LOLE INENG'S POV
kieferravena15 Yesterday at the game with Lola and Baby Lucia
That's the first thing I saw when I opened my IG. Ang cute talaga ni Lucia! Can't get enough of her at the moment. Alam niyo yung okay na yung picture namin ni Lucia, nasama lang talaga si Kiefer.
Nasira tuloy- Joke lang!
"Ngiting tagumpay, Ineng!" sabi ni Ate Aby. Kakadating niya lang, training namin ngayon for Petron.
Yes, Ella and I are playing for Petron Team. Wala, eh. Nabakuran kami nina Ate Fille tapos si Ate Chel tsaka si Ate Aby din.That's why now, we are playing for Petron Team. And I'm enjoying it din naman, so as Ella.
"Ay, kaya!" sabi ni Ate Din na nasa likod ko pala.
"Ikaw, ha! Kumekembot nanaman si Kiefer. Papuntahin mo dito minsan para makilatis namin." sabi ni Ate Chel, "Diba, girlies?" tanong niya.
"Pak naman, Ate Bhe!" sagot ni Ella.
Nagstart na kaming magstretching. Pero siyempre, hindi mawawala yung harutan samin. And naalala ko nung nasa draft pick pa lang ako. Hindi naman sa pagmamayabang, pero number one draft pick ako.
And this team accepted me.
Maraming nagbash against me. Lagi daw akong wala sa game ko. Off daw yung last season ko that's why parang nawalan ako ng confidence sa sarili ko. We almost lost our championship last season sa UAAP.
But everything fell back to its right place din naman.
"Ly, okay ka lang?" tanong ni Ella.
"Yeah!" sabi ko at nagrecieve ng bola.
"Akala ko kung ano na nangyari! Bigla kang natahimik." sabi ni Ella. "Natatae ka?" tanong niya.
Nagulat naman daw ako, "Hoy! Ano ba yan, Ella!" sabi ko.
"Joke!" edi nye. "Oh!" pinalo niya yung bola kaya todo habol naman ako.
"Hoy, Donya, how was your job interview nga pala?" tanong ko.
"Okay naman, nagreready na for final interview." sagot niya kaya napalakpak ako. Ganun talaga, masaya ako for Donya.
"Good for you!" sabi ko sakanya. Kaso mag-isa na lang pala ako sa condo kapag may pasok siya.
"Oh, oh! Alam ko na iniisip mo! Wala kang kasama sa condo?" sabi niya.
"Yup." I agreed.
"Why don't you work na din kaya?" tanong niya.
"I want to focus more on professional volleyball pa. Alam mo naman yun, diba?" sabi ko.
"Eh, kesa naman magmumukmok ka sakin!" sabi niya.
"Bahala na, basta focus on volleyball muna." after college kasi, yun talaga muna ang gagawin ko. More on volleyball muna ako.
After ng ilan pang rounds ng training, nagweights naman kami. It was tiring but fun. Ang daldal kasi namin. Kaya nawawala din pagod namin. Then, biglang may maglalabas ng phone tapos magpipicture kami.
"TAPOS NA! YES!" sigaw ni Donya.
"Kalma lang, Donya." sabi namin sakanya.
Habang nagpapahinga pa kami sa bleachers, tumunog yung phone ko. May text? Gabi na, may natanggap pa akong text? It's almost 11 na rin. Ganyan naman talaga natatapos training namin lagi.