Rylee's POV
Parang namutla naman agad sya pagtingin ko sa kanya... Napakaweird talaga nitong lalaking to. Imbis na mamula sa kagandahan ko bigla nalang namutla, may sakit ba sya?
"Uh-uhm m-may---" Di ko na sya pinatapos magsalita dahil mukhang naintindihan ko na yung pagturo nya sa may likuran ko. Uggh may red alert ako. Nakakahiya, anong gagawing ko? T.T
Agad naman nyang hinubad yung jacket nya at ibinato sakin. Woaaah buti nalang nasalo ko. Agad ko namang ipinantakip yon sa red alert ko. Nakakahiya talaga. Hirap na hirap ako magpaganda sa harap nya tapos makikita nya ako sa ganitong sitwasyon. Huhuhu T.T .. Poor Rylee. Kung andito lang sana si kuya.
"Uwi na tayo" Pag-aanyaya nya sa akin kaya naman sumabay narin ako sa kanya sa paglalakad ng hindi nagsasalita.
"L-lev, pede kalimutan mo na yung nakita mo kanina?" Malumanay kong sabi sa kanya pero sa loob loob ko nagwawala na ako sa sobrang hiya (O///O)
"Sanay na naman akong kalimutan ang lahat. Gaya ng dati." Sagot nya sa akin ng may kahalong hugot. Langya, wala akong time sakyan ang trip nya ngayon. Mahal ko naman sya pero syempre mahal ko rin ang sarili ko.
"Bitter!" Mahina kong sabi pero alam kong rinig nya. Actually nagpapatama talaga ako sa kanya ehh. (>.>)V
Wala na namang umimik saming dalawa. Napakatahimik ng gabi. Napaka akward din namin.
"Alam mo kung bakit hindi nagtatagpo ang umaga at gabi?" Pagputol ko sa katahimikan naming dalawa.
"Bakit?" Tanong naman nya sa akin habang nakatingin sa mata ko. Gosh inlove na ulit ako.
"Ehhh? Ewan ko!! Kaya nga tinatanong ko sayo ehh." Pagbibiro ko pa sa kanya
Lalo naman nya akong tinitigan. Mahina pa man din ako sa titigan jusko ilayo nyo po ako sa tukso, baka mahalikan ko po ang taong nasa harapan ko.
"Kasi parang relasyon----" Sagot ko sa kanya kaya napatingin naman sya sa malayo
"Yung sobrang taas ng sikat ng araw na sumisimbolo sa taas ng pride ng isang tao. Yung paulit ulit naman kayo nagkakasalubong at humuhingi ng tawad yung isa pero hindi mo parin sya makita, kasi binubulag ka ng sakit ng nararamdaman mo. Akala mo wala sya sa harapan mo kahit naandyan sya, pero hanggang malayo lang, kasi pag lumapit ang buwan sa araw, masakit, dahil parang paulit ulit kang sinusunog. Paulit-ulit kang nasasaktan dahil yung pride nya, yun yung pilit na pumapatay sayo, Kapag nagtagpo ang araw at buwan masisira ang buwan, parang puso ko nung binalikan kita. Kasi may iba ka na. Parang sinunog lang at naging abo. Pero kahit abo na mahal ka pa." Tuloy tuloy kong sabi habang naglalakad kami. Pinigilan ko namang tumulo ang luha ko sa pamamagitan ng pagtingin sa langit. And this night I finally saw what I've been waiting for. Pero hindi ko expected na kasama ko sya sa ilalim ng mga bulalakaw.
BINABASA MO ANG
Untitled Draft (On Hold)
RomanceThe Laguages that are used in composing this story are English and Filipino. Synopsis: This is not just an untitled draft from my account. This is a draft about a girl who named Rylee, who left an unfinished business in her old school and come back...