Cure #1: Huling Hininga

247 5 2
                                    

Huling Hininga

ELEMENTS:
Unicorn & Werewolf

~

"MGA HANGAL! Habulin niyo siya't patayin!" Iyon ang mga salitang narinig ni Ceres galing sa Reyna ng Otradox na si Morrigan, ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob. Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo palayo sa kaharian ng Dominicus.

Kahit kailan ay hindi siya susuko, kahit ang buhay pa niya ang maging kabayaran. Iyon ang ipinangako niya sa sarili.

Sa pagtakbo'y binagtas niya ang masukal na kagubatan dahil alam niyang may mga itim na lobo pa rin na sa kanya'y nakasunod. Sa sobrang bilis ng takbo, animo'y lumilipad na siya. Hindi na niya inalinatana ang pinaghalong pawis at dugo na dumadaloy sa kanyang noo, dahil sa natamong sugat sa pakikipaglaban kanina. Para sa kanya'y ang kaligtasan pa rin niya ang mas mahalaga ngayon.

Ilang saglit pa'y napahinto siya, pinakiramdaman niyang maigi ang paligid kung may kalaban pa, nang namasigurodong ng wala na, minabuti niyang magpahinga na muna.

Otradox - ang kulay itim na masasamang lobo - ang mga halimaw na humahabol sa kanya. Sila rin ang salarin kung bakit nag-iisa na lang siya ngayon.

Masaganang lumandas sa kanyang pisngi ang mainit na likido nang bumalik sa gunita ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang mga kalahi. Ito'y ang mga Nepthians - ang mga puting lobo.

Noo'y matalik na magkaibigan ang mga Otradox at Nepthians. Sa kabila ng pagkakaiba ng pisikal na kulay ng dalawang uri ng lobo'y hindi naging hadlang iyon. Ngunit dahil ang mga ito'y naging halimaw na ganid sa kapangyarihan, nagawa ng mga Otradox na pagtaksilan at kalabanin ang mga Nepthians upang kunin ang makapangyarihang pulang medalyon at sakupin ang kaharian ng Dominicus.

Naging magulo ang noo'y masaya at tahimik nilang kaharian. Hanggang ngayo'y hindi pa rin niya lubos maisip na mauuwi sa ganito ang lahat. Hindi niya inaasahang maraming mamamatay kabilang na ang kanyang mga magulang na Hari at Reyna.

Mariin siyang napapikit nang maalala ang habilin ng mga ito.

"Ama! Ina!" lumuluhang usal ni Ceres. Natagpuan niya na lang ang mga magulang na duguan at naghihingalo na. "Lumaban kayo! Kailangan pa kayo ng ating kaharian. Kailangan pa namin kayo ni Eirene!"

"C-ceres... m-mahal k-kong a-anak, patawad kung naging mahina kami... ng iyong ama," habol hiningang usal ng kanyang inang Reyna. "Kunin mo ito, anak." May iniabot ito sa kanyang isang kulay pulang medalyon. "Magagamit mo iyan."

Tinanggap niya iyon. "Inang Reyna."

"I-ipangako m-mo... s-sa a-amin n-na h-hindi m-mo p-pababayaan... ang kapatid mong si Eirene," nahihirapang sambit ng amang Hari. Lumandas pa sa pisngi nito ang kulay pula at malapot na likidong inilalabas ng bibig. "Patawad, Ceres... mahal namin--aahh!" Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang mapahawak ito sa dibdib na binutas ng isang itim na lobo.

"I-ipinapangako k-ko s-sa i-inyong... ipaghihiganti ko ang ating lahi," basag ang boses na usal niya, nang pumatak ang maiinit na likido galing sa mata. "Isa-isa kong kikitilin ang buhay ng mga Otradox!" naninibughong dagdag niya.

Hanggang sa tuluyan ng bawian ng hininga ang kanyang ama't ina habang nakamulat pa ang mga mata.

Para sa kanya'y isang mabungungot ang mga nangyaring iyon, ngunit subalit gaya ng ipinangako sa kanyang mga magulang, ipaghihiganti niya ang kanilang lahi sa mga masasamang lobo na iyon. Uubusin rin niya ang lahi ng mga ito gaya nang ginawa sa lahi nila.

DELUSIVE OUTBREAK: Round ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon