Mission Five

6 2 0
                                    

The Angel’s P.O.V

Helo! Halos isang oras na kaya ako ditong naghihintay, wala pa rin siya. And dilim-dilim na. Kasalukuyan kong pinapraktis ang sasabihin ko pag magkaharap na kami….ahem ahem. Practice lang.*cleared throat*

“Hi Sapphire! Ako angel mo! *insert smiley* ang baduy!

“Helo *wave* kilala mo ko? Ako ang angel mo na pinababa ng Diyos para bantayan at baguhin ka!” erase erase…

Parang nasa movies lang. ang corny ko. Sige sige ito na. seryoso na to.

“cough*

“Alam kong galit ka sa’kin tungkol noon at kanina. Di ko sinasadya na magmukha kang tanga doon kanina. Sorry doon pero ikaw naman kasi eh, may tinitingnan lang naman akong magandang chicks sa ibaba tapos biglaan mo naman akong iniharap sayo, syempre magugulat din ako kahit lalaki ako. Pero tapos na yon, wala na kong magagawa.”

*heavily breaths*

“Ang totoo niyan, anghel ako. Ipinadala para protektahan ka at ilagay sa tamang landas dahil napapariwara ka na. masyado ng nabalot ng inggit, galit, at pagkamuhi ang puso mo na maski ikaw, di mo kayang i-define ang tunay na ikaw. Nandito ako para tulungan kang hanapin ang sarili mo at ipaintindi ang halaga ng buhay at ang pagkakaroon ng magandang ugali Sapphire.”

Tama! Ito yung sasabihin ko sa kanya. Seryoso nay un ha, ano nga ulit yong intro - - -

“Ganun?” teka? Sino yung nagsasalita? Babae yata eh. Hindi naman ako.

Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa “practice” ko na lang.  

“Makakabuti to sa’yo  Sapphire. Para rin to sa’yo at - -

“Nagpapatawa ka ba?” ayan na naman! May epal. Nagkibit-balikat na lang ako at seryoso mode ako ngayon ha. Minsan lang to.

“Wag ka ngang mangialam, kita mong nagcoconcentrate yung tao tapos inaabala! Respeto naman diyan!” sigaw ko pabalik.

“Sapphire….sana maunawaan mo to. Alam kong naguguluhan ka pero sana, bigyan mo ko ng pagkakataon para magpaliwanag at sana maniwala ka sa’kin. Wala akong hangarin na masama”

Natapos rin. Final na to talaga. Ito yung sasabihin ko dahil ito yung totoo. Angel’s don’t lie. Hay…ang sarap sa pakiramdam yung alam ko na ang sasabihin ko at - - -

“Kanina ka pa diyan?” nandiyan na pala siya! Di ko man lang namalayan. Nag-aabang pala siya sa pagharap ko kasi nakatalikod ako mula sa kanya.

Tinaasan niya ko ng kilay at parang sinasabing “common sense dre?”

“N.na-narinig mo ba? Lahat ng sinabi ko, narinig mo ba lahat?”

Ngayon, itinaas na naman niya ang kaliwang kilay na parang sinasabing “common sense ulit dre”

“Sabi ko na nga ba eh. Pero yun talaga ang totoo. Alam kong naguguluhan ka sa ngayon at maraming katanungan pero sasagutin ko lahat yun Sapphire.” It’s like I’m begging for her just to believe me.

.

.

.

“Bwuahahahaha! Hahahaha! Nyahahaha!” ba’t siya tumatawa? Tumigil siya at tiningnan ako. “Mwuahahaha! Hahaha! Grabe, laughtrip!”  yuyuko siya tapos muling tatayo pero patuloy pa rin sa pagtawa. “kakalabas mo lang bas a mental o sa rehab? Kasi kung oo, papatawarin kita sa lahat ng atraso mo. Hahahaha!” aba aba! May pahampas-hampas pang nalalaman. Close tayo agad?

His MissionWhere stories live. Discover now