Rylee's POV
"Name?" Kuya Ruppin
"Rylee Mielle Sy" Sagot ko naman sa kanya
"Age?" Tanong nya sakin
"15" Sagot ko
"Weight?" Tanong nya ulit sakin
Agad ko naman syang binatukan
"Ba't ba andami mong tanong?" Irita kong tanong sa kanya
"You're speaking tagalog?" Gulat na gulat pa nyang tanong sakin
"Malamang Pinay ako. Nahihibang ka na ba?" Irita kong tanong sa kanya
Kakauwi ko lang from UK. At iniinterview na ako ngayon ng kuya ko. He's always like this. Pero nakakamiss din yung kakulitan nya. Sayang nga lang at di sya kasya sa maleta, di ko tuloy naisama sa UK.
"Kapatid ba talaga kita? Bakit nagkaganyan ka? Ang ganda mo!" Papuri nya sakin kaya naman napangiti ako sa kanya ng todong todo
"Talaga? Thank you kuya!" Niyakap ko naman agad sya ng mahigpit
"Just Kidding. Akala ko nga di kita kapatid kasi gwapo naman ako pero pinagkaitan ka ng kagandahan. Siguro naibuhos sakin ni Mama lahat nung nasa sinapupunan pa nya ako kaya walang natira sayo." Sagot nya sakin kaya binugbog ko na agad sya.
"Bakit umuwi ka pa?" Tanong nya sakin habang nakakunot ang noo at gulo gulo ang buhoy after ko syang bugbugin.
"Bawal?" Tanong ko sa kanya with sarcastic tone
"Pede naman. Nasa UK rin naman sila mama ah. Ako nga gusto ko na sumunod dun." Kuya
"Ayoko na dun. Ang boring." Sabi ko sa kanya
"Asan yung kotse mo kuya?" Tanong ko agad sa kanya
"Bakit? San ka pupunta? Sa boyfriend mo? Kaya ka siguro umuwi kasi may boyfriend ka sa Pilipinas. Nako isusumbong talaga kita kay Mama." Nakangiti sya ng nakakaloko this time
Uggh nakakaasar talaga tong lalaking to. Maling hinala.
"Mag-eenroll na ko." Sabi ko sa kanya at ipinakita ko ang envelope na may card ko
"Late ka na. Mag home study ka nalang." Suggest nya sakin kaya naman napasimangot ako sa kanya
"Ayoko nga" Sagot ko sa kanya at ipinahawak naman nya saakin yung mga maleta na dala ko kanina galing sa UK na binuhat nya para sakin.
BINABASA MO ANG
Untitled Draft (On Hold)
RomanceThe Laguages that are used in composing this story are English and Filipino. Synopsis: This is not just an untitled draft from my account. This is a draft about a girl who named Rylee, who left an unfinished business in her old school and come back...