Hoops 4

780 37 8
                                    

LOLA INENG'S POV

'Itim na Nazareno ka ba? Pahalik naman'

That's... weird. Nakakabastos 'to, ah! Hindi porket medyo maitim kulay ko, nazareno na, ah!

"Bagay sayo maging amo, inalila mo... kasi puso ko?" kinuha ni Denden yung sticky note na naka-dikit sa kotse ko. "Ang weird naman ng admirer mo. Bulok ng pick up lines!" she commented.

'Hi, I'm 4! Your 4ever'

"Oh my golly! Ano na nangyayari sa mundo?" sabi naman ni Ella habang naka-tingin sa kakakuha ko lang na sticky note.

'Kanal ka ba? Pwede bang akin KANALang'

'Ako si BOSS, ang magmamahal sayo ng luBOSS'

'Pilipinas ka ba sa Panatang Maka-Bayan? Iniibig kasi kita'

'Ayoko ng bracelet, gusto ko hIKAW'

'Iodine, Lithium, Potassium, Europium'

"Paano napunta periodic table diyan?" tanong ni Ella.

"Guys, I have to go! May date pa kami ni LA!" paalam ni Den.

Napag-usapan kasi naming tatlo na magdate kami. It's February 14 and ito, may nagdikit ng sticky notes sa kotse ko. Neutral kasi, eh. Naiinis ako na natutuwa sa nag-effort nito. Since wala kaming date dalawa ni Ella, niyaya namin si Denden para tatlo kami.

Nagpaalam na si Denden dahil sinundo na siya ni LA.

"Lagi na lang tayong iniiwan." sabi ni Ella habang pinapanood lumayo kotse nina Denden.

"Ate, may hindi alam si google na alam niya!" may tinuro yung bata sa may likod ng kotse kaso wala naman. "Hindi alam ni google kung gaano ka niya kamahal!" sunod niyang sabi.

"Bata, wag ka na bibili ng rugby, ah? Kawawa future mo! May amats ka na." sabi ni Ella dun sa bata kaya pinitik ko yung tenga niya.

"Hoy, Ella! Bata yan, pinapatulan mo!" binalingan ko naman yung bata. "Uhm, sino nagsabi sayo niyan?" tanong ko.

May tinuro siyang kotse. Dun daw nagtatago. Inamin rin niyang siya nagdikit ng mga sticky notes sa kotse ko. Pero hindi daw siya ang nagsulat!

Binigyan daw siya ng pangkain tsaka rubber shoes daw.

"Naiisip mo na ba ang naiisip ko?" sabi ni Ella.

"Ate, punta ka daw dito." may inabot siya saking papel, nanaman.

"Anong pangalan nung nag-utos sayo?" tanong ko.

"Secret daw pangalan niya, eh!" this little boy shrugged.

Nagpaalam na kami sakanya.

Grabe talaga, maka-bawi lang, mandadamay pa ng bata. Tapos tatadtadin pa ng napakaraming sticky notes yung kotse ko. Punuin ko kaya ng sobrang daming sticky notes kotse niya?

Namigay talaga siya ng rubber shoes?

---

I looked myself at the mirror. Ewan ko kung tama ba yung pagkakalagay ko ng make-up ko sa nukha ko. Ito lang yung naalala ko sa pinagawang 'make-up challenge' sakin noon, sa Phenoms.

"Tignan mo!" pansin ni Ella. "Grabe takaga kapag mahal mo, eh, 'no? Ikaw 'tong tampo kung tampo sakanya tapos sisiputin mo dahil valentine's day?" inirapan ko siya.

"Alangan namang indianin ko siya dun, diba? Tsaka kaya naman kasi siya busy dahil sa mga trainings." inayos ko na yung bag ko.

"Ay sus! Ineng, mahal mo na. Jusko naman!" stress na stress talaga siya.

"Uuwian na lang kita ng pagkain, wag ka mag-alala." that made her stop.

YUN LANG PALA HABOL NIYA, GRABE TALAGA. HINDI NA AKO MAGTATAKA KUNG IPAGPAPALIT NIYA AKO SA PAGKAIN!

"Sige, enjoy sa date! Pagkain ko, ah!" she even waved at me hababg nalabas ako ng pinto.

Napa-iling na lang ako at sumakay sa elevator. Mabilis naman akong naka-punta sa basement parking. Pasakay na nga ako ng kotse kaso tinawag ako nung lalaking naka-bihis ng formal.

"Hi, Ate Ly!" bati ni Thirdy.

"Ano ginagawa mo dito? Wala kang date?" tanong ko.

"Someone wants me to fetch you, in short driver mo ko for tonight." sabi niya.

Sabi na nga ba, eh!

"And wala akong date." pahabol niya.

"Di mo niyaya si Bei?" pang-aasar ko kaso parang mali ata.

"Wala, eh. May nauna ata sakin." sagot niya bago ako pumasok ng back seat.

"Edi yayain mo bukas!" sabi ko sakanya.

"Bahala na." he shrugged din.

Nagkwentuhan lang kami all throughout the ride. Ano kaya nangyari sakanilang dalawa ni Bei? They were okay, though never naging sila. Well, hindi sila umaamin.

"Dito na lang." sabi ko.

"Sabi kasi ni Kuya, hatid daw kita hanggang sa table niyo." sabi ni Thirdy.

"Hindi na! Dito na lang!" binuksan ko na yung car door at bumaba na. "Thanks, Ferdinand! Goodluck kay Bei!" I said before I close the car door at pumasok na.

Hinahanap ko table ni Kiefer dito sa Spiral. Ewan ko ba dun kung bakit dito niya napili. Madaming tao, ang daming nagdedate.

"Miss Alyssa?" tanong nung waiter dito.

"Yes?" I asked din.

"This way po." she lead me the way to his heart-- Joke lang!

Kinakabahan ako na ewan.

Matagal-tagal din kaming hindi nagkita. Almost 1 month na din. Hindi nagtutugma mga schedule namin, eh.

"Dito na po, Ma'am." sabi hung waiter.

"Oh, okay. Thank you." I mumbled thank you to the waiter.

Dito malapit sa table, may isang guy. Wait nga! Ang liit naman nito! Like, hanggang noo ko lang? Mas matangkad si Kief sakin, ah?

"Kief?" tawag ko dun sa lalakung naka-talikod.

After a few seconds, humarap siya sakin.

"Hi!" bati niya.

Automatic na nanlaki mata ko. My jaw dropped. And my inis meter hit the highest point.

You are really dead, Kiefer Ravena!

_______

Ooppss, cliff hanger lolzz. Update before February 14 ends. Sa wakas, makakahinga na rin ang mga bitter.

TEAM 30 NEEDS OXYGEN PO!

benz + spiral + #TeamUlila = 💕👊👌

Congrats Areneyoowww! 4-0 and counting mwaps 💙 (and sorry for the long update ✌)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HoopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon