

“Ma naman. Kaya tuloy lumalaking walang disiplina yang batang yan kasi kinakampihan niyo lagi..” inis na tugon ng daddy ko, wala siyang nagawa kundi napakamot na lang sa ulo at tumalikod sa’min at nagsimulang maglakad papalayo.

“Albert anak….sana naman, kahit konting oras lang, magkaroon ka sa pamilya mo.” Mahinang pahayag ni lola habang mataman na tinititigan si daddy.

Tanging buntong-hininga lang ang sagot ni daddy at lumakad na. bastos din yun ha tapos magtatanong kung saan ako nagmana? Aba naman! Kanino ba’ko nanggaling?

“Kumain ka na apo at baka malipasan ka, ako’y magpapahinga lang muna sa itaas ha….mahirap na talga lalo na kapag matanda ka na.” nakangiting saad ng lola ko at nauna ng pumanhik sa hagdanan.

“alalayan ko na po kayo la.” I suggested. Hep hep! Sa lola ko lang ako magalang.

“hindi, wag na, kaya ko na to Sapphire.” She said and slowly took a step in the stairs.

Nang pumunta ko sa kusina para utusan ang katulong namin na magpapatimpla ako ng gatas ay wala sila….saan na naman ba pumuta ang tatlong katulong naming at ni isa ay hindi man lang present.

Kumuha na lang ako ng carrot shake sa ref at custard cake. Habang kinakain ko to, naaalala ko si lola.

Mahilig siya at masarap magluto ng custard cake, ginagawa niya to nooong medyo mas malakas pa siya. Namimiss ko na ang luto niya, hindi rin naman ako pwedeng mag request dahil matanda na ang lola ko, 86 years old and still strong pa rin. Biro niya nga, aabutin daw niya hanggang 100. Lola talaga! Minsan lang siya bumibisita dito kaya I make sure it’s worth it.

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil dumeretso na ko sa kwarto ng lola ko.

“Oh apo. May kailangan ka ba?” nakangiting tanong ni lola, kasalukuyang naka bestida siya at naka upo sa dulo ng kama.

“Umm….wala naman po lola….gusto ko lang sanang tumabi sa inyo.” Diyos ko po. Ang tanda tanda ko na.

Narinig kong napatawa si lola ng mahina.

“Ang apo ko naglalambing. Halika dito.” Nilahad ni lola ang kamay niya at tumabi na ako sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. Nakangiti siyang nakapikit ang mata hanggang sa may naisipan akong itanong. Bihira rin kasing magkwento ang lola.

“La, noon po ba, si  lolo lang talaga ang minahal mo at wala ng iba?” di ko alam kung ako lang ba yon o namamalik mata lang ako.

“Noon, tulad mo, 16 taong gulang ako ng una akong natutong magmahal. Sa isang lalaking ubod ng kagwapuhan…mabait siya at maypagka mayabang. Magkababata kami Sapphire, magkasamang lumaki hanggang sa isang araw, sinabi niya ang tunay niyang nararamdaman sa kin kaya sinabi ko na rin dahil baka mahuli pa. sabay naming inukit ang mga pangalan  naming sa isang puno at mula noon, yung lugar na yon ang nagging paborito kong pasyalan. Nagkaroon kami ng tagong relasyon. Memo ang tawag ko sa kanya, ang ginagamit kong palayaw dahil sa bawat araw, kasama ko siya sa pagbuo ng memories kaya memo. Ang saya saya noon apo.”

Mahabang saad ni lola.

“Ano pong nangyari? Nakilala niyo na rin ba si lolo noon?”

“isang hapon, habang namamasyal kami sa dagat ay tinawag ako ng mama, may ipinakilala siya….at yon ang lolo mo.”

‘Ang sweet naman la….naagaw ni lolo kayo sa kanya…ipinaglaban niya. Idol!” natutuwa ako pero di ko makita ang kislap sa mata ni lola, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mapupulang labi.

“Ipinakilala ang lolo mo bilang pakakasalan ko pagdating ng 18th birthday ko. Di tumigil ng panunuyo ang lolo mo ganun din si Memo. Mahal na mahal ko si Memo kaya nawasak ang mundo ko ng isang gabi…di siya pumunta sa usapan namin.” Nakita kong naluluha si lola, parang sariwang-sariwa pa rin ang sakit. Nakokonsensiya ako kung bakit ko pa itinanong.

“Plano namin sa gabing yon na tatakas kami sa lahat, magsasama at di na muling babalik pa. kahit umuulan noon, nakasilong ako sa puno kung saan namin inukit ang mga pangalan naming, kung saan nangako kami na magmamahalan habang-buhay….pero di siya tumupad. Iniwan niya ko at di na  muling nagbalik pa.”

Tuluyan ng tumulo ang luha ng lola, di na niya ito napigilan pa. Sorry lola kung itinanong ko pa.

His MissionWhere stories live. Discover now