Encyclopedia as your Face

23 3 0
                                    


______________

*Chapter 3*
______________

Hay nako! Bakit ba nandito tong lalaking to? At mukhang gulat na gulat pa sya? Eh haler bahay ko kaya to.Tch

Alam nyo ba kung sino to?! Edi sino pa, Edi yung bwisit na lalaking nakilala ko kanina. >__<

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko ng mapawi ko na ang pagka gulat ko.

"Ikaw! Ikaw anong ginagawa mo dito sa bahay ng kaibigan ko?" Kaibigan? Ano to joke? Eh dito ako nakatira eh. :3

"Kaibigan? Sinong tinutukoy mong kaibigan? Eh dito ako nakatira eh! Don't tell me ako yung tinutukoy mo? Tsk! Mygod! Di tayo magkaibigan noh! Eh enemy nga turing ko sayo eh."

"Wow ha! Wow lang?! As if naman ituturing kitang kaibigan. Eh ikaw nga yung nagpahamak sakin eh.Kaya nga ako na punta sa detention room diba?!" Tsk. Shunga din nitong lalaking to eh?! Sya na nga kasi ginigising kanina tapos hihiyaw? Whahahaha.

"Haler?! Ako?! Sure ka?! Eh sino ba naman kasi ang sumigaw sigaw?! Ha? Diba ikaw?! Ikaw na nga ginigising kanina para dika na mapagalitan eh. Tapos ako pa sinisisi mo? Baliw ka ata eh. Ikaw na nga tinulungan kanina eh.Walang utang na loob!!!" Isasarado ko na sana yung pinto kaso biglang dumating si Kuya Kyle.

"Clowie! Anong ginagawa mo sa kaibigan ko? Bakit ba kayo nag - tatalo jan ha?!" 

O_________O

KAIBIGAN?! ETO KAIBIGAN NI KUYA?! ANO KAYA PINAKAIN NUNG LALAKING TO KAY KUYA?!

"Ikaw?! Kaibigan ni Kuya?!! Paano nangya-" Di na natuloy sasabihin ko ng biglang nagsalita si Kuya Kyle. :3

"Clowie! Kaibigan ko sya. May problema ba don? "

Hala? Seriously? Kaibigan ni Kuya to? Ano kaya ginawa nya at naging kaibigan nya si Kuya?

"Wala Kuya. Sya kasi yung--" Hindi na natuloy sasabihin ko ng biglang nagsalita yung Bwisit. -__-

"Ah Kyle, ako kasi yung boyfriend nya! Hindi nya ba sinabi sa inyo?" Wtf. Sya boyfriend ko?!! Sinabi pa nya talaga yun ng naka ngisiiii!!

Wow ha. Wow talaga! Kapal ng mukha neto!!! Kahit kelan di ko sya papatulan!!! Urghhhhhh!!

"Ikaw?!! Boyfriend ko?!! ASA!"
Pagka sabi ko non. Isasara ko na dapat ang pinto pero biglang nagsalita si Kuya.

"Clowie! Ganyan ba ang pagtrato mo sa BOYFRIEND MO?" Sabi ni Kuya na halos pasigaw na.

"Pero kuya, Hindi ko naman sya boyfriend eh! >__<"

"Kahit na kaibigan ko sya kaya papasukin mo sya" Ma awtoridad na sabi ni Kuya.

Ako naman eto binuksan nga yung pinto. Tsk! Leche kasing lalaki re eh! Kapal ng mukha magpakilalang boyfriend ko! >__<

"Okay sige. Pero kuya! Hindi ko sya boyfriend ah? Alam mo naman honest ako sayo eh"

"Hay ewan ko." Sabi ni Kuya na emotionless.

"Kyle wag ka maniwala jan sa kapatid mo! Actually kanina nya nga lang ako sinagot eh ^______^" Lawak ng ngiti ni loko. Pwes! Humanda to sakin. Whahahahaha *evil plan*

"Hoy lalake! Di nga kita kilala pa eh! Tapos boyfriend?!! Taas ng status ng pagka feelingero mo ah. Hanep eh!" Whahahahaha tignan nalang natin.

"Babe naman! Wag mo naman ako ikahiya kay BROTHER IN LAW ;) *wink*" Ahahahahaha kapal talaga neto.

"Babe? Babe your face! Akala ko encyclopedia lang makapal eh! Mukha mo rin pala" Hahahahahaha.

Ano sya ngayon? Mukha nya tuloy, mukhang ewan! Huehue.

"Magsi tigil na nga kayong dalawa jan.Pumasok na kayong dalawa sa loob." Sabi ni Kuya Kyle na ngayon ko lang naalala na nanjan pa pala.

Pumasok na si Kuya,kaya naman sumunod na ako! Ewan ko sa bwisit na yun kung sumunod sya.

Sinubukan kong tignan peripheral view ko. Nakita ko sya na sumusunod kaya naman huminto ako at buti naman napahinto din sya.

"Hoy lalake! Di kita kilala. Kaya bawiin mo sinabi mo kay Kuya Kyle! Kung hindi lagot ka sakin." Hah! Ano ka ngayon?! Matakot kaa.

"Hoy babae! Sinong tinatakot mo? Ako? Tignan nalang natin kung matakot ako sayo. Basta hindi ko babawiin yun sa Kuya mo" Urghhh! Bat ba kasi nakilala ko pa to eh!

"Ha! Bat mo ba kasi ginagawa to eh?! Pag ako napagalitan ni Kuya"

"Ano naman ngayon sakin kung mapagalitan ka?" Bwisit talaga neto e.

"Naman eh. Bakit ba ha?! Ano bang gusto mong gawin ko?!" Letche talaga neto. Napasubok tuloy ako T__T

"Simple lang. BE MY FAKE GIRLFRIEND"

______
Hi Guyys! Bitin much? Hehe jan muna. Test namin ngayon e. Kaso na mode ata? Kaya sinamalanta ko ng mag update.

Salamat sa pagsuporta sa aking story. Abangan nalang natin kung papayag nga ba si Clowie natin!

Keep voting and reading ^__^
Loveyou Guys! :*

Unlucky Inlove with a COC PLAYER (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon