-1-

147 1 2
                                    

-1-

***

NAME: Randee

AGE: 18

GENDER: 50:50 ---100% katawang babae minus 50% feeling lalake

DESCRIPTION:

Tomboy – yun ang tingin at tawag ng mga taong nakapaligid at nakakakilala sakin. Wala naman akong pakialam. Basta masaya ako at wala namang naaagrabyado, go lang ng go. Never pa naman akong nagkagirlfriend at wala akong balak na subukan. Lalo naman ang magboyfriend. Isipin ko pa lang nangingilo na ako. Ewan ko ba. Mas masaya na ako ng ganito. Kahit pa ang buong pangalan ko ay tumatagingting na KASANDRA MIRANDA FLORES ay kilos lalake, damdaming lalake, feeling lalake, at never maiinlove sa lalake though madaming nagsasabi na maganda ako. Oo Maganda kung itatapon ko na ang mga damit ko na parang ewan daw.  Maganda kung mag-aayos ako ng sarili ko. Maganda kung hindi ako magaslaw kumilos. AT marami pang maganda KUNG...

Sabi ng mama ko kasalanan daw ‘to ng daddy ko. Kami lang ni ate Karla ang naging supling nila kaya ako ang napagdiskitahan at ginawang junior ni dad. Kaya naman spoiled ako sa kanya. Pero lately, sinasabihan na ako ni dad na mag-aral na akong kumilos na tulad ng isang tunay na babae. Kesyo dalaga na daw ako, kasalanan daw niya kung bakit ako ganito ngayon. Dapat daw hindi ganito ganyan. Well, ako naman pasok sa kanan labas sa kaliwang tenga. Hindi naman sa hindi ko ginagalang si dad at hindi ko siya pinapakinggan. Eh kaso eto ako eh. Hindi madali ang pinapagawa nila. I can’t force myself na gawin ang isang bagay na alam kong hindi naman bukal sa loob ko. Hindi bale sana kung may magic wand ako na pag kinumpas ko ay voila magiging tunay na babae na ako sa kilos, sa pag-iisip sa puso at kaluluwa.

Kahit ganito ako marami akong friends na babae. Alam kasi nila na safe sila saken, hindi ko sila papatulan. Hahaha. Isa na si Yasmin sa malapit sakin. Magbestfriend kami since grade school. Pero magkaibang magkaiba kami. Kikay siya, makolorete, maarte sa katawan at papalit palit ng boyfriend, ako? Uulitin ko pa ba kung ano ako?

♪♪♪This is real, this is me

I'm exactly where I'm supposed to be now

Gonna let the light shine on me

Now I've found who I am

There's no way to hold it in

No more hiding who I wanna be This is me ♪♪♪

Speaking of the devil este Yasmin pala.

“Hello Yas!”

“Hello Yas ka diyan! Asan ka na ba? Kanina pa ko dito sa airport ah. Baka maiwan tayo ng eroplano!”

“Eksaherada. Lapit na po. Ilang tumbling na lang.”

“Dalian mo. Inaamag na ako dito.”

“OA mo ah! Oo na. Si Manong Roger kasi ang bagal magdrive.”

“Ay sus! Naninisi pa. If I know ikaw ang mabagal kumilos diyan eh.”

“Tse! Dito na din ako. Puntahan na lang kita dyan.”

“Okay bye”

Binababa ko na ang phone at nagmamadaling pumasok ng airport. Trip to Korea. Alam ni Yasmin na matagal ko ng gustong pumunta ng bansang yon kaya ito ang gift niya para sa 18th birthday ko nung isang buwan. Ngayon ko lang na-claim ang regalo niya dahil mas makakapag-enjoy kami dahil bakasyon. At sobrang excited na ako. Susulitin ko talaga 'to.

***

After  almost four  hours ay lumapag na  ang eroplanong sinasakyan namin sa Incheon International Airport.

[Foolish Heart:1] Pretty Boy & The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon